"Hey." "Zehra." Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakilala ko ang mukha ng lalakeng lumapit. Isa ito sa mga kaibigan ni Errol at ni Thauce. Sa bar ko ito nakita noon. Hindi ko lang maalala kung ano ang pangalan. Mukhang hindi naman nabanggit? "Ngayon na lang ulit kita nakita. I asked Errol about you, hindi ka na pala nagwo-work sa bar niya?" Nagsimula akong maglakad at sumabay naman siya. Nauna na ang iba na makapasok sa rest house nila Lianna. Ako ay may binalikan lang dito sa sasakyan ni Thauce. Hindi ko pala kasi namalayan na nalaglag ang cellphone ko sa aking bulsa. "Lumipat ka na ng trabaho?" Nang hindi ako sumagot sa tanong ng lalake ay napakamot siya sa kaniyang batok. "Sorry, I forgot to introduce myself. Kit, Kit Driones pala. Nasa kabilang sasakyan ako kasama sina Errol.

