Title: My Love for you is Real written by: Miss Choi Genre: Romance Pagkatapos ng tagpo na 'yon ay bumalik na nga ang lahat sa kani-kanilang desk at nagtrabaho. Gabi ngunit nasa bangko pa rin si Angela at nag-overtime. "Angela, hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Venice. "Uuwi na rin, kaso tapusin ko lang 'to, ang dami kong tambak na trabaho eh," saad naman ni Angela. Matapos ang trienta minutos ay nagpasya na rin na umuwi ang dalaga ng mag-isa. Dahil hindi na nga nakapag hintay si Venice at nauna na 'ito. Naglalakad siya no'n ng may napansin siyang parang may sumusunod sa kanyang likuran kung kaya bigla siyang nakaramdam ng takot at kaba at biglang naisip si Rafael. 'Siguro kung narito siya susunduin n'ya ako pauwi at sabay kaming uuwi," saad n'ya sa kanyang isipan na nakakaramdam n

