Chapter 3

1343 Words
Chapter 3 At some point in my life, naisip ko na kalimutan na lang ang lahat. Talikuran ang paghihiganti at mamuhay ng tahimik. Para saan pa na hayaan kong lamunin ako ng galit at pighati sa nangyari saamin ni Mama. Kahit pa makaganti ako sa kanila hindi na noon maibabalik pa ang buhay na nawala at mga oportunidad na naglahong parang bula. My mother would also be upset if she’s still alive, but can they blame me? I’ve been fighting all my life just to survive while people like Rai did not even need to lift their fingers. Lahat ng bagay pabor sa kanila dahil sa pera. I was already out of spirit, iniisip kong huwag na lang ituloy dahil alam kong mapupunta ako sa alanganing sitwasyon pero napagtanto ko na hindi ito ang oras para isipin ang sarili ko. I have more concerns in life and besides I’m only doing this for money. Why would I feel guilty? Sa lahat ng naranasan ko kulang pa itong igaganti ko bilang kabayaran. Hinawakan ko ang kamay ni Rai at tinanggal iyon sa pagkakahawak saakin. There’s an ache in my heart but I tried to brush it away. I did not even dare to name that emotion dahil impossible. Kung may nararamdaman man ako sa kanya, iyon ay galit at kagustuhang makaganti. Para akong nahihirapang huminga sa kakarampot na distansyang naghihiwalay saaming dalawa. Tila ba siya ang may hawak ng hangin na nilalanghap ko. May bakas ng lungkot akong nakita sa mga mata niya ngunit kaagad din iyong nawala. Bigla naging blanko na lang iyon at nagmistulang nakatingin ako sa kawalan. It sends shivers through my spine. Alam ko ang tingin na iyon at nasisiguro kong hindi maganda ang dahilan noon. Ako ang unang pumutol ng katahimikan. Natatakot ako na baka kapag tumagal pa na magkalapit kami sa isa’t-isa ay may magawa akong pagsisisihan ko sa huli. “Hindi na, magkita na lang ulit tayo sa susunod. You can set the date and choose a place kahit saan ikaw ang bahala, gusto ko na lang umuwi ng mag-isa sana maintindihan mo,” I know I sounded desperate pero wala na akong pakialam. He can misunderstand me for all I care. Normally, I would have yelled at him. Baka nga inaway ko pa siya but I have to remind myself that this is just for money. Ayokong bigyan ng dahilan si Lucy para pagdudahan ako at isa pa pwede naman akong bumawi sa sunod na date. This night is just too much to handle. Nagulat ako na hindi niya ako pinigilan, bagkos ay inayos niya lang ang coat niya na nakapatong saaking mga balikat. Tinangka kong umimik pero pati iyon parang nakalimutan ko na dahil abala ako sa pagtitig sa kanyang mukha. Ngayon ko lang napansin ang malaking eyebags, there are also stubbles of beard forming on his face. Pati ang buhok niya na palaging clean cut noon ay mahaba na at halos umaabot na sa mga mata niya. He always has this habit of creasing his forehead as if he’s thinking a lot of things. “I’ll call you then,” mahina niyang pahayag. Tumikhim ako at bahagyang lumayo kung hindi ko iyon ginawa ay baka tuluyan ng nanlambot ang mga tuhod ko. Kinuha ko ang clutch bag at nagmadaling lumabas ng restaurant while still wearing his coat. Napagusapan namin ni Lucy na aabangan niya ako sa may parking lot. Bago ako nagtungo sa kotse niya ay siniguro ko muna na walang tao sa paligid. Pakiramdam ko tuloy may ginagawa akong mali at kailangan kong magtago. After few attempts, natatanaw ko na ang puti na sasakyan ni Lucy. She’s waiting for me patiently habang nakapameywang at nakatingin sa phone. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago lumapit. Ng matanaw ako ay tila nagliwanag ang mukha niya. Base sa itsura niya parang hindi siya makapali kanina pa. “Oh my god! Are you wearing his coat? Grabe, iba ka talaga Zee bilib na talaga ako sa sayo,” puri niya saakin. She looks so happy habang ako naman ay napangiwi na lang. Ngunit hindi nakalagpas saakin ang saglit na pagsimangot niya. Kung alam niya lang ang nangyari baka hindi na siya makangiti ng ganitio. Iniisip ko pa lang na makikipagkita ulit ako sa pangalawang pagkakataon ay nanghihina na ako. “Pumasok muna tayo sa kotse mo, ang sakit na ng paa ko dahil sa taas ng heels mo atsaka nilalamig na rin ako,” reklamo ko, baka kasi bigla ring sumulpot si Rai mahirap na. Ikinuwento ko ang mga nangyari maliban sa parte na magkakilala kami. Base sa reaksyon ni Lucy mukha namang kontento siya sa ginawa ko. “It's ok Zee, I know that you’re not used to this kind of thing. I just can’t believe that you tamed that brute? Grabe, I was worried sick for nothing. Di ko na sana pinagdudahan ang kakayahan mo!” tuwang-tuwa niyang pahayag. Nanatili akong tahimik. Inabala ko ang sarili sa pagtingin sa kalsada sa harap na para bang nakuha noon ang buo kong atensyon. Did I really tame him? I don’t think so. Imposibleng ganoon nga ang nangyari. I know Rai, he’s the type of person that holds grudges. Ramdam ko iyon kanina habang nakatingin ako sa mga mata niyang blankong nakatingin saakin. Habang inaalala ko iyon para nagsisink saakin kung ano ba itong pinasok ko. Para akong pumasok sa patibong na siya mismo ang gumawa. Hinayaan niya na maramdaman kong ako ang nanalo kahit ang totoo ay nasa kanya ang huling baraha. “Earth to Zee? Andyan ka pa ba?” “Ah, ano nga pala ulit ang sinasabi mo?” Did I just spaced out? Huminga ng malalim si Lucy. Mukhang nahalata niya na hindi naman talaga ako nakikinig sa mga kinukwento niya. “Sige na nga hindi na muna kita tatanungin. Alam kong nastress ka kaya hahayaan na muna kita. I’ll just send you home na lang at baka kanina ka pa hinihintay ni Riley.” Kumalabog ang puso ko ng mabanggit niya si Riley. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Bakit hindi ko naisip ang bagay na iyon bago ako pumayag? Look at me making decisions carelessly. “Zee ok ka lang ba? Nakakatakot na ha, umimik ka naman,” bakas ang pag-aalala sa boses ni Lucy. Naalarma ako dahil nagdadrive siya baka pa mapaano kami dahil saakin. “W-wala ito naalala ko lang iyong nangyari kanina. Sinabi ko na siya ang bahala kung saan ang sunod na date. Siya na na rin ang hinayaan kong magdesisyon kung saan ang lugar. Nag-aalala lang ako sa mga susunod na mangyayari.” Totoo naman na nag-aalala talaga ako sa sunod naming pagkikita. Mabuti na lang at mukhang kumbinsido naman siya sa idinahilan ko. Ito ang unang beses na pumayag ako sa pabor na hinihingi niya kaya naiintindihan ko ang pag-aalala niya. Oo, totoo na pera talaga ang unang dahilan pero isa pa sa mga bagay na nagpapayag saakin ay ang kagustuhan na makabawi sa kanya. Si Lucy lang ang nag-iisa kong kaibigan. Handa akong gawin ang lahat ng makakaya ko para ibalik ang mga tulong niya saakin. “Don’t worry Zee I got your back. Iganti mo lang ako sa kanya your job is done.” “Ano na mangyayari pagkatapos? Sabihin na nating natupad ko nga ang napagkasunduan natin, anong mangyayari k-kay Rai?” Kanina ko pa gustong itanong iyon. Kilala ko si Lucy, she’s not the type to act carelessly. Hindi rin naman siya iyong tipo na maghahabol sa wala. I know she had a serious relationship before. Natapos iyon pero wala naman gantihan na naganap. She just goes back to her normal life, dating and meeting new men. Kinakain ako ng kuryosidad, anong nagbago? “I’ll deal with him. Ipapakita ko sa kanya na nagkamali siya ng kinalaban. I will make him regret not wanting me.” “M-may gusto ka sa kanya?” gulantang kong pahayag matapos iproseso ang sinabi niya. Isa lang naman ang naiisip kong ibig niyang ipakahulugan. I saw her smirk, “We’re here.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD