Title: My Love for you is Real Written by: Miss_choi Genre: Romance "Hi, huminahon po kayo, hindi ako manlalaban," pakiusap ni Vincent habang nakataas ang dalawang kamay sa kanyang uluhan, na tanda na wala siyang gagawing masama at sumusuko siya sa lalaki. "H'wag kang lalapit kung ayaw mong pasabugin ko bungo ng babae na 'to," banta ng holdaper na nakahawak kay Angela at tinutukan 'to ng baril sa ulo. "Kaya nga po ako nandito eh, baka pweding makiusap na ako nalang ang i-hostage mo at pakawalan mo na 'yang babae. Willing naman akong magpahostage," pakiusap ni Vincent. Tiningnan ni Angela si Vincent na may pagtataka at nakita nito ang pag-aalala ng binata sa kanya. "Lumabas na kayo! Para makaalis na tayo!" sigaw ng holdaper na nasa labas. 'Patay kapag lumabas ang mga kasama nito lal

