Title: My Love for you is Real Written by Miss_Choi Genre: Romance NANG nakapasok na si Angela sa loob ng bahay ay saka lamang pumasok sa loob ng sasakyan ang binata at pinaandar 'to papalayo ng may ngiti sa labi. "Grabi, friend ang haba ng buhok mo, 'kin na at ako na ang magbuhat. Baka kasi matapakan eh," saad ni Venice na may halong nakakalokong ngiti. "Hindi ko alam kung anong meron sa 'kin? At kung tatanungin mo ako friend. Wala akong nagugustuhan sa kanila at ayukong paasahin sila sa wala," saad ni Angela sa kaibigan. "Pero aminin mo, kahit paano nakakaramdam ka rin ng kilig at paghihinayang sa kanila. Mukhang ang babait at malinis ang intention nila sa 'yo. Matanong ko lang kung mas maaga mo kaya silang nakilala kaysa kay Rafael. Sinong pipiliin mo sa kanila?" tanong ni Veni

