Title: My Love for you is Real written by: Miss_choi Genre: Romance PAGKALABAS ng silid ni nurse Charles ay hinaplos ni Venice ang kanyang buhok at nakakaramdam ng awa ang kaibigan. "Angela, andito lang ako, makikinig at tutulungang makalimot sa sakit na nararamdaman mo, siguro nga hindi pa 'to ang tamang panahon. Pero malay sa susunod hindi na mabuntis kumpleto lahat at kasama mo ang ama ng magiging anak mo," advice ni Venice. "Pero si Rafael lang ang mahal ko at siya lang ang gusto kong maging ama ng anak ko at makasama habang buhay. Kaso paano 'yon mangyayari? Kung wala na siya," hagulgol na wika ni Angela. Niyakap na lamang ni Venice ang kaibigan. Habang nakatalikod 'to sa kanya. "Sige lang ilabas mo lang 'yan, pasasaan pa at lilipas rin ang lahat ng sakit," saad ni Venice sa k

