Chapter 2

1385 Words
Chapter 2 Boyfriend? Kahit kailan hindi ako nagkainteres sa bagay na iyan. Bata pa lang ako namulat na ako sa katotohanan kung bakit si Mama na lang ang kasama ko. Hindi kailanman ipinagkait saakin ni Mama ang dahilan kung bakit hindi kumpleto ang pamilya namin at bakit iniwan kami ni Papa. Oo nung una aaminin ko na masakit saakin. Naiinggit ako sa mga bata na kumpleto ang pamilya. Pakiramdam ko noon nakapa-unfair ng buhay. Ang daming tanong na palaging gumugulo sa isip ko kagaya ng bakit niya kami iniwan? Ayaw niya ba sakin? Babalik pa ba siya? Mga tanong na kalaunan naintindihan kong hindi na masasagot pa. I learn to become contented kahit pa paminsan-minsan nararamdaman ko pa din ang kaunting kirot sa puso ko. Na para bang may kulang pa din. My Mama raised me alone. She has suitors and some are well off, kung tutuusin pupwede niyang kunin ang oportunidad na iyon para magkaroon ng kahati sa responsibilidad na mag-isa niyang inaako, pero hindi niya ginawa. Maybe the love she had with my father is something that can’t be easily abandoned, bagay na walang kahirap hirap na ginawa ni Papa saamin. Minsan naiisip ko kung paano nagawa ni Mama na mahalin ang isang taong umiwan sa kanya. How can she stay loyal to the man that hurt her? Ganun ba talaga kapag mahal mo ang isang tao? Kahit walang kasiguraduhan, susugal ka pa din? My mother proved that we don’t need a man in our life to survive. Kaming dalawa lang, sapat na. And that made me think the same way, hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko. Boys are only distractions. They are playboys that use girls as if they are disposable toys. Kaya lang simula ng makilala ko si Rai Benjamin Sevilla tila yata dinaanan ng bagyo ang buhay ko. I was so nervous the whole time lalo pa’t wala ng naglakas loob umimik saaming dalawa. Bagama’t nasasagot-sagot ko pa siya kanina, matinding effort iyon kaya parang nadrain na yata ang fighting spirit ko. Mabuti na lang wala rito si Lucy at napapayag ko siya na huwag na akong bantayan. Kahit kailan hindi sumagi sa isip ko na magtatagpo muli ang mga landas naming dalawa. Matapos ang nangyari sa pagitan namin ginawa ko ang lahat para magtago sa kanya at sa pamilya niya. I was so angry but what can a normal girl like me do? Sa mata ng pamilya niya, langgam lang kami na pwedeng apak-apakan. Hindi pa dumadating ang order namin pero malapit ko ng maubos ang laman ng baso ko dahil kanina ko pa iyon iniinom. Tama yan Zoila, ipahalata mo pa na ninenerbyos ka dahil sa presensya niya! “Are you ok now? Am I allowed to ask questions without you fuming mad?” nabigla ako sa tanong niya. Kung kanina nakikipag tagisan siya sa akin ngayon naman parang naging maamong tupa. He said it so calmly na kung hindi lang kami nagkasagutan kanina ay baka pa maniwala akong mabait at gentleman nga siya. Nagtama ang mga mata namin at kaagad akong nag-iwas ng tingin. Pakiramdam ko mahuhuli niya ako oras na makipag titigan ako sa kanya. That all of this facade is just a lie. Umayos ka Zoila! Ikaw ang magpapahamak sa sarili mo, saway ko sa sarili ko. Tumikhim ako at tinunga ang natitirang tubig sa baso ko at umaasang makakahanap ako ng lakas ng loob na gampanan ang role na ibinigay saakin ni Lucy. Sophisticated, rich girl na playgirl madaling isipin pero ang hirap gawin! He looked, amusement dancing on his eyes, tila ba may ginawa akong kabigla-bigla sa kanya. Tumikhim naman ako at umayos ng upo, as if my backless short dress do not bothers me. “P-pwede ka na magtanong at h-hindi ako galit,” I tried to sound casual and hopefully he did not notice the nervousness and uneasiness I feel. Nakawhite dress shirt na pala si Rai at ngayon ko lang iyon napansin. He looks so fine, I admit. Magpapaka ipokrita pa ba ako? Alam ko rin naman kung papaano mag-appreciate ng mga bagay sa paligid ko. It’s been years