Chapter 5

1116 Words
Chapter 5 Naalala ko iyong unang beses na nagkrus ang mga landas namin. Tiringka ang arawnoon at asul na asul ang mga ulap. Napalilibutan ako ng mga nagtatayugang punong-kahoy na sumasayaw sa simoy ng hangin. Isa sa mga paborito ko ang maglakad papasok sa eskwela. Kahit na sinasaway ako ni Mama na gamitin ang pamasahe na ibinigay niya saakin pinipilit ko siya na mapapayag sa tanging libangan na mayroon ako. Naiintindihan ko ang kagustuhan ni Mama na maiparanas saakin kahit na papaano ang maalwan na buhay. Kaya nga kahit halos magkandakuba at magkasakit ay patuloy pa rin siya sa pagtatrabaho. Pero hindi ako sang-ayon sa gusto niya na mamuhay ako na parang bulag sa mga paghihirap niya para kumita ng pera. Alam ko kung bakit niya ginagawa iyon. Gusto niyang patunayan saakin na kahit siya lang mag-isa kaya niyang ibigay ang lahat ng pangangailangan ko. Iyon ang unang araw ni Mama sa trabaho niya bilang kasambahay. Pinayagan niya akong bumisita sa kanya kaya iyon ang gagawin ko pagkatapos ng eskwela. Gusto ko rin sana na mamasukan para kahit papaano ay may pandagdag ako sa ipon ko. Mayroon naman akong part-time na trabaho, tutor pero mas maganda pa rin na may ibang trabaho kahit tuwing sabado at linggo. Looking at the sky always keeps me calm. Pakiramdam ko kapag tumitingin ako roon nawawala pansamantala ang mga bagay na bumabagabag saakin. It gives me the solace that keeps me going. It also reminds me that there might be different status in a society, we have a common denominator. We are breathing the same air and walking under the same blue skies. “Hoy, Miss tabi!” Bigla na lang may sumigaw di kalayuan saakin dahilan para magitla ako at maitapon ang mga hawak na libro sa daan. Daig ko pa ang hinabol ng aso sa lakas ng kabog ng puso ko. Isa lang ang naiisip ko nung araw na iyon, galit ako. Masama ang mga tingin na ipinukol ko sa taong bigla na lang sumigaw sa likod ko. Tatlong matatangkad na lalaki ang kasalukuyang nakatingin saakin na para bang wala silang ginawa. Mas lalo lang tuloy akong nairita. “Sorry Miss kung nagulat ka, nakaharang ka kasi! At ang bagal mo pang lumakad,” sabi ng isang lalaki na nakasuot ng cap. Base sa suot nilang uniform, mukhang hindi sila mga highschool student kundi mga college. Gayunpaman taas noo akong humarap sa kanila. Bukas ang polo shirt ng dalawa at kita ang white t-shirt na panloob samantalang ang isa naman ay kabaliktaran ng mga kasama. Napakaantipatiko! Akala ba nila kanila itong lupa na nilalakaran ko? May iilang mga estudyanteng dumadaan na tumitingin saamin. Ramdam ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko hindi sa kilig kundi dahil sa pagkairita sa nangyari. Iyan tuloy pinatitinginan kami. Isa pa naman sa ayoko ay iyong nagiging sentro ng atensyon ng mga tao. Ayoko nang dagdagan pa ang komosyon kaya pilit kong pinakalma ang sarili ay dahan dahang sinabi ang saloobin ko sa nangyari. The least that they can do is to say sorry. Kahit pa nakaharang ako, anlaki ng daanan! “Hindi naman ako nakaharang, at kung mabagal man akong maglakad ano namang masama doon? Napakalawak ng daan,” mahinahon kong sabi kahit nanginginig ang boses ko. Napakamot sa ulo ang isa na parang napahiya sa sinabi ko. Iyong isa naman na sumigaw ay sumipol lang. Mga gwapo ang mga lalaki at parang hindi basta basta. Inaasahan ko na bubullyhin nila ako gaya ng mga naiimagine ko. Isa pa maraming mayayaman sa eskwelahan namin kaya hindi na bago na maraming nabubully dahil sa estado ng pamilya. “Pagpasensyahan mo na itong isa naming kaibigan, masyadong hambog. Sorry miss,” Mukha naman sinsero ang isa sa paghingi ng paumahin pero hindi pa rin niyon nabawasan ang inis na nararamdaman ko sa ginawa nila. Inis akong tumalikod sa tatlo para pulutin sana ang mga nagkalat kong libro sa daan nang makita ko ang isa sa kanila na pinupulot na ang mga iyon. Una ko kaagad napansin na dahan dahan niyang isinalansan ang mga libro at pinagpagan pagkatapos. I was speechless hindi ko akalain na makakakita ako ng ganitong klaseng tao at dito pa talaga sa eskwelahan namin. Halata naman sa mga pananamit nila na mga galing sila mayamang pamilya pero taliwas sa naiisip ko ang mga ipinakikita nila. Alam kong wala ako sa lugar para humusga lalo’t higit na hindi ko sila kilala pero sapat na ang ilang karanasan ko bilang basehan sa aking opinyon. “May mga nayuping pahina, pwede mong patungan ng mabigat na bagay para matuwid ulit,” he said. Ako naman ay namamangha lang hindi pa rin makapaniwala. Matapos niyang ibigay saakin ang mga libro muling humingi ng pasensya ang isa sa kanila. “Sorry Miss,” sabi pa ulit nito. Wala akong sinabi, imbis ay sa mga libro ko na lang itinuon ang atensyon. “Mama, tapos na kayo?” paunang bati ko kay Mama nang matanaw ito sa hindi kalayuan. May kausap kasi siyang isang kasambahay. Mukhang nagpapahinga sila kaya ko nasabi iyon. Dapat ay stay-in si Mama sa bahay ng mga Sevilla pero dahil malapit lang ay pinayagan na na maguwian. Wala akong alam tungkol sa pamilya nila pwera na lang sa impormasyon na mayaman daw sila. “Anak niyo Manang? Aba’y kagandang bata,” natutuwang sabi ng isang kasambahay. Pilit akong ngumiti. Halos umabot sa mga mata ni Mama ang tawa sa sinabi ng kasambahay. Gustong-gusto niya talaga kapag pinupuri ako ng mga tao. “Syempre, kanino pa ba magmamana?” “Sainyo sigurado pero baka gwapo rin ang tatay?” Kaagad napawi ang ngiti niya sa sinabi ng kasambahay. She felt uneasy kapag nababanggit ang tungkol kay Papa. Hangga’t maaari ay ayaw niya na itong pag-usapan. Pero hindi naman namin kayang pigilan ang kuryosidad ng mga tao. They like to ask questions. I do the thing I always do and that is to interrupt the conversation before it gets serious. “Nga pala manang matagal na po kayo rito?” pagiiba ko ng usapan. Magaling makipagkwentuhan si Manang Rosa, sa ilang minutong kwnetuhan ang dami na naming nalaman tungkol sa buhay niya. Kahit papaano gumaan ang loob ko dahil alam kong nasa mabuting kamay ang Mama ko. “Sir! Magandang Hapon.” Natigil ang kwentuhan nang bumati si Manang Rosa sa dumating. Babati na rin sana ako pero hindi ko inasahan na sa dami ng pwedeng maging amo ni Mama ay ito pa talaga. Iyong lalaki pa talaga kanina na siyang tumulong saakin sa pagpulot ng mga libro kong nalaglag. Noong araw ding iyon nalaman ko na iyong lalaking pumulot sa mga libro ko ay anak pala ng amo ni Mama, si Rai Benjamin Sevilla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD