Chapter 09

1896 Words
WALA nang ibang choice si Ariyah kung hindi ang sabihin kay Zac ang pagbubuntis niya. Binigyan lang siya ng taning ng Mama niya dahil kung hindi susugurin na naman nito ang Hotel Strata. “Love, anong tingin mo rito?” agaw ni Zac sa atensyon niya. This time ay ito naman ang ipinipili nila ng susuotin nito para sa nalalapit nilang engagement. Hindi lang kasi engagement party iyon, doon din kasi ia-announce ang pag-take over nito sa negosyo ng pamilya kaya ganoon na lang din kung paghandaan ni Zac. “Uy, Love, okay ka lang ba? Kanina pa kita tinatanong, hindi ka naman sumasagot,” wika nito sa kaniya. Kaya tiningnan naman niya ang hawak nitong tuxedo. That was a light blue tuxedo. “Uhmm, sa tingin ko, Love, parang mas okay kung black tuxedo since it was also a business matter,” tugon niya at bigla namang nagsalubong ang kilay nito. “Mas gusto ko kasing angat ang suot ko kaysa sa iba at sa tingin ko madaming magsusuot ng black tuxedo kaya nga ito ang pinili ko,” pangangatuwiran naman nito. “You’re asking my opinion, Zac, and I give it to you,” naiiling na sabi niya. “Tinatanong ko lang naman, Ariyah, kung okay lang ba, ang dami mo naman kasing sinasabi,” naiinis namang wika nito saka siya tinalikuran. “Oo, okay naman siya, Zac, wala naman akong sinabing hindi, eh, ang sinasabi ko lang baka mas okay kung black.” “Stop it, Ariyah!” wala nang ganang sabi nito. He is always like that every time she voices out her opinion. “Zac, huwag mo naman sirain ang araw natin dahil lang sa ganitong bagay,” mahinahon pa ring sabi niya sa binata kaya bigla naman itong lumingon sa kaniya. “It’s not me, Ariyah, it’s you!” bulyaw nito sa kaniya kaya parang gusto niyang maiyak. Alam niyang dahil sa hormonal changes kaya nagiging sensitive din siya nitong mga nakaraang araw. “Kung sinabi mo lang agad sa ‘kin na okay lang, eh di sana wala namang problema!” Pagtapos ay tinalikuran siya ulit nito at mabilis na iniwanan. “Yeah, I know, I will not do that anymore. Can you please wait for m—argh!” natigilan siya dahil bigla siyang nahilo sa paghabol niya rito. Sinubukan niyang kalmahin ang sarili pero pagtapos ng hilo niya ay parang unti-unting nagdidilim ang paningin niya. “Ariyah? Are you okay?” ang tanong nitong iyon ang huli niyang narinig pagtapos ay tuluyan na siyang nawalan ng malay. “MS. VALDEZ, pumasok ka rito sa opisina ko,” utos ni Chase sa secretary niya mula sa intercom. Hindi naman nagtagal at pumasok na ito kaagad. “Yes, sir, may kailangan po kayo?” magalang na tanong naman nito. “Hindi pa ba tumatawag sila Nina mula sa reception?” “Hindi pa po, Sir, gusto niyo po bang tawagan ko?” “No need, ako na lang siguro ang bababa ro’n,” tugon naman niya pagtapos ay tumayo na siya saka bumaba sa reception area. Ang sabi kasi ni Nina sa kaniya ay around 10 AM ay babalik ang mga taong gustong kumausap sa kaniya pero past eleven na ay wala pa rin ang mga ito. Ang bawat empleyado na nasasalubong niya ay yumuyukod at bumabati sa kaniya simpleng ngiti lang ang ibinibigay niya sa mga ito dahil nagmamadali siya. Ang iniisip kasi niya baka hindi na naman siya tinawagan nito. “Yes, Sir?” tanong agad sa kaniya ni Hailey na nasa reception. “Nasaan si Nina?” “Nasa loob po, Sir,” agad namang sagot nito kaya tumango siya rito pagtapos ay pumasok sa opisinang nasa likod ng reception. “Sir, bakit po?” Gulat na tanong nito nang makita siya at mabilis pang tumayo sa swivel chair nito. “Kung may kailangan po kayo dapat pinatawag niyo na lang ako o kaya itinawag niyo na lang sa ‘kin.” “No, may kinuha rin kasi akong files dito sa baba,” pagdadahilan naman niya. “Hindi pa ba sila dumarating?” “Sila?” bahagya pa itong napaisip sa tanong niyang iyon. “Ah, okay po,” natatawang wika nito nang maalala pero nagsalubong lang ang kilay ng binata sa reaksyon ng manager na nasa harapan niya. Umayos naman ito nang mahalatang hindi natutuwa si Chase sa ginawa nito. “I’m sorry, Sir, ang totoo po hindi pa sila dumarating pero kahapon naman po sobrang desidido sila na makausap kayo. Iniisip ko po baka lang nagbago ang isip.” “Okay, kung darating man sila siguraduhin mo na sasabihin mo sa ‘kin. Marami lang akong inaasikaso pero kayang-kaya kong bigyan ng oras ‘yan,” utos naman niya rito pagtapos ay lumabas na siya ng opisina nito. Naiiling na lang na bumalik siya sa opisina niya. Nag-cancel pa naman siya ng meeting nila ni Mr. Sebastian para sa babaeng gusto siyang makausap. Pagbalik niya sa opisina niya ay sinalubong agad siya ni Ms. Valdez. “Anyway, Ms. Valdez, try to call Mr. Sebastian and try to ask him is he can still make it today.” “Yes, Sir,” tugon naman nito pagtapos ay dinampot na agad ang telepono na nasa harapan nito. “Itawag mo agad sa ‘kin kung sasagot,” utos pa niya bago tuluyang pumasok sa opisina niya. Since tours and travels ang business ng mga Sebastian ay gusto ng mga ito na maki-partner sa hotel niya for accommodation. At matagal na raw gusto ng mga ito na makuha ang Hotel Strata as their partner hotel. Ngayon sana nila pag-uusapan ang tungkol doon, ilang beses na rin naman niyang nakasalamuha ang mga Sebastian pero this time dahil ang anak na ng may-ari ang mag-take over ng management ng negosyo nila ay ito na rin sana ang makikipag-usap sa kaniya with his long-time fiancé dahil doon din daw gaganapin sa Hotel Strata ang official engagement at announcement ng company take over nito. Isang mahinang katok ang pumukaw sa kaniya. “Sir, hindi na raw po makakarating si Mr. Sebastian nagkaroon daw ng emergency.” “Okay, ako rin naman ang naunang mag-cancel,” tugon naman niya pagtapos ay lumabas na rin agad ito. PAGGISING ni Ariyah ay sumalubong sa kaniya ang puting paligid ng kuwartong kinaroroonan niya. Paglingon niya ay nandoon si Zac at seryosong nakatingin sa kaniya, walang kahit na anong emosyon ang mukha nito kaya medyo kinabahan na siya. Pinilit niyang bumangon kaya lumapit naman ito sa kaniya. “Anong ginagawa ko rito?” “Nawalan ka ng malay kaya nagmamadali akong itakbo ka rito,” wala pa ring emosyon na sagot nito. “Tinawagan ko na ang parents mo kaya possibly papunta na sila rito.” “Hindi na kaya ko naman umuwing mag-isa,” tutol naman niya pagtapos ay akmang bababa na siya ng kama ng pigilin siya nito. “Huwag ka munang gumalaw dahil baka makasama sa baby na nasa sinapupunan mo.” Gulat na gulat naman siyang napatingin dito. “Bakit hindi mo ba inaasahan na malalaman ko?” sarkastikong tanong nito sa kaniya. “Zac…” mahinang tawag niya sa pangalan nito dahil bukod sa hindi niya alam kung anong sasabihin ay kitang-kita niya ang hinanakit sa mga mata nito. “Now, tell me, Ariyah, kung sino ang ama?” “H-hindi ko alam… hindi ko kilala,” mahinang sabi niya. “What!? Paanong hindi mo alam? Ano ‘yon nakita mo lang diyan sa kanto pagtapos nagpatira ka!?” Doon na tuluyang lumabas ang galit nito at doon na rin nagsimulang mamuo ang luha sa gilid ng mata niya. “Kailan mo pa ko niloloko?” “Hindi kita niloko, Zac, at never kitang niloko!” Doon na siya napatingin dito. “Hindi? Sigurado ka? Ano ‘yan? Anong ibig sabihin niyang pinagbubuntis mo, Ariyah, kung hindi mo ‘ko niloloko?” “Pagkakamali lang lahat ng ‘to, Zac, isang gabi na buong buhay kong pinagsisisihan. Nangyari lang naman ‘to ng 10th anniversary natin!” Doon na tuluyang bumuhos ang luha niya. “Anong ibig mong sabihin? Anong pagkakamali? Tapos no’ng anniversary pa!” “Ang sabi mo kasi nagpa-book ka ng kuwarto sa hotel at pumunta ako ro’n, Zac! Pero ang bobong hotel na ‘yon binigyan ako ng ibang susi ng kuwarto! At noong malaman kong hindi ka makakauwi ayun at naglasing ako pero hindi ko alam na ibang kuwarto pa lang ‘yong napasok ko! At akala ko nang gabing ‘yon ay dumating ka!” “That’s bullshít, Ariyah!” Galit na galit na mura nito sa kaniya. “Kahit lasing ka alam mo ang ginagawa mo at alam mo kung anong nangyayari kaya huwag mo ‘kong ginagagó!” “Totoo lahat ng sinabi ko, Zac! Hindi ko gusto ‘yong nangyari at never kong gugustuhin! Kaya, please maniwala ka naman!” pakiusap niya at sinubukan pa niyang hawakan ang kamay nito pero iniiwas lang iyon ng binata. “Huwag mo ‘kong hawakan, Ariyah, dahil nakakadiri ‘yang pagkatao mo! Pagtapos mo magpahawak sa iba at magpabuntis sa iba, lalapit ka sa ‘kin, at anong plano mo ipaako sa ‘kin ‘yang bata na ‘yan!?” “WHAT?!” sabay silang napatingin sa pinto na hindi nila namalayang bumukas na pala at nandoon ang Mommy ni Zac, galit na galit na nakatingin sa kaniya. “Nagpabuntis ka sa iba?!” Pagtapos ay lumapit ito sa kanilang dalawa ni Zac. “Magpapaliwanag po ako, Tita—” hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil isang malakas na sampal mula sa Mommy ni Zac ang sumalubong sa kaniya. “Hindi mo na kailangang magpaliwanag dahil mas malinaw pa sa sikat ng araw na isa kang desgrasyada! Pagtapos ano, kay Zac mo ipapaako ‘yang kalandian mo!” Pagtapos ay tumingin ito kay Zac. “Mabuti na lang at nalaman mo habang maaga pa, dahil mukhang walang balak sabihin nang malanding babaeng ‘to ang lahat sa ‘yo!” This time may dahilan na talaga ito para ayawan siya. “Tita, hayaan niyo po muna akong magpaliwanag…” pakiusap niya rito at hinawakan pa niya ito sa braso pero mas malakas na sampal lang ang sumalubong sa kaniya na halos ikabingi niya. Masakit iyon pero mas masakit na hinahayaan lang ni Zac na gawin sa kaniya iyon ng Mommy nito. Alam naman niyang kasalanan niya at deserve niya ang lahat ng iyon. “Huwag mo ‘kong matita-tita at huwag mo ‘kong mahawak-hawakan!” Galit na sigaw nito sa kaniya habang dinuduro pa siya. “Anong nangyayari dito?” naguguluhang tanong ng Mama niya nang makapasok at kitang-kita nito kung paano siya sinampal ng Mommy ni Zac. “Bakit hindi mo tanungin ‘yang anak mo desgrasyada!?” sarkastikong wika ng Mommy ni Zac sa Mama niya at napaawang lang ang bibig nito ng Mama niya. “Let’s go, Zac! We’re just wasting our precious time here!” Pagtapos ay nauna na itong lumabas kasunod si Zac at ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin nito. Nang makalabas na ang mga ito ay doon na siya tuluyang napahagulgol. “Ilang beses ko bang sinabi sa ‘yo, Ariyah, na hindi si Zac ang tipo ng lalaki na aako ng pagkakamali mo!” naiiyak ding wika ng Mama niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD