CHASE was busy reading all the papers on his table, and most documents were regarding a business proposal. Since the BvN was transferred under the Chavezes’ names, many investors kept coming and coming.
“Good afternoon, Sir, lunchtime na po hindi po ba kayo kakain?” Tanong ni Martha na siyang personal secretary niya. Napatingin naman siya sa wrist watch at tama ito dahil lunchtime na nga pero dahil sa dami ng ginagawa niya ay hindi niya napansin ang oras.
“Sige, Ms. Valdez, take your lunch,” utos naman niya habang ang mata ay nakatingin pa rin sa papel na binabasa niya. Sa dami kasi ng proposal na iyon hindi na niya alam kung alin ba ang aaprubahan niya.
“Ah, mamaya na lang din ako, Sir, hihintayin ko na po kayo,” nag-aalangang sabi naman nito. “Baka po kasi may importanteng call na dumating, di ko masagot.”
“No, take your lunch, i-automatic transfer mo na lang dito sa ‘kin ‘yong call, ako na lang ang mag-filter,” sabi niya nang hindi pa rin tumitingin dito.
“Sigurado po ba kayo, Sir?” nag-aalalang tanong pa rin nito kaya doon na siya napatingin dito at nauubusan nang pasensiya na ibinaba ang hawak niyang papel.
“How many times do you want me to repeat myself, Ms. Valdez?”
“Ah, eh, pasensiya na po. Sige po, Sir, mauna na po ako sa inyo, babalik na lang din po agad ako,” mabilis naman na paalam nito at saka isinara ang pinto ng opisina niya.
Pabagsak niyang isinandal sa swivel chair ang ulo niya at marahang hinilot ang sintido niya. Dahil sa pangungulit nito nawalan na siya nang gana na basahin ang lahat ng papel na nasa harapan niya. Dadamputin na sana ulit niya ang papel nang biglang tumunog ang telephone sa gilid ng table niya.
Nakailang ring muna iyon bago niya sinagot. “Hi, good afternoon,” pagsagot niya sa tawag na iyon without any speaks.
“Hi, may I talk to Mr. Chase Chavez?” Napataas ang kilay niya dahil boses iyon ng isang lalaki.
“Yes, speaking.”
“Oh, hello, Mr. Chavez, this is Jules Gonzales. I decided to call you because I’ve heard the news na hindi raw pinapasok ng staff niyo ‘yong babaeng pinadala ko sa ‘yo. I’m trying to call your number but it was not ringing.” Sa pagkakataong iyon ay nagsalubong naman ang kilay niya sa sinabi nito.
“What do you mean na hindi pinapasok?” naguguluhang tanong niya dahil sa pagkakaalam nga niya ay kasama niya sa suite niya ang babaeng pinadala nito sa kaniya.
“Hindi na raw pinapasok pero hindi sinabi sa kaniya ng mga staff ninyo kung bakit at hindi na rin naman daw siya nag-insist. Tumawag lang ako dahil ang inaalala ko baka isipin mo na hindi ako tumupad sa usapan natin well in fact na sa side mo mismo nagkaroon ng misunderstanding,” paliwanag naman nito.
“Ang ibig mo bang sabihin, hindi ‘yong babaeng ipinadala mo ang kasama ko kagabi?” hindi makapaniwalang tanong niya. Then who is that girl? Hindi mapigilang tanong niya sa sarili nang maalala ang maamo pero malungkot nitong mukha.
“Hindi ko alam basta mag-send siya sa ‘kin ng report na walang nangyari sa lakad niya kung may iba kang kasama kagabi, well, hindi na ‘yon sa ‘kin kaya kung may problema ka sa babaeng nakasama mo kagabi, it’s none of my business.”
“Okay, no worries, I have no problem with her,” paglilinaw naman niya. “If this is all you want to tell me, I’ll end this call.” Hindi na niya hinintay na sumagot pa ito dahil pinatay na niya ang tawag na iyon.
Nang maibaba niya ang telepono ay tumayo na siya para pumunta ng reception area para alamin kung anong nangyari kagabi. Kaya pala kakaiba ang pakiramdam niya sa babaeng nakasama niya kagabi. Hindi ito iyong usual na babae na naikakama lang. Dumeretso siya sa opisina ni Nina.
“I need to clarify something,” seryosong wika niya nang makapasok siya ng opisina nito at mabilis naman itong tumayo saka lumapit sa kaniya.
“Ano po ‘yon, Sir?” magalang na tanong naman nito sa kaniya.
“Tawagin mo muna saglit lahat ng receptionist,” utos niya at sumunod naman agad ito sa kaniya. Ilang minuto rin siyang naghintay sa loob ng opisina nito nang bumalik ito kasama ang mga receptionist na ipinatawag niya.
“Ito na po sila, Sir, ‘yong iba po na wala, day-off nila ngayon then may isa po akong pinaiwan sa reception,” usal ni Nina.
“Gusto ko lang malaman, paano naging ibang babae ang nakapasok sa loob ng suite ko?” direktang tanong niya dahil ayaw naman niyang magpaliguy-ligoy. Napansin niyang nagkatinginan ang mga ito kaya alam na agad niyang may mali. Nang tumingin siya kay Nina ay agad itong nag-iwas ng tingin sa kaniya. “I want to know!” Sigaw na niya dahil hindi niya gusto ang ikinikilos ng mga ito. “You will tell me, or I will fire all of you?”
“Ah, Sir Chase, ang totoo kasi niyan may malaking pagkakamali kasi talagang nangyari kagabi,” mabilis namang sagot ni Nina. “Pero tinanggal ko na po ‘yong receptionist na nagkamali.”
“Kumilos ka nang hindi sinasabi sa ‘kin ang lahat? Negligence of duty ‘yang ginagawa ninyo! Kung hindi pa tumawag sa ‘kin si Mr. Gonzales ay hindi ko pa malalaman. Kumilos ka kasi ayaw mong ipaalam sa ‘kin, ‘di ba!?”
“I-I’m sorry, Sir.”
“Saka wala ka kagabi kaya paano mo nalaman na may pagkakamaling nangyari?” tanong niya nang maalala niya.
“A-ah kasi, Sir, ‘yong rec—”
“Tell me the truth or I will fire you!” Sigaw niya rito nang mahalata na may balak pa itong magsinungaling sa kaniya.
“P-pinuntahan po kami no’ng babae at galit na galit po siya sa nangyari.”
“Pakipaliwanag nga sa ‘kin kung ano ba talaga ang nangyari, dahil hindi ko talaga maintindihan kung bakit nagkaroon ng gano’ng klaseng pagkakamali.”
“Ang nangyari kasi, Sir, nang tumawag kayo sa reception at sinabi ninyo na may darating na babae at papasukin lang namin sa suite ninyo pagtapos no’n may babae naman na dumating na ang sabi may room reservation daw siya under the name of Charles Sebastian, tapo—”
“Charles Sebastian?” ulit niya sa pangalang binanggit nito dahil pamilyar sa kaniya iyon.
“Yes po, since po na Charleston Sebastian ang pangalan ninyo, Sir, nag-assume si Jen na ikaw ‘yong tinutukoy niya at since tumawag kayo sa amin akala talaga niya iyon ‘yong babaeng sinasabi ninyo. But this morning, nalaman namin na may bukod pala talagang room na naka-reserved under Charles Sebastian.” Naiiling na lang siya sa laki nang pagkakamali na nangyaring iyon.
“Nakuha niyo man lang ba ang pangalan no’ng babae?” Natigilan ito sa tanong niya kaya alam na rin niya kung ano ang sagot. Naiiling na lang siya sa mga kapalpakan na ginagawa ng mga empleyado niya. This is a 5-star hotel pero parang hindi nai-train ng maayos ang mga staff niya.
Although, on his part, he did not feel any regret. Pero malaking eskandalo pa rin iyon para sa Hotel Strata kung sakaling kumalat at may makaalam kaya bago pa man mangyari iyon kailangan na niyang maagapan.
“Pabalikin mo ‘yong receptionist na nagkamali kagabi but give her a one week suspension. Hindi mo siya pwedeng hayaang mawala rito dahil siya ang may kasalanan sa nangyari kapag naghabol ang babaeng kasama ko kagabi walang ibang babagsakan kung hindi itong hotel.”
“Sige po, Sir, tatawagan ko po kaagad,” mabilis namang sagot nito pagtapos ay lumabas na siya roon saka bumalik sa opisina niya.
Pagbalik niya ay nandoon na si Martha. “Akala ko po, Sir, hindi pa kayo kakain kaya bumalik po ako agad,” salubong naman nito sa kaniya.
“Ms. Valdez, tawagan mo si Ulysses may importante akong ipapagawa sa kaniya,” utos niya rito bago siya tuluyang pumasok sa opisina niya.
Pagkaupong-pagkaupo niya ay tumawag agad siya sa security personnel niya para makahingi ng copy ng CCTV kagabi. Kailangan niyang makakuha ng mas malinaw na picture ng babaeng kasama niya kagabi.
Iyon na lang halos ang inasikaso niya at hindi na siya makapag-focus sa trabaho niya, Hindi rin niya maintindihan kung ano ba talaga ang gusto niyang malaman. Sa dami ng iniisip niya ay napasandal na lang siya ulit at pumikit, lalong sumasakit ang ulo niya sa biglang problemang dumating sa kaniya.
Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nakasandal at nakapikit nang may marinig siya mahihinang katok. “Pasok…” usal niya pagtapos ay umayos na siya ng upo.
“Sir, nandito na po si Sir Ulysses,” sabi ni Martha pagbukas ng pinto.
“Sige, papasukin mo na siya,” aniya.
“Good afternoon, Sir,” bati rin sa kaniya ni Ulysses nang makapasok. “May ipapagawa raw kayo sa ‘kin?”
“Yes, maupo ka,” sabay turo niya sa sofa na naroon sa loob ng opisina niya, tumayo naman siya dala ang printed copy ng screenshot na nakuha niya mula sa CCTV. “Gusto kong hanapin mo ang babaeng ito. Wala akong kahit anong details niya pero she was connected with Charles Sebastian.” Dinampot naman nito ang mga papel na inilapag niya sa harapan nito. “Kung makakakuha ka ng kahit anong details tungkol sa kaniya ibigay mo agad sa ‘kin.”
“Sige po, sir, i-update ko na lang po kayo, ito lang ba ang gusto niyong sabihin sa ‘kin?
“Oo, sa ngayon, ‘yan lang muna, gusto ko lang din talagang malaman kung nasaan at sino ‘yang babae na ‘yan.” Dahil hindi niya maintindihan kung bakit may kakaiba siyang nararamdaman para dito. That was really unusual. Kaya naman hindi niya maipaliwanag. “Every small details about her,” mahinang sabi pa niya habang nakatingin sa mukha nitong naka-print sa papel.
“Sige, sir, kukunin ko na ‘to,” paalam na sa kaniya ni Ulysses.
“Sige, kung may tanong ka pa tawagan mo lang ako.” Pagtapos ay doon niya naalalang kapain ang cellphone niya. “Teka, nasaan nga ba ‘yong cellphone ko?” tanong niya sa sarili dahil maghapon na niyang hindi nahahawakan iyon. Sa sobrang pagiging busy niya ni hawakan iyon ay hindi na niya magawa. “Sa tingin mo ba gaano katagal mo bago mahanap ang babaeng ‘yan?”
“Nagmamadali po ba kayo, sir? Kasi sa information na ibinigay ninyo medyo mahirap hanapin ito. Charles was very common name same as the Sebastian’s last name.” Muli siyang napatingin sa mukha nitong naka-print sa papel.
“If you can make it as soon as possible dahil nagmamadali talaga ako.”