since the last time we saw each other and he changes a lot. He probably has some fair share of girlfriends throughout those years, mabuti na lang hindi niya mabibiktima ang kaibigan ko. Biglang tumayo si Rai. Nalilito ko siyang pinagmasdan, aalis ba kami? Iyong pagkain namin hindi pa dumadating. Bukod doon hindi ako pwedeng umalis ng wala akong nagagawa! Muntik ko ng matabig ang clutch bag na nakapatong sa lamesa, I was about to stand up para sana sundan siya pero natigilan ako. I was taken aback by his gesture that it had me speechless. The coat he no longer wears is now resting on my shoulders. He did that in a swift motion that even before I can complain, he’s already retreating to back his seat. Tila patay malisya ito at bahagyang niluwagan ang necktie. “Can we start again?” tanong nito habang titig na titig saakin. Tinaasan ko siya ng kilay, anong kabaliwan naman kaya ang iniisip niya? So totoo nga, na playboy nga ang g*go. But then, why not get the opportunity? I’m just doing my job at kapag naman natapos na ito ay imposible na na magtagpo pa ulit ang mga landas namin. Not that I will have it happen again. “Alam mo ba na ako ang makakadate mo?” he asked, binalewala lang ang reaksyon ko sa sinabi sa kanya. Ok, I play along mabuti nga at mapapadali ang trabaho ko. If only I’m with a different person. “Honestly, I don’t. Kung alam ko lang hindi sana ako ang kaharap mo dito,” play to hard ang peg? He nodded with satisfaction. Patay ako nito kay Lucy, imbis na akitin mas gusto kong sakalin na lang lalaking ito. “It's been 7 years, I’m glad you’re doing great especially now that you’ve finally achieved your dreams.” Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Did he know? Pinaimbestigahan niya ba ako? But the way he say it, parang wala siyang alam sa nangyari. His presence makes me uneasy pero nagawa ko pa ring obserbahan siya habang nagsasalita. And I don’t see any hints that he’s mocking me or he’s hinting about something. I forced a smile, kung alam niya lang… “Yes, I’m doing great,” iyon lang ang sinabi ko, hinting that I don’t want to talk about it further. Laking pasasalamat ko na dumating na ang order namin. Ito ang unang beses kong kumain sa ganitong mamahaling restaurant kaya hindi ako masyadong pamilyar sa mga nakahain. All I know is that a certain bitterness is trying to infiltrate me. The food looks appetizing, however I’ve already lost my appetite. Siguro dahil sa katotohanan na ang imahinasyon niya na buhay ko ay hindi naman talaga totoo. It hurts to think that it should’ve been my life, with my mother. “You know what, let’s call it a day. I’m not feeling well,” I said at dali-daling tumayo ngunit aksidente kong natabig ang baso na may lamang wine. Napamura ako dahil mamahalin ang damit laking pasasalamat ko na lang talaga at itim ang kulay niyon. Hindi ko ako sigurado kung tama nga ba na parang nagpanik si Rai dahil sa sinabi ko. Ramdam ko ang pagmamadali ni Rai na daluhan ako. “Here, I have a handkerchief,” inabot niya sakin ang panyo bago tinawag ang waiter. Tinanggap ko iyon dahil wala naman akong choice. Marami ang laman ng baso kaya basang-basa ang damit ko. Matapos kong subukan na tuyuin ang parte ng damit na nabasa kahit hindi naman iyon mangyayari I fix my things and readied myself from going home. Ipapaliwanag ko na lang kay Lucy na may nangyari kaya umuwi ako kaagad. Alam ko naman na maiintindihan niya ako. I just can’t act like everything is ok. However, a large calloused hand grip my arm putting me into place. I gasped because I did not expect it. Sinamaan ko ng tingin si Rai dahil sa ginawa niya but his dark brown eyes fixed on me, pleading. Tila para akong nanghina dahil doon, hindi ko maintindihan bakit? “Let me take you home, please,” he said with a rasping voice as his grip tightened.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD