Chpater 17 Title: My love for you is Real Written by: Miss Choi Genre: Romance Hinalikan muli ni Angela ang isang pisngi ni Rafael at napansi nito ang binata na tumatawa ng palihim. Pinagpapalo niya 'to at sinabing, "Ikaw talaga, kahit kailan loko-loko ka," naiinis na saad ng dalaga at pinagpapalo ang binata sa braso. Niyakap na lamang ni Rafael ang dalaga. "I'm sorry kung pinag-alala kita, okay lang ako at kaya protektahan ang sarili ko. Alam ko na mahal na mahal mo ako at mahal na mahal na mahal rin kita," bulong ni Rafael sa tainga ng dalaga at hinaplos ang buhok nito. "Mabuti at alam mo, hindi ko lang alam kung anong gagawin ko kapag may nangyari na hindi maganda sa 'yo, paano kami na naghihintay sa pagbabalik mo?" tanong ni Angela na nakakaramdam ng kirot sa kalooban. "H'w

