My Love for you is Real
Written by: choi
Romance
CHAPTER THREE
Alas-sais na ng umaga nang kumatok si Rafael sa pinto ng boarding house ni Angela. Hindi man lang siya pinagbuksan ng pinto kung kaya’t dumiretso na lamang ito sa loob. Sa pag-aakalang naka-lock ang pinto ng kuwarto ay marahan niyang pinihit ang doorknob, laking gulat niya nang nabuksan ito kaagad.
Bumungad sa kaniya si Angela na mahimbing pa ang tulog, suot nito ay isang nighties dress. Sunod-sunod ang paglunok na ginawa niya at halos lumuwa ang kaniyang mata nang makita ang dibdib na halos lumuwa dahil sa sobrang nipis ng damit. Dumako ang tingin niya sa makinis nitong braso at sa mapuputing binti. Tumalikod si Rafael para sana umalis pero agad ring bumalik para kumutan ang babaeng mahimbing na natutulog.
Agad na kinuha ni Rafael ang cellphone nang makalabas. Tinawagan niya ang kakilala niya na alam niyang mapagkakatiwalaan niya sa pag-aayos ng pinto ng boarding house ni Angela. Binilin niya rin dito na huwag siyang papasok sa loob ng kuwarto. Ngunit nagbago ang kaniyang isip. Lalaki ang mag-aayos, nababahala siya na baka kapag nakita nito si Angela na gano’n ang itsura ay pagnasaan niya ito.
Imbis na uuwi na sana si Rafael ay sinabi na lang niya sa kausap na hihintayin na lamang niya ito sa ibinigay na address. Pagkatapos niyang kausapin ang lalaki ay pinutol na nito ang linya saka ibinalik ang cellphone sa bulsa ng pantalon. Muli siyang pumasok sa sa loob ng boarding house para magtimpla ng kape. Sinilip niyang muli si Angela, lihim siyang napangiti. Nang marinig ang tawag mula sa labas ay dahan-dahan niyang isinara ang pinto ng kuwarto ng dalaga.
"Hey, kumusta?" bungad na wika ni Alfred, ang kakilala ni Rafael.
"Mabuti naman. Ikaw ba, kumusta ka na? Ano ang balita sa ‘yo?" pangungumusta niya dito.
"Ito gano'n pa rin," sagot ni Alfred.
Natahimik sila nang napansin nila ang biglang paglabas ng babae sa pinto, sabay pa silang napalingon sa gawing iyon. Nagmadaling naglakad papasok sa loob si Rafael habang hila-hila ang kalalabas lang na si Angela, iginaya niya ito pabalik ng kuwarto saka ini-lock ang pinto.
"hoy! Kung makahila ka naman, parang sino ka, ah! Bitiwan mo ang kamay ko!" utos ni Angela habang nanlalaki ang mga mata.
"Ano ba ang problema mo?" tanong ulit ni Angela sa mataray na paraan.
"Tingnan mo nga iyang suot mo! Halos lumuwa na iyang dibdib mo tapos ang ikli-ikli pa ng suot mo! Sa tingin mo maganda iyang suot mo? Kahit sinong lalaki ang makakita sa ‘yo ay pag-iinteresan ka at higit sa lahat ay babastusin ka!”
"Eh, ano naman ngayon? Wala naman akong pakialam sa sasabihin nila at kahit ganito ako manamit , for your information, virgin pa ako!" galit na wika ni Angela.
"Kaya maraming nababastos na babae, eh! Dahil din sa inyo tapos magrereklamo kayo na binabastos kayo ng mga lalaki. Eh, kayo rin naman ang may kasalanan. Magsuot kasi kayo ng disente para magmukha kayong kagalang-galang, hindi ‘yong tinipid sa tela,” galit rin na panenermon ni Rafael.
"Wala kang pakialam." Pagsusungit ni Angela.
"Wala rin akong pakialam sa sasabihin mong babae ka. Basta magbihis ka muna bago ka lumubas. Dahil kapag lumabas ka na ganiyan ang itsura ay talagang makakatikim ka sa akin!" banta ni Rafael kay Angela.
