My Love for you is Real
Written by: choi
Romance
Chapter 4
Kakain na sana si Angela ng biglang mag ring ang cellphone nito. Sinagot nito ang tawag.
"Hello, anak," wika ng kanyang Ina.
"Hello po ma, napatawag po kàyo.
May problema po ba?" tanong ni Angela.
"Wala naman anak, kumusta kana?"
tanong ng Ina nito.
"Mabuti naman po. Ma, maysasabihin po ako," pagtatapat ni Angela sa ina.
"Ano iyon, anak?" tanong ni Ina nito.
"Ma, nakita ko na po. Si- si Rafael Del Rosario, ang anak po na napatay ni papa.
"Ha? Totoo ba iyan?" gulat na tanong ng Ina nito.
"Opo, ma, hindi ko po alam kung paano ko magsisimula at paano ko po sasabihin?" pag-aalalang sagot ni Angela.
"Anak, dapat mapalapit ka sa kanya at makuha mo ang loob niya. Dahan-dahanin mo," wika ng kanyang Ina.
"Ma, pakisabi po kay papa na natagpuan ko na siya at pakisabi din po na gagawin ko po ang lahat ng paraan para makahingi ng tawad." wika ni Angela na may lungkot sa boses.
"Oh, sige na anak at mag-iingat ka diyan at huwag mong pababayaan ang sarili mo," wika ng Ina nito at nawala na sa linya.
Huminga ng malalim si Angela at kumain na lamang.
Samantalang si Rafael ay tanghali nang nakapasok sa trabaho.
"Good morning, Sir, " wika ng mga kapwa nitong pulis.
"Good morning, Sir," wika naman ni Mark.
"Good morning," sagot ni Rafael ng may ngiti sa labi.
"Sir, mukha po atang maganda ang gising nyo ah?" tanong ni Mark na may ibig sabihin.
"Hindi naman sakto lang," sagot ni Rafael.
"Sir, kumusta na nga pala 'yong babae kagabi?" tanong ni Mark.
"Okay naman, actually mamaya susunduin ko siya at kakain kami sa labas." Pagtatapat ni Rafael na may ngiti sa labi.
"Aba, sir. Mukha po atang tinamaan ka ng pana ni cupido ah!" natutuwang wika ni Mark.
"Hahaha, halata ba?" tumatawang sagot ni Rafael.
"Yes, sir. Iba po ang awra nyo at abot tainga po ang ngiti nyo," saad ni Mark.
"Ang totoo, Mark, kakaiba siyang babae. Iba siya at hindi ko alam kung bakit sa dinarami-rami ng mga babae sa mundo naiiba siya sa lahat at hindi ko alam kung bakit. Hindi kaya dahil nakatutok ako sa kaso ni Ama kaya wala akong nililigawang babae. Sabagay wala naman talaga akong hilig sa babae, ngayon lang ako nagkaroon ng interest," wika ni Rafael na may ngiti sa labi.
"Sir, wala pa rin po bang balita sa kaso ng Ama nyo?" tanong ni Mark.
"Wala pa rin Mark, kailangan kong mahanap ang taong pumatay sa Ama ko at paghigantihan hindi ako papayag na hindi makaganti, dahil ako mismo ang papatay sa kanya." Punong-puno ng galit na wika ni Rafael.
Matapos ang buong araw at ala sais na ng gabi ay nag-out na rin si Rafael umuwi muna ito ng bahay upang magpalit ng damit.
"Oh, hijo. Parang may napapansin ako sayo. Anak, magsabi ka nga ng totoo sa akin. Aakyat ka ba ng ligaw?" Abot taingang tanong ng Ina ni Rafael.
Kitang-kita sa mukha ni Rafael ang pamumula nito at ang ngiting abot hanggang tainga.
"Opo, ma," sagot ni Rafael habang isinusuot ang jacket.
"Mabuti 'yan, anak. Para magkaroon na rin ako ng apo at tumatandan na ako," wika ng Ina nito na may ngiti sa labi.
"Huwag po, kayong mag-alala ma dahil bibigyan ko po kayo agad ng apo," malambing na wika ni Rafael at humalik ito sa pisnge ng Ina.
"Mauna na po ako at baka mainip po siya sa paghihintay sa 'kin, napakasungit pa naman niya," wika ulit ni Rafael.
"Mag-ingat kayo," pa-alala ng ina nito at nagbusina lang si Rafael at nagmaneho na palayo.
Makaraan ang halos treinta minutos ay nakarating na ito sa bahay ni Angela. Kumatok muna ito.
"Tok!Tok!" Katok ni Rafael.
Binuksan ni Angela ang pinto.
"Andyan kana pala. Pasok ka at maliligo muna ako," wika nito.
"Hindi ka pa nakaligo?" kunot-noong tanong ng binata.
"Hindi pa, bakit importante ba ang lakad natin?" pasusungit na wika ni Angela.
"Okay, kapag masyadong ginabi tayo sa daan. Dito ako matutulog," wika ni Rafael.
"What?" galit na wika ni Angela.
"Bakit? May magagalit ba?" kunot-noong tanong ni Rafael.
"Wala, pero never pa akong nagpatulog ng lalaki dito!" asik ni Angela.
"Mabuti naman kung gano'n. Bilisan mong maligo at nang makarami tayo," malukong wika ni Rafael habang natatawa.
"Makarami ng alin?" kunot-noong tanong ni Angela.
"Makarami ng kain, maligo ka na at maghihintay nalang ako sa labas," wika ni Rafael na tumatawa ng nakakaluko.
Lumabas si Rafael at bumalik sa motor nito, nagpasyang doon nalang maghintay napatingin siya sa bintana ng kuwarto ni Angela ng biglang nag-switch ang ilaw nito.
Pinagpapawisan siya na hind makaalis sa kinatatayuan. Panay ang lunok, hindi rin maalis ang tingin niya dito dahil sa kitang-kita nito ang hugis ng katawan ni Angela na malaperpekto, kita rin ang hulma ng dibdib nito. Dahil sa salamin na transparent na may kurtinang manipis.
Nang biglang gumalaw ang kurtina ng salamin, kung kaya tumalikod agad si Rafael at nagkunwaring hindi nakatingin.
Napakunot noo ang tingin ni Angela ng napansing parang may tao sa labas, nang sinilip nya ito ay si Rafael na naghihintay sa kanya.
"Matuto kang maghintay," wika nito sa kanyang isip.
Nakabihis na ang dalaga at ini-lock nito ang pintuan ng boarding house.
Naglalakad si Angela, habang pinagmamasdan ni Rafael na papalapit sa kanya. Nakasuot ito ng black pants na high waist, crop tap shirt na kulay pula, mala v-neck na nakikitaan ng dibdib at pusod.
Samahan pa ng pulang lipstick.
Napatitig tuloy si Rafael sa mukha ng dalaga.
"Makatitig ka, wagas ah. Bakit may dumi ba sa mukha ko?" tanong ni Angela na may pagsusungit.
"Hindi ba pweding, nagagandahan ako sa iyo," diretsahang sagot ng binata.
"Nagagandahan ka dyan. Basta pulis talaga bolero," wika ni Angela at kinusilapan ito.
"Tayo na," wika ni Rafael at isinuot sa ulo ni Angela ang helmet, inilahad din nito ang palad nya upang alalayan siyang sumampa sa motor.
Nakaupo na ng maayos si Angela ng magsalita ito.
"Bagalan mo naman ang takbo mo at ayuko pang mamatay," pag-aalalang wika ni Angela.
"Basta kumapit kang maigi at huwag kang bibitaw. Pangako hindi ka masasaktan, basta magtiwala ka sa akin," wika ni Rafael at hinawakan muli ang kamay ni Angela para ilagay sa bewang nito.
Pinaharurot ni Rafael ang motor, upang mapakapit ng mahigpit si Angela.
"Pasaway ka talaga!" galit na wika ni Angela habang kapit na kapit sa beywang ni Rafael at amoy na amoy nito ang pabango ng binata at nakapikit.
Nakaramdam ng kilig si Rafael at tumatawa dahil sa pagkakakapit ni Angela sa kanya.
Makaraan ang halos isang oras na biyahe ay nakarating na sila sa isang exclusive na restaurant.
Bumababa agad si Angela at sinabing.
"Nananadya ka na talaga anu? Gusto mo na talaga akong mamatay! Mag-date ka mag isa mo!" Galit na wika nito at nag work out.
Sinundan naman agad ito ni Rafael at hinila
"Wait, saglit lang. Okay, Im sorry. I promise hindi ko na uulitin, last na 'yon,"
pagmamakaawang wika ni Rafael.
"Then, okay. Sige pinapatawad na kita.
Sayang naman itong suot ko. Halikana kumain na tayo," wika ni Angela na parang wala lang nangyari.
"Baliw ba itong babae na ito? May sayad ata," wika ni Rafael sa kanyang sarili habang kunot ang noong na naglalakad.
May lumapit na lalaki sa kanila.
Kinausap naman ito agad ni Rafael.
"Sir, kayo po ba 'yong nagpa-reserve?" tanong ng nag-aassist sa kanila.
"Yes," sagot naman agad ni Rafael
"Dito na lang po kayo sa taas sir, para mas romantic at kita ang view." wika ng nag-aassist.
"Okay," wika ni Rafael.
"Wow, ang ganda," wika ni Angela na namamangha sa view.
"Mas maganda kapa d'yan," wika ni Rafael na may ngiti sa labi habang nakatingin sa mukha ni Angela.
Napatingin naman si Angela sa mukha ni Rafael.
"Gwapo ka sana 'eh, 'yon ngalang napaka bolero mo. Hindi pa ba tayo kakain? Nagugutom na ako," pag-iiba ni Angela ng usapan.
Mayamaya pa ay dumating na ang pagkain nila. Sabay silang kumain hanggang sa matapos silang kumain.
"Hay, grabi na busog ako. Ang sarap ng pagkain dito. Salamat nga pala," wika ni Angela kay Rafael.
"Wala 'yon," sagot naman ni Rafael at iniabot ang isang bungkos ng bulalak.
"Para sa 'yo, " wika ulit ni Rafael na may ngiti sa labi.
"Nag-abala kapa? Para saan naman ito?"
tanong ni Angela.
"Seryoso ako, gusto kitang ligawan," diretsahang tugon ni Rafael.
Napatingin ng si Angela ng kunot ang noo sa mukha ni Rafael.
"Paano pagsinabi kong, ayuko sayo?" tanong ni Angela.
"Liligawan pa rin kita kita," wika ni Rafael.
"Paano pag sinabi kong tigilan mo na ako? At ayukong makita pagmumukha mo?" tanong ulit ni Angela.
"Hindi ako susuko. Kahit ilang beses mo pa ako tanggihan, liligawan at liligawan pa rin kita. Haggang sa makuha ko ang matamis mong Oo," matapang na sagot ni Rafael.
"Gano'n ba? Sige, tignan natin kung sino ang unang susuko sa 'ting dalawa. Ihatid mo na ako at gusto ko ng magpahinga," wika ni Angela at nauna na itong naglakad.
Itutuloy____