Chapter 5

1194 Words
My Love for you is Real By: Choi Romance Chapter 5 Matapos kumain si Rafael at Angela sa restaurant ay nag aya na ngang umuwi si Angela. Sumampa ito ng dahan-dahan sa motor at hinawakan muli ni Rafael ang dalawang kamay nito at inilagay sa kanyang beywang. Pinaandar na nga ni Rafael ang kanyang motor. Habang nasa daan sila ay hindi mawala sa isip nito ang sinabi ni Angela na hindi siya gusto nito. Pinaharurot ni Rafael ang motor upang mapakapit si Angela ng husto. Napakapit naman ng husto si Angela at sinabi sa kanyang isip. "Bw*sit ka talagang lalaki ka! Talagang ayuko sayo. Lalo na at sinasadya mo talaga," wika nito sa kanyang isip habang kapit-kapit sa baywang ni Rafael. Nang makarating na sila sa apartment na tinutuluyan ni Angela ay nagsalita si Rafael at sinabing, "See you tomorow," wika nito ng may ngiti sa labi. Bumaba agad si Angela sa motor at sinabing, "Huwag kanang bumalik bukas, dahil ako na ang nagsasabi sayo. Wala kang aasahan sa akin," wika ni Angela at pumasok na ito sa loob. 'Bw*sit ka talaga, Rafael! Pasalamat ka talaga at kailangan kong gawin ang pinag-uutos ni ama," wika nito sa kanyang isip. Ini-lock nito ang pintuan, ibinababa ang dalang bag at dumiretso sa banyo. Habang si Rafael ay nasa labas at nakatanaw sa tinutuluyang bahay ni Angela. "Magiging akin ka rin, Angela," wika nito sa kanyang isip at pinaandar ang motor. Makalipas ang halos isang oras na pagmamaneho ay nakarating sa bahay nila si Rafael. Pagdating nito sa kanyang bahay ay sinalubong agad 'to ng kanyang ina. "Napaka aga mo naman yata, hijo. Kumusta ang date mo?" tanong ng kanyang ina na may ngiti sa labi. "Hindi po maganda," sagot ni Rafael habang nagmano sa ina. "Abay, bakit naman?" usisa ng ina nito. "Hindi daw nya ako gusto," wika ni Rafael na may lungkot sa mga mata. "Alam mo, hijo, ganyan din ako sa ama mo noon. Hindi ko rin siya gusto noong una. Pero noong nakilala ko na siya at malinis ang intensyon nya sa akin. Ayon naibigay ko rin ang matamis na oo ko," wika ng ina nito ng may ngiti sa labi. "Talaga po, ina?" tanong ni Rafael na may matang mapupungay. "Oo, anak, kaya pagsumikapan mong mabuti at ipakita mo na desidido ka at tapat ka sa kanya," wika ng ina nito na may malapad na ngiti sa labi. "Sige po ina, dahil sa sinabi nyo kahit ayaw niya sa akin. Pupuntahan ko siya ng maaga sa bahay nya at ihahatid ko siya sa trabaho niya," wika ni Rafael na lalong lumakas ang loob dahil sa sinabi ng ina. Pumasok na ito sa banyo at naligo. Nang matapos na ito ay nagbihis ito at humilata sa kama. "Kahit ayaw mo sa akin, Angela. Hindi kita titigilan," wika nito sa kanyang isip habang nakatingin sa kisame. Hindi nito namalayan ang oras at nakatulog na ito. Kinabukasan ay maagang nagsing si Rafael at may dalang bugkos ng bulaklak para kay Angela. Nagtungo ito agad sa tinutulyang bahay ni Angela. Kumatok muna ito sa pinto. Tok! ToK! Katok nito. Nagising si Angela dahil sa katok ni Rafael. "Bw*sit naman oh, ang sarap pa ng tulog ko eh," naiinis na wika ni Angela sa kanyang sarili habang kunot ang noo. Bumangon ito sa pagkakahiga at tinungo ang pintuan. Binuksan nito ang pinto at nabungaran si Rafael. "Good morning," saad ni Rafael na may malapad na ngiti sa labi. "Ikaw lang pala, storbo ka," wika ni Angela habang nakakunot ang noo. "Hindi ka ba papasok sa trabaho mo? Tanghali na kaya," tanong ni Rafael. "Hindi, dahil bukas ako papasok sa trabaho ko. Ikaw, bakit ang aga mo naman ata?" balik na tanong