PAGLABAS ng dalaga sa kanilang mansion, sakto namang namataan nito ang isa niyang pinsang lalake na palabas din. Si Tiger Madrigal na anak ng kanyang Tito Leon.
“Hey, Tiger!”
Pagtawag nito sa binata. Napalingon naman sa kanya si Tiger na akmang sasakay na sa Ferrari nito. Nangunotnoo pa ang binata na makita ang pinsan nitong nagmamadaling lumapit sa kanya.
“Hazel? What's the matter? It's late, are you going somewhere?” nagtatakang tanong ni Tiger dito na napangiwi.
“E. . . yeah, ano kasi. Uhm, I'm going to visit my friend. Dinala siya sa emergency at she needs me there. Pwede mo ba akong ihatid sa hospital? Doon na kasi ako matutulog kaya hindi na ako magdadala ng kotse. Isa pa, I don't have Philippines license e.” Palusot nito na nakangiwi sa pinsan.
Napatango-tango naman ang binata at naniwala sa alibi ni Hazel. Pinagbuksan niya pa ito ng pintuan.
“Sure, let's go, sweetie.” Tugon nito.
“Thank you, Ty!”
Kinikilig at nagmamadaling sumakay si Hazel sa Ferrari ng pinsan nito. Blessing in disguise na rin na palabas ang pinsan niya. Hindi siya mahihirapang lumabas at hindi siya kukwest’yonin ng mga bodyguard nila na lalabas pa siya. Hindi kasi basta-basta pinapalabas ang mga babae sa compound nila, lalo na kung malalim na ang gabi. Hindi katulad sa mga lalake na malaya ang mga itong maglabas masok sa compound, lalo na ang mga binata sa pamilya nila.
“What happened to your friend, Hazel?” tanong ni Tiger habang nasa byahe ang mga ito.
“Ha? My friend?” naguguluhang tanong ni Hazel at maraming tumatakbo sa isipan nito.
“Yeah, your friend in the hospital. Bakit siya isinugod doon?” tugon ng binata ditong napasinghap.
“Oh, uhm– hindi pa sinabi e. Pero ang alam ko, she's sick– tama. Nilalagnat siya pero ayaw niyang magpadala sa hospital e. Baka lumala ang kalagayan niya kaya isinugod na siya,” nakangiwing palusot ni Hazel na muntik pa siyang mabuko sa alibi niya!
Sobrang lakas ng t***k ng puso nito. Ngayon pa lamang ay humihingi siya ng kapatawaran sa kanyang pagsisinungaling sa kanyang pinsan para lang makalabas ng compound.
“Gosh, ang tagal niya namang mag-reply. Baka natutulog na siya,” usal nito sa isipan na maya’t-maya niyang sinisilip kung may message na ang kaibigan niya.
“You look pale, sweetie. For sure, magiging maayos din ang kaibigan mo. Don't think too much,” wika ni Tiger na mapansing namumutla at pinagpapawisan ang dalaga.
Pilit na ngumiti si Hazel na napapahid ng noo at leeg nito.
“Sana nga, Ty. Sana everything's goes well.” Pagsang-ayon nito na napalapat ng labi at sa labas ng bintana bumaling ng paningin.
“Anyway, nagpaalam ka ba kina tito?” tanong muli ni Tiger dito na napailing.
“Hindi e. Natutulog na sila kanina. I'll just call them tomorrow. Sa hospital lang naman ako e.” Sagot ni Hazel na sa labas ng bintana nakamata.
Napangusong tumango-tango naman si Tiger. Wala naman kasing kahina-hinala sa pinsan nito lalo na't hindi naman pasaway ang dalaga. Kaya walang pag-aalinlangan na inihatid niya si Hazel sa Madrigal's Hospital kung saan nagpahatid ang dalaga.
“Kaya mo na ba? Do you know your friend's room? Naghihintay kasi ang date ko e.” Wika ni Tiger pagdating nila sa tapat ng hospital.
“Oo naman. Don't worry, Ty. Thank you ha? I'll just call my friend. Safe naman na ako dito e.” Sagot ni Hazel na nagtanggal ng seatbelt at humalik sa pisngi ng pinsan nitong ngumiting tumango sa kanya.
“Mag-iingat ka dito, sweetie. If you're in trouble, don't hesitate to call me. I can leave my date tonight for you,” pagpapaalala pa ni Tiger ditong napangiti.
“I will, Kuya Ty. Thank you again. Drive safe, hmm?” sagot ni Hazel na tinapik ito sa balikat bago bumaba ng kotse.
Hinintay naman muna ni Tiger na makapasok sa loob ng hospital ang pinsan nito bago umalis. Napabuga ng hangin si Hazel na lumabas sa pinagkublian niya nang makaalis na ang kotse ng pinsan niya.
“I'm sorry for lying, Kuya Ty. Alam ko rin namang. . . hindi ka sasang-ayon sa gagawin ko kapag nagtapat ako sa'yo,” usal nito sa isipan na nagu-guilty na nagsinungaling siya sa kanyang pinsan, para malayang makaalis ng compound nila.
NAPABUGA ng hangin si Hazel na lakas loob na tinawagan ang number ng kanyang kaibigan. Nagsuot din siya ng sumbrero ng hoodie niya para ikubli ang mukha. Kahit wala kasi siyang make-up ngayon at nakasimpleng ternong black na jogger pants at hoodie siya ay kilala ang mukha niya sa publiko. Lalo na't nandito siya ngayon sa kanilang pag-aaring hospital. Hindi malabong may makakilala sa kanya.
“C'mon, answer your phone. I need your help,” usal nito sa isipan na palakad-lakad.
Alam niyang disoras na ng gabi at tiyak niyang nahihimbing na ang kaibigan niya. Lalo na't mabigat ang trabaho nito sa farm, idagdag pang may kambal itong inaasikaso na pumapasok na sa school. Kaya tiyak niyang pagod ang binata.
“C'mon, please? I'm sorry for disturbing you but I need your help,” usal nito na muling tinawagan ang number ng kaibigan.
Napapikit ito habang hinihintay na sumagot ang binata. Nagri-ring naman ang cellphone nito. Pero dahil past eleven na ng gabi, nakatitiyak siyang natutulog na ang binata.
“H-hello, Hazel?” bungad ng baritonong boses na halatang naalimpungatan sa pagkakahimbing.
“Oh my God, finally!” irit ni Hazel sa isipan na sa wakas ay sumagot din ang binata!
“Is there a problem? Pasensiya ka na, nakatulog kasi ako kaya hindi ko kaagad nasagot ang tawag mo,” paumanhin pa ng binata dito na napangiti.
“Uhm, no, it's okay. Ako nga ang dapat humingi ng pasensiya sa'yo kasi nadistorbi kita.” Sagot ni Hazel na nakagat ang ibabang labi.
Huminga ito ng malalim na humugot ng bwelo. Nahihiya kasi ito kung paano sabihin sa binata ang pakay niya. Pero ito na lang kasi ang naiisip niyang mapuntahan para hindi kaagad siya matunton ng kanyang mga magulang.
“Still there? May kailangan ka ba, Haze?” tanong ng binata na tahimik ang dalaga sa kabilang linya.
Hindi kasi ugali ng dalaga na tumatawag sa kanya ng disoras ng gabi, lalo na kung nagpaalam na silang matutulog na sila. Kaya nakatitiyak itong may problema ang kaibigan.
“Uhm, M-mak, ano kasi. . . uhm, I need your help e. Pwede mo ba akong tulungan?” nag-aalalang tanong ni Hazel dito na napalunok.
“S-sure, ano'ng maitutulong ko?” tanong ng binata ditong napapikit na muling humingang malalim.
“Uhm, kasi. . . n-naglayas kasi ako sa amin, Mak. It's a long story at biglaan. I'll explain to you later. Pwede ba akong tumuloy sa'yo?” nauutal at nahihiyang saad ni Hazel dito na muling napalunok sa narinig.
Parang may tumambol sa dibdib ng binata na marinig ang sinaad ng kaibigan! Nagising ang inaantok niyang diwa na nakabangon sa kama.
“Where are you? Susunduin kita d'yan,” sagot nito sa dalaga na napalunok at nagulat.
“D-dito? Nandito ako sa Manila e. Kaya mo bang pumunta dito? Gabi na at malayo ang probinsya mo, ‘di ba?” sagot ni Hazel dito na napangiti.
“Yeah, gamitin ko na lang ‘yong chopper dito. Uhm, nasaan ka ba? May alam ka bang pwede kong pag-landing-an d'yan?” tugon ng binata ditong napalapat ng labi.
“Uhm, nandito ako sa hospital namin e. Dito ako nagpahatid kanina sa pinsan ko. Malawak sa rooftop. I think, pwede ka doon mag-land. Teka– kanino ang chopper na gagamitin mo?” tanong ni Hazel dito na naisip ang sinabi ng binata.
“Sige, sa coffeeshop ka na muna, Haze. Ilang oras pa bago ako makarating d'yan. I'll just call you again, hmm?” tugon ng binata na iniiwasan ang isang tanong ng Hazel.
“Oh, okay. Darating ka naman, right?” paninigurong tanong ni Hazel dito na napangiti.
“Oo naman. Mag-iingat ka d'yan, Haze. Parating na ako,” tugon ng binata bago ibinaba ang linya at nagmamadaling nagbihis.
NAPAPIKIT si Hazel na parang nabunutan ng tinik sa dibdib. Kahit paano, nakahinga na ito ng maluwag na paparating na ang kaibigan niya para sunduin siya. Alam niyang delekado ang ginagawa niya pero– mas nanaisin niyang magtago sa farm ng kaibigan niyang hindi kilala ng pamilya niya, kaysa magpakasal siya sa binatang napili ng ama niya.
Nagtungo na muna ito sa kaharap na coffeeshop ng hospital at bumili ng shortcake at kape. Pumwesto siya sa sulok at dito na muna magpalipas ng oras. Lalamigin lang kasi ito sa hospital at wala naman talagang nahospital na kakilala niya.
“I'm sorry, Mom, Dad, I'm sorry. I have my own life too. Hwag niyo naman akong pangunahan sa mga magiging desisyon ko sa buhay,” usal nito sa isipan na nagu-guilty siyang lalayas siya.
Tumulo ang luha nito na natatakot din sa gagawin. But she has no other choice. Ayaw niyang maipakasal siya sa lalakeng hindi naman niya mahal.
“Ma'am, here's your order.”
Pasimpleng nagpahid ng luha si Hazel nang dinala na ang order niya sa kanyang mesa. Mabigat sa loob niyang gawi ito. Dahil lumaki siyang palaging sumusunod sa kanyang mga magulang. Malambing at desiplinado sa kanila ang kanilang mga magulang, lalo na ang kanyang Daddy Haden. Maging ang mga kuya niya ay malambing sa kanya. Kaya naman mabigat sa loob niyang lumayas at tiyak niyang mag-aalala ang kanyang pamilya.
“You can do it, Hazel. You have a friend to lean on, ‘di ba? Babalik din naman ako dito. . . kapag hindi na ako ipapakasal ng daddy sa lalakeng iyon,” usal nito na pilit pinapatatag ang loob at sumimsim sa kape nito.