Hindi naging madali para sa akin ang magdesisyon na sundin ang mga gusto ni Thauce para sa kapakanan ng kapatid ko. Hindi lang ang pagkuha sa atensyon ni Errol, hindi lamang ang paibigin ito dahil mas nadagdagan ang mga nais ni Thauce na gawin ko para sa kaniya. Nang magsisi ako sa pagtanggap ng kasunduan ay huli na, wala rin sa aking isipan na mahuhulog ang loob ko sa taong ang tingin ko una pa lang ay masama na. Lahat, lahat ng nangyayari ngayon ay kailanman hindi sumagi sa aking isipan. Ang gusto ko lang ay maging ligtas si Seya, mawala ang malubhang sakit niya kahit pa ang kapalit ay ang sarili ko. Kahit pa manloko ako ng ibang tao. Ngunit hindi nagtagal ay napagtanto ko na mali na gumamit ako ng iba para lamang sa pansariling dahilan ko, naging makasarili ako at hindi na inisip pa a

