CHAPTER 7
Life is tough but I’m thankful to have the person that keeps me motivated to fight and strive, which is my mother.
Ang tunog ng kalansing ng pinggan at mga kubyertos pati na ang nakabukas na maliit naming t.v. na balita ang palabas ang kasalukuyang namamayagpag sa bahay. The smell of sinigang made my mouth water.
Our life has always been this simple. Bagama’t kapos sa pera kahit papaano nagagawa naman namin ni Mama na makaraos sa araw-araw.
May mga pagkakataon na pinanghihinaan ako ng loob. Para kasing kahit anong gawin namin hindi kami umuusad. Kahit anong sikap parang walang nangyayari. Pero kapag nakikita ko ang pagpupursige ni Mama sa araw-araw, nagkakaroon ako nang lakas ng loob para magpatuloy.
“Anak, itabi mo muna iyang mga assignments mo at kakain muna tayo,” wika ni Mama habang abala sa paghahalo ng sinigang na kanina niya pa pinagkakaabalahan.
Mama likes to cook a lot. Kahit pagod sa trabaho, she always makes sure that we will eat together with her homemade food. It's one of her ways to catch up with my high school life at para na rin kumustahin ako which I appreciate.
Time with my mother is something that I treasure the most.
Abala ako sa mga gawain na kinakailangan kong tapusin para bago matulog ay makapagreview pa ako. Malapit na akong matapos sa Senior High School at dahil last sem na ay tambak kami ng gawain at mga kailangang ipasa.
Sumunod ako kay Mama at mabilis na sinalikop ang mga papel at notebooks. Tumulong ako sa pag-aayos ng lamesa. Kinuha ko ang mga plato at mga kubyertos na nakalagay sa tauban at inilapag iyon sa pwesto.
Mula sa pwesto ko ay tanaw ko si Mama na nagsasandok na ng sinigang.
Si Mama ay may balingkinitan na pangangatawan. She has a pair of brown eyes that I inherit as well as her tan skin. Siguro ang namana ko lang kay Papa ay ang matangos na ilong at matangakad na pangangatawan. But regardless of that many people say that
I’m a splitting image of my mother.
Hindi ganoon kalaki ang bahay namin. Walang mga divisions kaya kapag pumasok ay kita agad ang kusina pati ang sala. Ayos lang naman dahil kaming dalawa lang ang nakatira.
We pray before eating and after that we dig in silently enjoying it but my Mama likes to chit chat while eating.
“Kumusta ang eskwela?” pag usisa niya habang nagpapapak ng gulay.
Her soft voice is like a lullaby.
Nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga.
Bigla kong naalala iyong nangyari ilang araw na ang nakakalipas. Kapag naiisip ko iyon ay talagang kumukulo ang dugo ko.
Nakakainsulto kasi iyong ginawa nila. Napahiya rin ako kaya hanggang ngayon hindi pa rin ako nakaka-move on.
“Ayos naman po, balak ko na po maghanap nang mga scholarship para sa college,” sabi ko na lang, totoo naman talaga na iyon ang balak ko. Gusto kong magtuloy sa kolehiyo. Kahit 2-year course ayos na saakin basta magka diploma ako. That’s my goal.
“Parehas pala kayo ng eskwelahan na pinapasukan ng senorito? Kolehiyo na rin iyon parang malapit na rin magtapos,” natutuwang pahayag ni Mama na parang nag-eenjoy sa mga tsismis saakin.
Kumunot ang noo ko dahil hindi naman ako interesado. Atsaka ako lang ang topic kanina nang usapan kaya bakit nasama ang lalaking iyon?
“Gwapo ang senyorito, nakita mo?” may kuryoso sa tono nang pananalita niya. Alam ko ang tono na iyon. Daig pa ni Mama ang kinikilig na teenager.
“Mama! Huwag mong sabihing may crush kayo roon?” pabiro pero may halong sarkasmo kong pahayag. Nawalan na tuloy ako ng gana.
“Anong ako? Magtigil ka nga! Eh ikaw di ka nagwapuhan?” taas baba ang kilay ni Mama at talagang tuwang tuwa sa pang-aasar saakin. “Natulala ka pa nung nakita mo,” segunda niya pa.
Nag-init ang pisngi ko. Wala naman akong ginawa pero parang nahuli ako sa akto.
“Ma, alam niyo naman po na hindi ako interesado sa mga lalaki. Wala sa isip ko ang mga crush crush na iyan, sagabal lang sa pag-aaral,” depensa ko.
Iyon ang motto ko. May mga ilan akong kaklase na mahilig magpalipad hangin pero hindi ko pinapansin. Dati tinatapat ko kaagad pero kalaunan hindi ko na lang pinagtutuunan ng pansin dahil tumitigil din naman sila kapag ipinakikita ko ang kawalan ng interes.
Rinig ko ang mahinang pagbuntong hininga ni Mama. Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang paglungkot niya.
“Tama ‘yan unahin ang pag-aaral. Binibiro lang kita o siya tapusin mo na iyang pagkain mo,”
Nahimigan ko ang pagkadismaya niya. Gusto ni Mama na maranasan kong magkacrush man lang. Ika niya ay parte iyon nang high school na dapat ma-try ko. This might sound harsh but our family experience made me this way.
Ayokong maging kagaya ni Mama. Alam kong umaasa pa rin siya na babalik si Papa. Ganoon niya ito kamahal and I refuse to be put in that kind of situation. I will never let anyone have that kind of power over me. Hindi titigil ang mundo ko dahil sa kanila.
Life is unpredictable. Maaaring mapunta ako sa sitwasyon na iyon at maari rin naman na hindi. And I choose the second option.
“Mama sa tingin niyo po pwede akong tumulong sa inyo sa mga Sevilla?” tanong ko. Ilang ulit kong pinag-isipan ang bagay na iyon.
Hindi kaagad nakasagot si Mama dahil inaatake na naman ng ubo. I gently pat her back sa pag-asang makakatulong iyon.
Sakitin si Mama at mas nagpapalala rito ang trabaho niya. Gusto ko siyang dalhin sa doktor kaya lang ayaw niya naman sumama.
Mas takot pa siyang mabawasan ang ipon kaysa unahin ang sarili para mabigyan ng lunas.
Ilang ulit siyang umiling.
“Tumigil ka Zoila, magfocus ka sa pag-aaral mo. Ubo lang ito at makukuha rin sa pag inom ng gamot. Hindi porke pinayagan kita na magtutor eh hahayaan na rin kita na magdagdag ng trabaho. Kaya ko,”
She hold my hand and caress it, reassuring me. Gusto kong ipilit pero nakonsensya naman ako kaya hindi ko na muling itinanong iyon.
Palagi akong pumupunta sa mga Sevila pagkatapos ng uwian. Ang mag-asawang Sevilla ay palaging nasa Maynila dahil naroon ang negosyo ng pamilya nila. Sa pagkakaalam ko si Rai lang ang nasa mansyon. Pero parang wala rin naman palagi dahil hindi ko nakikita.
Pinapayagan naman ako ni Aling Rosa. Mas panatag kasi ako kapag magkasabay kami ni Mama na umuuwi. Habang naghihintay ay doon na rin ako gumagawa ng mga assignments para pagdating ng bahay ay mag-aasikaso ako ng ilang gawaing bahay.
Akala ko palaging ganoon ang eksena, nga lang nakalimutan ko na bahay niya ang mansyon at kahit kailan pwede siyang sumulpot.
“Ikaw iyong anak ni Aling Cora?”
Gulat na gulat ako ng may bigla na lang nagsalita sa likod ko. Halos maitapon ko ang ballpen sa pagkagulat. Nasa garden ako at inuukopa ko ang isa sa mga table. Pwede naman daw ako doon sabi ni Manang.
Nang lumingon ako ay kaagad kong nalanghap ang pamilyar na pabangong matagal ko nang naamoy pero parang hanggang ngayon nakatambay pa rin sa ilong ko.
We are so close at konti na lang tatama na ang noo ko sa labi niya. He seems unfazed by our closeness because he was just focusing on my notes. Embarrassed, I immediately pick my things. Medyo nanginginig pa ang mga kamay ko dahil hindi ko kinakaya ang lapit namin sa isa’t-isa.
Bakit ba bigla na lang siyang sumusulpot? At ang lapit!
“Teka bakit mo nililigpit tinitignan ko pa. Did I startle you? Sorry I was just curious kung anong ginagawa mo,”
Wala akong kaimik-imik. Hindi na nga ako gumagalaw para hindi ako mapalapit pa sa kanya. Mabuti na lang at lumayo na siya sakin kaya pwede na akong huminga ng malalim.
Mahina siyang natawa na mas lalong nagpakabog sa puso ko.
“You must be wondering why am I chatting with you even though we are not close. Gusto ko lang na humingi ulit ng sorry sa nangyari noon. It was long overdue. My friends are immature but they are kind. Pwede mo na ituloy ang ginagawa mo, don’t mind me,” he casually said.
Nakatalikod pa rin ako sa kanya kaya wala akong ideya sa kung anong ekspresyon ang meron siya habang sinasabi iyon.
Nananaginip ba ako? Bakit parang ibang tao yata itong kumakausap saakin.