Chapter 36

3635 Words

Napangiwi ako nang makita ang masamang tingin ni Thauce sa akin. "A-Ano na naman ang ginawa ko?" tanong ko sa kaniya. Napaatras ako nang lumapit siya sa akin, hindi siya tumitigil. Taas baba rin ang kaniyang dibdib dahil sa inis? galit? hindi ko alam kung ano itong nakikita ko sa kaniya pero parang galit siya dahil salubong ang mga kilay niya at masama ang tingin niya sa akin. Kaso... may halong ibang emosyon ang nasa kaniyang mga mata. Hindi ko lang mapangalanan. "Babalik rin naman ako doon sa loob, eh--" "I thought you left me." Mahina lang ang pagkakasabi niya kaya hindi ko masyadong narinig. "H-Ha?" "I thought you left." Napasandal ako sa pader at naramdaman ko ang lamig non. Itinaas ni Thauce ang kaniyang mga kamay sa magkabilang gilid ko at napayuko siya sa aking harapan. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD