bc

Hot Single Daddy Collaboration #2: Own Me, Daddy! R18+

book_age18+
156
FOLLOW
2.1K
READ
billionaire
dark
love-triangle
HE
age gap
fated
dominant
single mother
heir/heiress
drama
tragedy
sweet
bxg
office/work place
small town
disappearance
secrets
multiple personality
love at the first sight
actor
like
intro-logo
Blurb

HAZEL MADRIGAL story:

"What if I'm going to lower my panty for you, are you coming in, Mike?" malambing at mapanuksong tanong ng dalaga ditong napalunok at biglang nag-init ang katawan! Hindi nakasagot si Mike at alam niyang dala lang ng kalasingan kaya gan'to ang dalaga sa kanya. Pero kahit kontrolin niya ang sarili, he's a man. Apektado siya sa pang-aakit sa kanya ng kanyang alagang anak ng matalik niyang kaibigan! "Let's be wild tonight. Own me, Daddy. I'm willing to give you my all tonight," pabulong anas ng Hazel at bago pa man ito makapagsalita. . . inangkin na ni Hazel ang kanyang mga labi!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
NANGINGITI ang dalagang si Hazel Madrigal habang binabasa ang message sa kanya ng kanyang mysterious long time textmate. She never met this guy, but she trust him and she's comfortable to talk to him even during late nights. Sa binata kasi siya nakakapagkwento ng mga bagay-bagay na hindi niya mai-share sa iba. Nakakatawa man na nasa modern world na tayo, pero nasa old fashioned pa rin ang binata. Hindi ito gumagamit ng social media. Kaya walang idea si Hazel sa itsura nito. Pero kung boses ang pagbabasehan niya, she loves his baritone voice. Sa tuwing nag-uusap sila ay kinikilig itong pinapakinggan ang baritono at malalim na boses ng binata sa kabilang linya. She knows that this guy has two kids already. Iniwan daw siya ng ina ng kanyang mga anak dahil mas priority ng dating asawa niya ang pagmomodelo, kaysa ang maging housewife ng isang farmer sa countryside. They are sharing secrets. Lahat ng ganap sa kanila sa maghapon, pinag-uusapan nila na parang magkarelasyon sila kahit wala naman talagang sila. “Magtatampo na ba si daddy niya'n, sweetheart? Magmula dumating ka, mas nakatutok ka pa sa cellphone mo kaysa makipag-bonding sa amin a,” pagtatampo ng ama nito– si Haden Madrigal. Napaangat ng mukha ang dalaga at napangiti na mabungaran ang ama nitong nakanguso. Nasa sala sila ng kanilang mansion at pasado alasyete na rin. Kakatapos lang din nilang maghapunang pamilya. Mag-isang anak na babae at bunso si Hazel ng mag-asawang Haden at Sofia. May dalawa itong nakatatandang kapatid. Si Jayden at Hardin. Si Jayden ay may pamilya na, habang si Hardin ay happy go lucky ang buhay binata nito. Maagang pinasok ni Hazel ang mundo ng modeling sa Paris. Katulad kasi ito ng kanyang ina na dating model sa Paris. Suportado naman ito ng kanyang pamilya kaya kahit nalalayo sila sa dalaga, sinusuportahan nila si Hazel sa mga nais at pangarap nito. “Ang daddy talaga. Ang seloso naman ng daddy ko. May kinakausap lang po. He's a friend,” nakangiting tugon ni Hazel na ibinaba na sa center table ang cellphone at yumakap sa braso ng ama nito. “He? Friend? Are you sure he's just a– friend?” pag-uusisa ni Haden sa dalaga nitong napahagikhik. “Opo, he's just a friend.” Sagot ng dalaga na diniinan ang pagtawag ng ‘just a friend’. “But he is a boy, anak. Kailan namin ito makikilala, hmm?” tugon ni Haden sa dalaga na napanguso. “Ang totoo niya'n, Dad, I never met him po. Pero– it's been three years na araw-araw po kaming nagkakausap. We shared some secrets, pinag-uusapan ang mga ganap sa buhay at kung ano-ano pa, Dad. I'm comfortable with him kaya hwag na kayong mag-usisa about him. He's a nice guy po.” Sagot ng dalaga dito na nangunotnoo. “Hindi ba dapat na makilala namin ‘yan, anak? You said, you're sharing some secrets to him. Baka mamaya, kung ano na ‘yan ha? Who knows, he's a paparazzi? Baka mamaya ay kilala ka niya'n at gagamitin ang mga sinasabi mo sa kanya against you, pagdating ng araw.” Nag-aalalang wika ng ama nitong ikinanguso ng dalaga. “I don't think so, Dad. Mabait po ‘yong tao, ano ka ba? Hindi ko naman siya pagkakatiwalaan kung ramdam kong hindi siya mabuting tao. Isa pa, nagshi-share din naman po siya ng mga secret niya at mga ganap niya sa buhay e.” Sagot ni Hazel ditong napabuntong hininga ng malalim na hindi pa rin kumbinsido. “Kung gano'n, bring him here. Para makilala namin siya at mapaimbestigahan ko siya, anak. Mahirap nang basta-basta nagtitiwala ngayon.” Seryosong saad ni Haden dito. “Daddy naman. Sinabi ko na po, mapagkakatiwalaan ‘yong tao. Sige na po, gusto ko na ring magpahinga.” Sagot ni Hazel na umiiwas sa ama. Inabot nito ang cellphone niya sa mesa at matamis na ngumiti sa kanyang ama. “Goodnight, Daddy. I love you,” malambing saad nito na hinalikan sa pisngi ang ama na pilit ngumiti at tumango na hinaplos ang anak niya sa ulo. “Goodnight too, sweetheart. Ipakilala mo ‘yan sa amin, ha?” pagpapaalala pa ng ama nito. Labas sa ilong na tumango na lamang si Hazel at umakyat na sa kanyang silid. Nakasunod naman ng tingin si Haden sa dalaga niya. Nakalarawan ang pag-aalala sa mukha nito para sa unica hija niya. Napabuntong hininga ito na napahilot sa sentido. “Who's this guy?” usal nito sa isipan na nag-aalala para sa dalaga niya. DAHIL walang malamang ibang detalye si Haden tungkol sa binatang kinakausap ng anak niya sa cellphone, gumawa na ito ng paraan para iiwas ang dalaga niya. At iyon ay ang ipakasal ito sa kaibigan niyang alam niyang hindi pababayaan ang anak niya– si Mike Henderson! “Are you sure about this, hubby? Magagalit ang anak natin sa gagawin mo,” nag-aalalang wika ni Sofia sa asawa nito, matapos sabihin ni Haden ang plano niya. Napahilot sa sentido si Haden at napabuntong hininga ng malalim. “Mas mainam nang ipagkasundo natin siya, wifey, kaysa naman kung kanino na lang siya mapunta, ‘di ba? Ayokong sa iba ito mapunta.” Sagot ni Haden sa asawa nito. “Pero kailangan na muna nating kausapin ang dalaga natin bago siya ipagkasundo kay Mike, hubby. Tiyak na magwawala ‘yong dalaga mo na ipapakasal mo siya sa hindi niya kakilala at hindi niya gusto,” kalmadong saad ni Sofia habang nakaunan sa malapad na dibdib ng kanyang asawa at nasa kama na sila. “Tingin mo ba papayag ang anak natin, wifey?” mababang tanong ni Haden sa asawa na napailing at napapikit na. “Kilala mo ang anak mo, hubby. Kung ayaw niya. . . ayaw niya. Tayo rin naman noon, hindi ba? Ayaw nating maikasal sa isa't-isa dahil hindi tayo magkakilala at hindi natin gusto ang isa't-isa,” sagot ni Sofia na napahikab pa dala na din ng pagod at antok. “Pero nagkasundo din naman tayo, wifey. Kung bibigyan lang ng pagkakataon ni Hazel ang kaibigan ko? Nakatitiyak akong magkakagustuhan sila.” Sagot ni Haden dito na hindi na sumagot. Napasilip ito sa asawa niya at napangiting makitang nakaidlip