PASADO alastres na nang dumating ang hinihintay ni Hazel. Akala niya ay simpleng chopper lang ang gamit ng kaibigan niya pero– nagkamali ito. Alam niyang hindi basta-basta ang chopper na gamit ng kaibigan niya at nagulat siya. . . na makitang mag-isa lang ito.
Habang nakamata sa binatang palapit sa gawi niya, napapalunok si Hazel. Ito kasi ang unang beses na makikita niya ang kaibigan! Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib niya habang nakamata sa binata. Hanggang sa makalapit na ito na mas natitigan na niya ang itsura!
Matangkad ang binata. Mistiso at may makisig na pangangatawan! Kahit nakasuot ito ng army cargo pants at naka-jacket ng leather brown, kitang napakagwapo nito at ang hot ng datingan! Para itong leading man sa mga napapanood niyang turkish series na mga hot daddy!
“I-ikaw iyan?” nauutal na tanong ni Hazel na matiim sa nakatitig sa binata.
Napangiti ang binata na naglahad ng kamay dito. Alam niya naman talaga kung sino ang dalagang kaibigan niya. Kaya inaasahan na niya ang itsura nito. Kahit nakasimpleng suot lang ang dalaga ngayon at walang make-up, kitang-kita nito kung gaano ito kaganda, lalo na sa malapitan.
“H-hi, uhm, ako nga. I'm Mike Henderson– your friend. Gusto mo pa rin bang. . . sumama sa akin?” pagpapakilala nito sa sarili na ikinasinghap ni Hazel na kinilig sa baritonong boses nito na kay lalim at ang sexy sa kanyang pandinig!
Parang nahihipnotismong inabot ni Hazel ang palad nitong nakalahad. Sabay pa silang napatitig sa kamay nila na makadama silang pareho ng kakaibang boltahe sa paglapat ng kanilang balat! Napalunok si Hazel na pilit umaktong normal. Ngumiti ito sa binata at sinalubong ang mga mata nito.
“O-oo naman. Pasensiya ka na, ikaw ang ginambala ko na tutulong sa akin para makatakas dito. Uhm, I'm Hazel. . . Hazel Madrigal. It's nice to finally meet you. . . M-mak.” Nauutal na sagot ni Hazel ditong napangiting marahang napisil ang malambot na palad ng dalaga.
Napasinghap si Hazel na ibang-iba ang dating ng pagpisil ng binata sa palad niya. Parang nabuhay ang mga paru-paro sa kanyang tyan na naglulumikot at hindi mapigilang kiligin sa kaharap! Hindi niya kasi inaasahang sobrang gwapo at tikas pala ng binatang tatlong taon niya ring nakakausap!
“Uhm, may dala akong kape. M-magkape ka muna bago tayo aalis,” nahihiyang alok ni Hazel na binawi ang kamay at iniabot ang kapeng binili nito kanina para sa binata.
Nakangiti namang inabot iyon ni Mike. “Thank you, Haze. Kailangan ko nga at hindi na ako nakapagkape kanina.” Tugon nito na napasimsim sa kape. “Are you cold? Mukhang manipis ‘yang suot mo.”
Nahihiyang tumango at ngumiti si Hazel na totoo namang nilalamig siya. Walang pag-aalinlangan na hinubad ni Mike ang makapal niyang leather jacket na iniabot dito.
“Here, you can use my jacket.” Anito.
“P-paano ka?”
Ipinasuot ni Mike ang jacket niya dito at kita niyang nanginginig na sa lamig ang dalaga.
“I'm okay, Haze. Don't worry about me. Lalake ako at heto, may kape naman ako. Ikaw itong inaalala ko,” sagot ni Mike na kumindat ditong napalapat ng labi.
“S-salamat.”
Napayakap sa sarili si Hazel na pilit ikinukubli ang ngiti at kilig na nadarama. Makapal at malambot sa loob ang tela ng jacket ng binata, kaya mabilis na naibsan ang panginginig ng katawan niya. Mabilis namang inubos ni Mike ang kape nito at itinapon sa kalapit na basurahan ang cup.
“Let's go?” tanong ni Mike dito na ngumiting tumango.
Inabot nito ang kamay ni Mike at nagpatianod ditong dinala siya sa chopper. Wala pa itong tulog kaya inaantok na rin ito at madaling araw na.
PAGKASAKAY sa chopper, kaagad na nagsuot ng seatbelt si Hazel at silang dalawa lang ang lulan no'n. Napapikit ito na piping nagdasal sa kanilang kaligtasan at sa kapalarang naghihintay sa kanya sa pagsama sa kaibigan nito. Kahit ngayon niya pa lamang nakakaharap at nakasama ang binata, dama niya sa puso niyang komportable siyang magtiwala at sumama dito sa probinsya.
Habang nasa ere ang dalawa, tahimik lang ang mga ito. Nakapikit na kasi si Hazel at hindi tiyak ni Mike kung ano ang mga tumatakbo sa isipan nito. Naguguluhan din siya kung bakit biglang naglayas ang dalaga. Mabuti na lang at siya ang tinawagan nito kaya kahit nagmula pa siya sa Davao, walang pag-aalinlangan na sinundo niya ito kaysa mapahamak ang dalaga.
“Ano kayang nangyari? Bakit naglayas ang batang ‘to?” usal nito sa isipan na napapaisip sa mga pwedeng dahilan kaya lumayas ang dalaga.
*****
Magliliwanag na nang makarating ang dalawa sa hacienda ni Mike. Hindi naman namalayan ni Hazel ang oras nila sa byahe at nakaidlip na ito. Habang nakalapag ang chopper sa burol, matamang pinagmamasdan ni Mike ang dalaga.
"She's so beautiful. Damn, paano ko iingatan ito? Baka mamaya ay mapahamak pa siya dito sa poder ko," usal nito na maingat na inayos ang ilang hibla ng buhok ni Hazel na nakatabing sa mukha nito.
Napahinga ito ng malalim na napahilamos ng palad sa mukha. Gustuhin niya mang tulungan ang dalaga, nag-aalala pa rin ito na naglayas ang dalaga. Tiyak niyang magkakagulo ang pamilya Madrigal kapag mapag-alaman nilang nawawala ang isa sa kanilang prinsesa doon!
Bumaba ito ng chopper na hinugot ang cellphone sa bulsa. Tinawagan ang kaibigan niya bago pa sila magkagulo doon. Hindi naman nagtagal, sumagot na ang kaibigan niya-- si Haden Madrigal!
"Good morning, dude. What's up?" bungad ni Haden na tila walang problema.
Naipilig ni Mike ang ulo na napasulyap pa sa dalagang nasa chopper.
"Uhm, magandang umaga din sa'yo, dude. Ano kasi, I have something important to tell you e." Tugon ni Mike na pilit pina-normal ang tono.
"Oh, sure, dude. What is it?" sagot ni Haden dito na napabuga ng hangin.
"Uhm, dude. . . kasi. . . n-nandito 'yong dalaga mo. K-kasama ko-- si Hazel ngayon." Nauutal at kabadong pagtatapat ni Mike sa kaibigan.
"What?! How?! When?!" bulalas ni Haden na nagulat sa nalaman!
Napatikhim si Mike na napakamot sa ulo. "Uhm, she called me and asked me to help her e. Ano ba'ng problema d'yan, dude? Naglayas kasi ang dalaga mo. Mabuti na lang. . . ako ang tinawagan niya." Sagot ni Mike dito na natulala at hindi maproseso ng isipan ang sinabi ng kaibigan.
Nagtungo pa ito sa silid ni Hazel at hinalungkat iyon at tama nga ang kaibigan niya dahil. . . wala sa silid nito ang dalaga. Napasapo sa ulo si Haden na nanghihinang napaupo sa gilid ng kama na inabot ang mga naiwang card at wallet ni Hazel sa bedside table nito.
"Teka. . . how did she know your number, dude? Kilala ka na ng anak ko?" nagtatakang tanong ni Haden na mag-sink-in sa isipan ang sinabi ng kaibigan nito.
Napangiwi namang napakamot sa ulo si Mike. Hindi kasi alam ni Haden na textmate ni Mike ang dalaga niya. Hindi nito alam. . . na ang binatang kaibigan ni Hazel sa text ay walang iba kundi ang kanyang kaibigan na sana'y ipapakasal niya sa kanyang dalaga!
"Uhm, yeah. Honestly, dude, matagal na. Magkaibigan na kami ni Hazel pero hindi niya pa ako nakikita in person. Sa text at tawag lang kami nakakapag-usap. Remember when I visit you-- three years ago?" pagtatapat ni Mike dito na napaisip at napatango na maalala nga ang pagdalaw ng kaibigan niya sa kanya noon sa mansion.
"Yeah, naalala ko nga, dude." Tugon ni Haden dito.
Napabuga ng hangin si Mike bago sumagot. "Uhm, you give me your daughter's number because she's model abroad. Hindi ako natuloy na nagpatulong sa anak mo para hanapin si Gisele kung kakilala niya ito kasi. . . uhm, nakipagkaibigan ako sa anak mo. Pasensiya ka na, kinaibigan ko ang anak mo without your permission," mababang saad ni Mike dito na napaawang ng labing nakikinig sa kaibigan niya.
"Oh, I see." Usal ni Haden na walang maapuhap na isasagot.
"Don't worry about her. Nandito siya sa akin at hindi ko naman ito pababayaan, dude. Siya nga pala, ano iyong nabanggit mo kagabi na may mahalaga kang sasabihin sa akin, dude?" pag-iiba ni Mike sa usapan nila na maalala ang sinabi ni Haden sa kanya kagabi.
Napahilot sa sentido si Haden na napapikit. May parte sa puso niya ang nag-aalala para sa anak niya. Tiyak na may problema ang anak niya kaya ito naglayas. Pero wala naman itong napapansing kakaiba sa anak nito nitong mga nagdaang araw. Mabuti na lang at sa kaibigan niya ito tumuloy. Kahit paano, palagay na din ang loob niya na nasa mabuting kamay ang dalaga niya.
"Uhm, it's about my daughter, dude. Pero hayaan mo na. Nand'yan naman na siya e. Dude, hwag mong pababayaan ang anak ko ha? Alam mo naman kung paano ko iniingatan ang unica hija namin." Tugon ni Haden dito na pilit ngumiting napalingon sa dalaga.
"Oo naman, dude. Hwag mo siyang alalahanin. Iingatan ko at poprotektahan ko ang anak mo habang nandidito siya sa poder ko." Sagot ni Mike dito na napangiti.
"Thank you, dude. I owe you this."