Chapter 31 “Totoo ba na kayo na raw ni Rai?” Pagkapasok ko pa lang ng classroom namin iyon kaagad ang bumingad sa akin. Hindi na naman ako nagulat, sa lantaran niyang pakikipaglandian bulag na lang yata ang hindi makakaalam. Sabi ko naman kasi sa kanya lowkey lang kami. Umoo naman pero hindi niya naman ginagawa! Ngumiti lang ako ng tipid. Gulat na gulat ang kaklase ko at parang hindi makapaniwala sa nalaman. Kahit sino siguro magugulat. Hindi ko alam kung gaano karami na ang naging girlfriend ni Rai. Kung hindi dahil sa insidente na iyon at sa pagtatrabaho ni Mama sa kanila, imposible na maging ka-close ko siya. Gusto kong matapos ang high school nang tahimik at kasali na doon ang paglayo sa mga kagaya ni Rai. Mas kakaunti ang atensyon na nakukuha ko mas maganda. Mas malayo ako sa ma

