Title: My Love for you is Real Witten by: Miss Choi Genre: Romance NAIS sanang sabihin ni Angela ang katutuhanan sa kanyang kasintahan pero natatakot siya na baka kapag nalaman nito ang katotohanan ay baka 'yon na rin ang huli nilang pagkikita. Kung kaya hindi na muna niya sinabi kay Rafael at sa susunod na lamang niya 'to sasabihin kapag dumating na ang tamang panahon at kapag handa na siyang tanggapin ng binata ang katotohanan. Pagkatapos ng madamdaming tagpo ng magkasintahan sa terrace ay nagpasya na silang umalis ng hotel at mamasyal sa night market. Pagkarating nila sa night market ay nabungaran nila ang ibat-ibang klase ng ilaw na napaka raming tao. Halo-halo rin ang mga paninda. Nakita rin nila ang mga ibat-ibang klase ng street foods, mga ukay-ukay na nagkalat sa paligid mg