na ito. Maingat niyang hinila ang kumot nilang mag-asawa na itinabing sa kanilang katawan. Hinagkan niya rin sa noo ang asawa niyang nakasiksik sa kanya at nagpasyang matulog na rin. “Goodnight, wifey. I love you,” bulong nito na muling hinagkan sa noo ang asawa bago tuluyang natulog. LINGID sa kaalaman ni Haden at Sofia, nasa tapat ng balcony nila si Hazel at narinig nito ang pinag-uusapan ng kanyang mga magulang! Wala sa intention niya na makinig sa kanyang mga magulang, pero dahil nabanggit ang pangalan niya, na-curious ito at nanatili sa tapat ng silid ng mga magulang niya. Kaya naman narinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito. “No, hindi ako papayag ipakasal niyo ako sa hindi ko gusto, Daddy. How can you do this to me? Ipapaasawa mo ako sa hindi ko naman mahal?” usal nito sa isipan na nakalarawan ang galit at pagtatampo sa kanyang magandang mukha. Tumulo ang luha ni Hazel na bumalik sa kanyang silid. Ilang taon din siyang nanirahan abroad dahil sa pagmomodelo. She's already twenty-six. Wala pa sa vocabulary niya ang pagpapakasal. Kaya hindi siya makakapayag na ipakasal siya lalo na sa hindi niya kakilala! Naupo ito sa gilid ng kama na napasapo sa ulo. Gulong-gulo ang isipan at patuloy ang pagtulo ng luha. Kaya nga siya umuwi ng bansa at nag-take ng break para makasama ang pamilya niya dito sa bansa. Pero heto at may plano pala ang ama niyang ipakasal siya sa hindi niya kakilala! “What should I do? If I'll stay here, tiyak na matutuloy ang kasal na iyon,” usal nito sa isipan. “Should I go back to Paris?” Napailing ito na mapait na napangiti. Kung doon kasi siya pupunta, tiyak niyang masusundan din siya ng kanyang pamilya at matutuloy pa rin ang kasal! “No, I can't go back there. Saan pa ba?” usal nito na nag-iisip ng maaaring pagtaguan pansamantala. Napatayo ito na natutop ang bibig na may maisip na solusyon! “Oh my God! Why not?!” bulalas nito na nabuhayan ng loob! Nagmamadali itong nag-empake. Kinuha niya lang ang ilang damit niya at ilang personal things na isinilid sa isang bag. Iniwan niya rin ang lahat ng kanyang card at wallet. Kumuha lang siya ng sapat na perang magagamit niya at saka inayos ang sarili! Kabado ito at problema kung paano lalabas ng mansion na hindi siya mahahalata ng mga tao. Nagkalat pa na naman ang mga bodyguard nila sa buong compound kaya imposibleng walang makahalata sa kanya. “Damnit,” usal nito na napasapo sa ulo. Muli niyang binawasan ang mga dalang damit. Ilang pares lang ang kinuha, sapat lang para may pagbibihisan siya ng ilang araw at hindi mahalata ng mga guard ang dala niya. Matapos maayos ang mga gamit, lumabas na ito ng silid. It's already eleven o'clock in the evening kaya naman ingat na ingat ito sa bawat paghakbang pababa ng hagdanan. “Gosh, I hope he will help me,” usal nito sa isipan na naiisip ang kaibigan niyang tanging pag-asa niya para hindi siya mahanap ng kanyang pamilya! Ang binatang long time textmate nitong nakatira sa isang farm sa probinsya!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Daddy Granpa

read
299.3K
bc

My Cousins' Obsession

read
194.5K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
66.2K
bc

His Six Months Rule

read
33.2K
bc

Wife For A Year

read
72.5K
bc

MY HOT UNCLE IN LAWS (SSPG)

read
62.3K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
273.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook