Chapter 32 Naiinis na ako. Kahit saan yata ako pumunta nakasunod lang sa akin si Rai na para bang may gagawin akong kalokohan. May mga pagkakataon na nilalapitan siya ng mga kakilala niya kaya nakakalayo ako pero ramdam ko ang panininitig niya. Kahit saan yata ako pumuwesto, his hawk like eyes always manage locate me. Ramdam ko ang atensyon na ipinupukol sa amin ng ilan. Nagiisip siguro sila kung bakit panay ang lapit sa akin ng isang Rai Benjamin Sevilla. I know some of them are dying to know the answers to their curiosity. Isa pa hindi rin naman kami magkasama na dumating kaya they can only assume things. Paano kung nakita rin nila ang kumakalat na pictures? Huwag naman sana, I only wish that Rai did keep his promise... Maybe it was the dress or from the fact that no one knows my

