Chapter 23 Araw-araw akong sinasamahan umuwi ni Rai. Iyon ang senaryo namin palagi pagkatapos ng eskwela. Busy din naman siya pero nagagawa niyang makahabol sa uwian namin. Rai is patient and he also keeps his promises, maghihintay siya. Graduating din naman siya pero hindi ko alam kung paano niya nagagawang magbigay ng oras. Hindi ko naman siya inoobliga. Ayos lang sakin kahit isang beses lang kaming magkita. Alam ko din na may ojt sila ngayon, huling semestre na din kasi nila. Gustuhin ko man na magtanong tungkol sa mga nangyayari sa kanya may kung anong pumipigil sa akin. Ayoko rin na isipin niya na masyado akong curios. I just content myself to the news that he willingly shares. Aaminin ko na hindi pa ako gaanong nakakapag-adjust. Tinapat ko naman siya, hindi ganoon kadali para s