Panandaliang kumunot ang noo ni Angela. "Makakatikim ng alin?" matapang nitong tanong sa harap mismo ng mukha ni Rafael.
"Makakatikim ka ng halik!" Pagbabanta ulit ni Rafael at lumabas na ito ng kuwarto ni Angela.
"Argh! Nakakainis siya!” Hindi mapigilang sigaw ni angela dahil sa sobrang inis na nararamdaman para sa binata.
Napangiti si Rafael nang marinig iyon. ‘Matuto kang sumunod sa akin dahil ayoko ng matigas na ulong girlfriend,’ usal nito sa kaniyang isipan.
"Pre, nag-away yata kayo ng girlfriend mo?"
“Hindi naman, gano'n lang talaga kaming maglambingan,” wika ni Rafael na may halong ngiti sa labi.
Maya-maya pa ay lumabas si Angela na nakasuot ng shorts na halos hanggang tuhod at t-shirt. Dumako agad ang tingin nito kay Rafael at Alfred.
"Good morning po,” nakangiting bati nito kay Alfred. Tila ba nawala saglit ang inis na nararamdaman kanina.
Kumunot tuloy ang noo ni Rafael, nilapitan nito si Alfred. “Malapit na bang matapos ‘yan, pre?”
"Oo, pre, ito na tapos na. Ayan nailagay ko na rin ‘yong turnilyo," sagot ni Alfred. Nang tuluyan nang matapos ay inayos na nito ang dalang gamit. “Sige, pre. Mauna na ako. Iyong bayad, alam na," nakakalokong sambit nito sabay tawa..
"Siya nga pala, pre, normal lang ‘yan na mag-away kayo ng girlfriend mo, ganyan din kami,” habol pa nito. Sumabat agad si Angela dahil sa sinabi ni Alfred.
"Hindi ko siya boyfriend, hindi ko nga kaano-ano yan, eh!” Pagtataray ni Angela.
"Naku, pre, mukhang hindi yata maganda ang gising ni girlfriend. Kulang yata ng yakapsul at kissperine. Paano ba ‘yan, mukha yatang kailangan mo nang diligan,” tukso nito. “Sige, mauna na ako. Salamat." Tumatawang paalam ni Alfred habang kumakaway.
Pagbalik ni Rafael sa boarding house ay sinalubong siya ng masasamang tingin ni Angela. Nakahalukipkip pa ito at tila ready nang makipag-away.
"Ano’ng pinagsasabi mo sa lalaki na iyon? ‘wag kang assuming dahil hindi kita papatulan at ayoko sa pulis,” bulalas nito. "Ano pa ang ginagawa mo rito? Umalis ka na at hindi mo ito bahay!” dagdag pa nito at tinaboy na nga paalis ang binata.
"Malamang kukunin ko ‘yong jacket ko sa loob," natatawang sagot ni Rafael. Nang makuha ay hinarap niya ang dalaga.
"Hindi ka man lang ba magpapasalamat sa akin? Buong gabi kaya kitang binantayan, pinaayos ko pa iyang pintuan mo." Pagmamalaki niya rito.
"Okay, thank you,” balewalang turan naman sa kaniya.
"Hindi ‘yan ang gusto kong bayad,” reklamo ni Rafael.
"Eh, ano?" naguguluhang tanong ni Angela, hindi maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng binata.
"I’ll pick you up tomorrow, seven pm. Sa labas na tayo mag-dinner.”
Napanganga si Angela, hindi makapaniwala sa sinabi niya. “What? Ano ‘yon, date?" pagrereklamo nito.
"Basta, ‘wag mo akong tatakasan dahil hindi mo magugustuhan kapag ako nagalit," pagbabanta ni Rafael.
Pinaandar na nito ang motor saka pinaharurot. Naiwan si Angela na hindi maipinta ang mukha. Hindi niya malaman kung magagalit ba siya o maiinis.