Chapter 22 Namangha ako sa ganda ng condo ni Rai. Halos puti at itim ang mga kulay ng gamit doon. Penthouse yata ito dahil ang laki. There are shelves that are full of books that I’m not familiar with. His condo screams luxury. Pamula sa mga muwebles pati sa mga gamit paniguradong mahal ang mga iyon. Bakit pa nga ba ako magugulat eh mayaman naman siya. Baka nga barya lang sa kanya ang condo na ito. Baka nga isa lang ito sa mga pagmamay-ari niya. Who knows kung gaano nga ba talaga siya kayaman. Noon alam ko na na mayaman sila. May malaking lupain sila sa Batangas at may farm din. Bukod doon may kompanya rin sila rito sa Maynila. Kaya palaging wala ang mga magulang niya ay dahil abala ang mga ito sa pagpapatakbo noon. Kung hindi ako nagkakamali isa sa mga negosyo nila ang produksyon ng

