Chapter 24 Namangha ako sa laki ng kwarto ni Rai. May mga bookshelves na puno ng iba’t-ibang klaseng libro na hindi ako pamilyar. Habang nililibot ko ang paningin sa loob ng kwarto napansin ko kung gaano kalinis iyon. Ang working table niya na nasa gilid ay hindi makitaan ng kalat. Lahat ng mga folders at papeles ay maayos na nakasalansan. There’s nothing much on his room maliban na lang sa isang malaking painting na nasa taas ng headboard ng kanyang kama. Pinaghalong dark blue, at puti naman ang kulay ng pintura noon. Pansin ko na may dalawang pinto na nasa kanan, siguro iyon ang banyo at walk in closet niya. A king size bed can be found in the middle of his room, it looks comfy and looks inviting. But I did not dare to go near his bed. Kung anu-ano na naman tuloy ang pumapasok sa ut

