Chapter 4
Malakas na hangin ang sumalubong saakin pagkababa ko ng sasakyan. Dahil sa coat na pinahiram saakin ni Rai, hindi ko masyadong inalintana ang lamig na dulot noon. Ang alam ko lang binabagabag ako sa natuklasan.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang may mabigat na nakadagan sa dibdib ko dahilan ng mabigat na pakiramdam.
Para akong nareject matapos magtapat ng nararamdaman sa taong gusto niya.
Ibinababa ni Lucy ang bintana ng kotse. Gumilid ako at niyakap ang sarili. Dahil sa ginawa ko ay bigla kong naalala na natapunan nga pala ako kanina ng wine. Ang lagkit tuloy sa pakiramdam.
Umihip na naman ang malakas na hangin dahilan para magulo ang maikli pero kulot at itim na itim na buhok ni Lucy. Ni wala man lang nangyari sa itsura niya, ganoon pa din, maganda pa din.
She smiled widely, reaching her eyes making its corners wrinkle.
“Thank you for tonight, let’s just talk about what happened tomorrow. For now, magpahinga ka muna at alam kong na-stress ka sa nangyari,” pang-aasar niya pa.
Umirap ako ng pabiro, akalain mo nga naman na nairaos ko iyong kanina. Ayoko munang isipin ang mga katangahan na nagawa ko dahil pakiramdam ko hindi ko na kayang humarap sa salamin. May gusto pa sana akong sabihin pero ayoko nang patagalin si Lucy dahil dis oras na ng gabi. Tiyak na nag-aalala na sa kanya ang kapatid niya.
“Mag-ingat ka sa daan, dumeretso ka na sa inyo,” paalala ko
“Yes Ma’am, you really sounded like Mom,” pabulong niyang reklamo pero narinig ko rin naman.
She drove off after that. Nakahinga ako ng maluwag una dahil hindi ko na kailangan ipaliwanag ang mga nangyari kanina. Masyado pa akong tensyonado kahit pa kanina pa iyon nangyari. Parang panaginip lang bangungot pala.
Pumasok na ako sa gate ng apartment. Alas-dyes na ng gabi kaya halos patay na ang ilaw ng mga kapitbahay namin maliban sa may-ari ng apartment na mahilig manood ng drama sa gabi.
Wala pa man ako sa second floor ay naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko. Buong akala ko ay si Lucy na iyon dahil hindi naman kalayuan ang subdivision nila sa apartment namin. Mga ilang minutong drive lang ang kailangan kaya madalas sinasabay nila akong pauwi.
I was relieved for a moment knowing that she’s already at home but I was taken aback by the message I saw. Hindi pala si Lucy ang nagtext kundi galing sa isang unknown number.
Wala sa sarili ko iyong binuksan habang niluluwagan ang strap ng heels na kanina ko isinusumpa. Ilang araw ko pa kailangan isuot ang bagay na ito?
Nanginig ang kamay ko ng makita ang mensahe na nakapaloob doon.
From: +639**********
Text me when you’re home.
Umawang ang labi ko. Naguguluhan ako. Wala akong natatandaan na ibinigay ko sa kanya ang numero ko. And then it hit me, bumalik bigla saakin ang nangyaring usapan sa pagitan namin kanina sa restaurant.
Binigyan ko nga pala siya permiso na magdesisyon para sa susunod naming pagkikita. Bukod doon hinayaan ko din na siya ang pumili ng sunod na lugar na pupuntahan namin para sa sunod na date.
Basically, I let him take the lead for the next date! And this only means that he has the power over me since most decisions will be his. Nagparaya ako para isalba ang sarili! Pero heto at ako ngayon ang namomroblema. Syempre dahil siya ang hinayaan ko sa bagay na iyon, maaari na isagawa niya ang plano niya kung meron man.
Alam kong galit siya sa nangyari noon at hindi ako naniniwala na palalagpasin niya ang pagtataon para malaman ang rason. Huli na para makaramdam ako ng pagsisisi. Masyado akong nagpadalos-dalos sa mga desisyon ko. Mukhang kailangan kong ihanda ang sarili ko… pati na rin ang puso ko.
Maaga akong pumasok sa restaurant. Natanaw ko si Tanya, isa sa mga kasamahan ko at ang nag-iisang hindi ako iniirapan kapag hindi ko na kaharap. Malaki ang ngiti nito ng magtagpo ang mga tingin namin na siya ko rin sinuklian.
Hindi ako masyadong nakikipagkaibigan dahil hindi rin naman kami nagtatagal sa isang lugar. Sayang lang kung makikipagkilala ako pero sa huli ay aalis din naman. Bukod doon mas mabuti na konti lang ang nakakakilala saakin.
Dumeretso ako sa locker at mabilis na nag-ayos ng sarili. Ipinuyod ko ang mahabang buhok para iwas sagabal sa trabaho. Isa sa mga gusto ko rito sa trabaho na ito ay iyong uniform. Slacks na itim, simpleng polo shirt at flat shoes ang uniform.
Mag-aalas otso na ng umaga at nag-uumpisa na magsipasukan ang mga customer. Kilala ang restaurant ni Brandon at talagang dinadayo. Bukod kasi sa magandang ambiance ng lugar abot-kaya rin ang presyo ng mga pagkain.
Abala ako sa pag-aayos ng mga table ng tawagin ako ni Tanya.
“Zoila, pwedeng ikaw muna ang kumuha ng order? May iniutos lang kasi sakin si sir Brandon,”
“Ah sige, ayos lang naman,” sabi ko at dali-daling kinuha ang maliit na notebook na sulatan ng order pati ang ballpen.
May isang customer sa table 1 at nakatalikod iyon saakin. Lumapit ako doon para kuhanin ang order. Nabitin ang sana’y pagbati ko ng magtagpo ang mga mata naming dalawa. Naestatwa ako sa kinatatayuan dahil kaharap ko mismo ang lalaking kahapon ko pa sinasakal sa utak ko, si Rai.
Anong ginagawa niya dito?!
“Can I have one black coffee, please”
Hindi ko mabasa ang tumatakbo sa utak niya pero natitiyak ko na may napagtanto siya. Iyon ay ang katotohanan na nagsinungaling lang ako sa kanya!
Na hindi na totoo na sa isang hotel ako nagtatrabaho, living the life I’ve always dreamed off.
Pakiramdam ko may nakabara sa lalamunan ko. Halo-halo ang mga emosyon na nararamdaman ko, hiya, lungkot na may kasamang awa sa sarili.
Yumuko ako para iwasan ang mga titig niya parang nanghihipnotismo. I acted like everything was normal but the way I take note of his order and the slight tremble of my hands says the opposite.
“I-is that all sir?”
“Yes. Thank you,” he politely said.
Hindi na ako umimik pa at tahimik na lumayo sa table niya para iabot ang order. Ano bang nangyayari? Wala pa akong nagagawa pero heto ako at bisto na kaagad! Ang masaklap pa alam niya na kung saan ako nagtatrabaho.
“Zoila! Ang lalim yata ng iniisip mo. Kanina pa ako nagsasalita, ito iyong order”
“Naku pasensya na, salamat!”
Pati trabaho ko naaapektuhan na! Get a grip, Zoila! Isa lang siyang customer at kung ano man ang nangyari sainyo ay labas na iyon sa trabaho.
“Sir ito na po iyong order niyo. Tawag na lang po kayo kung meron pa kayong gusto,” mahinahon kong sabi pero sa pagkakataong ito imbis na sa kanya ako tumingin ay ipinocus ko na lang ang atensyon sa likod ng laptop niya.
Aalis na sana ako pero natigilan ako sa sinabi niya.
“Can I have some of your time then? I believe we still have unfinished business to discussed,”
His baritone voice sent shivers down my spine. Dahil sa sinabi niya kaya hindi ko na napigilan na makipagtitigan. Nablanko ang utak ko at wala akong mahagilap na sagot. Ang alam ko lang isa ito sa mga bagay na hindi ko naisip. I was expecting insults and accusations but to my dismay it did not happen.