Chapter 6
Halos kumawala sa dibdib ko ang naghuhuramentado kong puso. Para akong nahuli sa akto na may ginagawang anomalya at wala akong makuhang dahilan para ipagtanggol ang sarili ko. Ang alam ko lang malaki ang posibilidad na komprontahin niya ako.
Mahigpit ang hawak ko sa tray matapos kong maibaba ang kape. Mabuti na lang at maingat ko iyong naibaba at walang natapon sa lamesa. Nandoon pa naman ang laptop niya at iilang papeles.
Titig na titig saakin si Rai, hinihintay ang sagot ko sa tanong niya. Gaano ko man kagusto na sumagot hindi ko magawang mag-isip dahil sa tindi ng titig niya. Kung sana ay ipinasa ko na lang sa iba ang trabaho hindi sana ako mapupunta sa sitwasyon na ito.
“Pasensya na S-sir pero may kailangan pa akong gawin,” sabi ko.
Buong akala ko ay kahit na papaano makikita niya na wala akong balak sundin ang hinihingi niya. Kung nasa tamang katinuan pa siya hindi niya gagawin ang sinasabi niya. He is a well-known person, why will he let people start rumors that can tarnish his
image?
“You lied,” he stated as a matter of fact.
May panghahamon ang mga titig na ipinupukol niya saakin. Tila ba gusto niyang makita ang reaksyon ko o di kaya naman ay magbigay ako ng reaksyon sa sinabi niya. He wants to bait me knowing that I was already caught red handed. Napalunok ako, isa lang ang naiisip kong solusyon sa napasukan kong gulo at iyon ay ang sumabay sa daloy.
“Hindi ako nagsinungaling at mas lalong hindi ko kasalanan kung saan saan dumako ang imahinasyon mo,”
Tumango ito ng ilang beses na parang may napagtanto sa sinabi ko. I look at him puzzled, hindi ko masundan kung saan patungo ito.
Anong gusto niyang mangyari? Eh ano naman kung nagsinungaling ako? Kahit malaman niya iyon sisiguraduhin kong hindi niya malalaman ang dahilan.
“I don’t mind you lying, gusto ko lang malaman. Nakakagulat kasi na bigla ka na lang sumusulpot kung nasaan ako. Of course I will think of it as a coincidence. Thanks for the coffee,”
Kaswal ang pagkakasabi niya niyon pero bakit parang may iba siyang gustong ipakahulugan?
Ayos lang naman siguro kung hahayaan ko siya. Mas mabuti na rin na alam niya kaysa magsinungaling ako.
“Sige po sir.”
Umalis ako sa table niya at inumpisahang daluhan ang ibang mga nagdadatingan na customer. Marami na akong naiserve na order pero nakakapagtaka na parang may isang customer na hindi umaalis. Sa pagkakaalam ko isang tasa lang ng kape ang order niya at hindi isang galon?
Nakailang daan na ako sa table ni Rai pero tila hangin ako. Patuloy lang siya sa pagtitipa ng kung anuman sa laptop niya. Pasimple kong sinisilip kung naubos niya na ba ang kape. Isang beses nahuli niya ako at tinaasan ng kilay kaya hindi na ako lumingon sa direksyon niya dahil sa pagkapahiya.
Ang hindi ko maintindihan ay bakit nandito siya? Mukha naman na ngayon niya lang nalaman na nagtatrabaho ako dito base sa tingin siya saakin. Coincidence? Sabagay bakit ko ba iniisip na sinusundan niya ako.
Abala ako sa paglilinis ng mga table na tapos nang gamitin. Malapit ng magtanghalian pero nandito pa rin si Rai. Wala namang kaso kung may mga customer na nagtatagal syempre maliban sa kanya. Dahil sa katitingin ko sa kanya ilang beses na akong kamuntik na kung hindi matakid ay makasagi.
“Zoila ikaw na muna ang kumain,” si Tanya na kasama ko sa pagseserve. Lima kaming server at halinhinan kami sa paglulunch break. Tinignan ko muna kung marami pa ang dumadating at ng masiguro na kaunti ang customer ay sumang-ayon ako.
Ginutom ako kaiisip!
“Sige, ikaw na ang bahala bibilisan ko para makapagtanghalian ka rin,” sabi ko.
Fifteen minutes ang break time pero syempre hindi naman kami pwedeng umalis lahat kaya naghahalinhinan na lang kami. Nakikiramdam din ako kung maraming customer.
Hinubad ko ang apron at maayos iyong isinabit sa locker pagkatapos ay kinuha ko ang wallet. Bumibili lang ako ng pagkain sa tingi at doon na rin kumakain. Syempre kailangan kong magtipid kaya doon ako sa abot-kaya.
Balak ko na sanang lumabas pero natigilan ako, nakita kong pumasok si Lucy. Akmang lalapitan ko sana siya para batiin pero laking gulat ko na umupo siya sa kung nasaan nakaupo si Rai. Naguguluhan ako sa nakikita, ibig bang sabihin siya ang hinihintay ni Rai?
Tumigil sa pagtitipa si Rai at nakatuon na ang atensyon kay Lucy. Pakiramdam ko saglit na dumaan saakin ang tingin niya o baka naman guni-guni ko lang. Napansin ko ang suot ni Lucy. Tila formal iyon, malayo sa mga hilig niyang suotin kapag nagagawi rito.
She looks different.
Bigla na lang akong nakaramdam ng kakaibang kirot sa puso ko habang pinagmamasdan ang dalawa na nag-uusap. Ano na naman ba ito? Bakit parang napapadalas yata ang pagkirot ng puso ko?
“Zoila akala ko kakain ka na?” nagulat ako dahil sa pagsulpot ni Tanya. Tumingin ako sa relo ko at napansin na limang minuto na ang lumipas pero hindi pa ako nakakalabas ng restaurant. Nakonsensya tuloy ako.
“Ah, sorry lalabas na ako”
Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Tanya at dere-deretso na ako sa pinto. Pinigilan ko ang sarili na tumingin sa direksyon ng dalawa dahil parang may nakadagan sa dibdib ko.
Ang daming tanong ang nag uumpisang mabuo sa utak ko. Kagaya na lang na bakit sila magkikita? Bakit hindi man lang ako sinabihan ni Lucy? Anong pinaplano niya?
Malaki ang tiwala ko kay Lucy. Kung ano man ang balak niya nasisiguro ko na sasabihin niya rin iyon kapag nagkita kami.
Natapos ang pang-umaga kong shift at naghahanda na akong umuwi. Wala raw si Brandon dahil may mahalagang inaasikaso. Balak ko pa naman sana na magsabi sa kanya na mawawala ulit ako. Nakakahiya na pangalawang beses na akong magpapaalam sa kanya.
Kinukulang kami sa tao pero heto ako’t at dumadagdag pa. Mayroon lang kasing importanteng bagay na kailangan kong gawin.
Nung dumating ako kanina wala na iyong dalawa. Ewan pero parang nalungkot ako ng bahagya. Para akong natalo sa pustahan at uuwing luhaan. Bago ako umalis sa restaurant nagtagal pa ang tingin ko sa table na inookupa nila kanina. Na para bang anumang
oras ay bigla na lang silang magpapakita.
Ayokong pag-isipan ng masama si Lucy dahil wala ako sa posisyon bukod doon kaibigan ko siya.
Ano naman kung magkita nga sila? Hindi ba at isa rin naman iyon sa mga dahilan kaya ko ginagawa ang plano ni Lucy? Hindi niya man sabihin pero parang nakukuha ko na. Kahit gusto niyang bumawi sa ginawa nito sa kanya, pakiramdam ko mas mangingibabaw ang pagkagusto niya rito.
Bilang kaibigan tungkulin kong suportahan siya. Napakarami niyang naitulong saakin at kung ikukupara sa hinihingi niya ay katiting lang itong gagawin ko.
Bukod doon klaro saakin na trabaho ang ginagawa ko at para saamin iyon ni Ryle. Kung dadating sa punto na papatigilin niya ako sa plano niya ay tatanggapin ko. Sa huli kapag natapos ko ang gusto niyang ipagawa, doon din naman ang hantong ko.
I had to say goodbye. It has always been the plan from the very beginning. Makabayad lang ako sa pinagkakautangan ni Mama, malaya na kami ni Ryle. Pupunta kami sa lugar na walang makakakilala saamin at doon kami maguumpisang muli.
Gagawin ko ang lahat para hindi siya saktan ni Rai. Kung kinakailangan kong bantaan ang lalaking iyon ay gagawin ko. I just can’t afford to see him hurt my best friend… just like what he did to me.