NANGUNOTNOO si Hazel na makitang nandito pa rin si Mike kasama ang kambal na naghihintay sa kanya. Lumapit siya sa mag-aama na naghihintay sa kanya sa harapan ng black wrangler jeep ni Mike. Nangingiti pa ang mga ito na nakamata sa kanya. “Uhm, what are you still doing here, Mak? Akala ko ay sasama ka sa mga trabahador na mag-aani ngayon ng mangga?” she asked him. “Ahem! I changed my mind, bab– Haze. Sasama na lang ako sa inyo sa bayan. Don't worry about my work, kinausap ko na ang mga trabahador at ibinilin sa kanila ang gagawin nila. Hindi ka pa pamilyar sa bayan kaya samahan ko na kayo,” nakangiting sagot ni Mike na pinagbuksan ito ng pintuan sa harapan. “Kiddos, sa likod kayo, okay?” baling niya pa sa kambal at inalalayan si Hazel na makapasok ng wrangler. “Opo, Daddy!” panabay