ni Angela. "Hindi mo ba muna ako papasukin?" wika ni Rafael. "Ano bang pinunta mo dito?" pagsusungit na tanong ni Angela. "Ihahatid ko lang itong bulalak at ihahatid na rin sana kita sa trabaho mo," sagot ni Rafael habang napapalunok dahil sa suot ni Angela na nighties na halos lumuwa ang dibdib. "Akin na 'yang bulaklak at makakaalis ka na. Salamat dito," wika ni Angela at isinarado ang pintuan. Tumalikod na lamang si Rafael nagkamot sa ulo. Habang nag lalakad ito papalayo ay may lalaking nagsalita. "Ganyan talaga iyang babae na iyan sir suplada. Daanin nyo nalang po sa santong paspasan," wika ng lalaki na tumatawa ng nakakaluko. Hindi na lamang pinansin ni Rafael ang lalaki at nagpatuloy ito sa paglalakad. Pinaandar ang motor at dumiretso sa trabaho. "Good morning, sir," wika ng mga kapwa nito pulis. "Good morning" sagot nya ng kunot ang noo at dumiretso sa kanyang desk. "Sir, mukhang wala po kayo sa mood ah?" tanong ni Mark. "Medyo, pinagsaraduhan kasi ako ng pintuan ni Angela pagkatapos kong ibigay ang bulaklakn," sagot ni Rafael na hindi maipinta ang mukha. "Gano'n lang po talaga ang mga babae sir. Pakipot lang yo'n, pero may gusto din po yon," wika ni Mark na natatawa. "Hindi, hindi n'ya talaga ako gusto, binasted na nga nya ako," pagtatapat ni Rafael sa kaibigan. "Talaga sir?" usisa ni Mark. "Oo kaya nga lalo akong na cha-challenged sa kanya," sagot ni Rafael. "Sir, balikan nyo po mamaya baka may regla po. Gano'n kasi ang mga babae mainit ang ulo pag may period," pilosopong wika ni Mark na natatawa. "Gano'n ba?" maang na tanong ni Rafael. "Opo sir, gano'n din ang Misis ko," sagot ni Mark. "Baka nga. Dibale, dahil 'yon talaga ang gagawin ko," wika ni Rafael. Maghahapon na noon ng hindi mapakali si Rafael, hindi nya alam kung bakit gano'n ang nararamdaman nya? Para bang kinukutuban ito na kinakabahan. Tinawagan nito ang kanyang ina at sinagot naman ito. "Hello, Rafael, napatawag ka? Takang tanong ng Ina. "Okay lang po ba kayo? Asan po kayo nagyon?" mga sunod-sunod na tanong ni Rafael. "Andito ako sa bahay, anak bakit?" nag-aalalang tanong ng ina nito. "Wala po, sige po ingat po kayo," sagot ni Rafael at pinutol na ang linya. "Mark, bahala ka na dito may pupuntahan lamang ako," paalam ni Rafael at lumabas na agad ng opisina. Habang nasa loob ng boarding house si Angela, at kasalukuyang nagbibihis ng damit dahil katatapos lamang nitong maligo ng may narinig siyang kumatok sa pinto. Binuksan nya ang pintuan. Laking gulat niya ng tutukan siya agad ng patalim ng lalaki sa tagiliran. Hindi nito kilala ang lalaki. "H'wag kang sisigaw, kung ayaw mong matuluyan. Balik sa loob," pananakot ng lalaki. Kinakabahan na natatakot si Angela. "Diyos ko! Tulungan nyo po ako. Anong gagawin ko?" kinakabahan na wika ni Angela sa kanyang sarili. Itinali ng lalaki ang dalawang kamay ni Angela, nilagyan din nito ng tape ang bunga-nga upang hindi makasigaw. Pinaupo si Angela sa upuan, itinali din nitong mabuti paa ni Angela sa may upuan. Pinagpapawisan na hindi makagalaw si Angela at takot na takot. Kinakalkal ng lalaki ang mga gamit ni Angela isinilid nito sa kanyang bag ang pera, laptop, at cellphone. "Alam mo bang noon pa kitang pinagmamasdan at pinagnanasaan. Ngayon bago ako umalis, titikman muna kita," wika ng lalaki at nilapitan si Angela. "Diyos ko, tulungan nyo po ako, huwag nyo po akong pababayaan," pagdarasal ni Angela sa kanyang isipan, habang napapaiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD