“ARIYAH, nandyan na si Zac at may mga aayusin pa raw kayo para sa nalalapit ninyong engagement party,” wika ng Mama niya sa kaniya nang makapasok sa loob ng kuwarto niya.
“I feel so dizzy, Ma, wala ako sa mood ngayon na umalis,” tinatamad na wika niya habang nakatalikod sa gawi nito. Nakahiga pa rin kasi siya sa kama niya at kahit pilitin niya ang sarili na bumangon ay nahihilo talaga siya. Sinabayan na naman kasi niya ang puyat ni Zac kagabi kaya kulang na naman siya sa tulog.
It’s been two months mula nang mangyari ang gabi na pinakaayaw na niyang balikan. At dahil doon parang nawalan siya ng gana sa buhay niya dahil pakiramdam niya ang dumi na niyang babae para kay Zac. Hindi rin naman niya magawang sabihin dito at sa mga magulang niya kung ano ang nararamdaman niya dahil siguradong isusumpa lang siya ng mga ito.
“Iintindihin mo pa ba ‘yang hilo mo, eh, nandyan na ‘yong tao!” Galit na wika nito sa kaniya kaya napabuntong-hininga na lang siya saka bumangon sa higaan niya. Kahit kailan talaga hindi niya pwedeng ipagpilitan kung anong nararamdaman niya. Lagi mas mahalaga sa mga magulang niya kung ano ba ang sasabihin at kung anong nararamdaman ni Zac.
“Sige, Ma, pakisabi lang na magbibihis ako saglit,” walang emosyon na wika niya sa ina kahit ang totoo ay gustung-gusto niyang umiyak sa harapan nito.
“Sige, ‘yong floral na blue dress ang suotin mo dahil kasama niyo yata ang Mommy ni Zac ngayon,” bilin pa nito sa kaniya bago tuluyang lumabas ng kuwarto niya.
At hindi na niya namalayan ang pagpatak ng luha niya, awang-awa siya sa sarili niya hindi niya alam kung bakit. At saka sa tagal naman na ganoon ang sitwasyon niya hindi niya maintindihan kung bakit ngayon pa siya talaga naawa sa sarili niya.
Huminga na siya ng malalim at kinalma ang sarili. Nagbihis na siya at inayos ang sarili. Pagbaba niya ay nakangiti siyang sinalubong ni Zac kaya naman napilitan din siyang ngumiti.
“Let’s go, love, kanina pa tayo hinihintay ni Mommy,” aya nito sa kaniya pagtapos ay bumaling sa Mama niya. “Tita, una na po kami ihahatid ko na lang ulit si Ariyah dito sa inyo,” paalam na ng binata rito.
“Sige lang, hijo, wala namang problema sa amin,” usal naman nito sa napakalapad ng pagkakangiti. “Ingat kayo, ha!”
“Bye, Ma,” paalam na rin niya sa ina pagtapos ay humalik pa siya sa pisngi nito.
Hinawakan ni Zac ang kamay niya at nakaalalay lang ito sa kaniya hanggang sa makarating sila ng sasakyan.
“Bakit ba ang tagal-tagal niyo, Zac?” Galit na tanong ng Mommy nito ng pagbuksan siya ng pinto nito. Sa backseat siya pinaupo nito dahil ang Mommy nito ang nasa passenger’s seat.
“Good morning po, Tita,” magalang pa ring bati niya rito kahit na alam niyang hindi maganda ang umaga nito.
“May inayos pa kasi kami, Mom,” wika naman ni Zac nang makasakay na ito sa driver’s seat.
“Hay naku, Zac, huwag mo na ngang pinagtatakpan ‘yang girlfriend mo!” Galit na sabi nito sa binata. “Alam ko naman na pinagtatakpan mo lang ‘yan, eh.” Walang prenong sabi nito. She was trying to calm herself dahil ayaw naman niyang umiyak sa harapan nito.
“Mom, can you please let this one pass? Masama kasi ang pakiramdam ni Ariyah kaya medyo natagalan siya,” mahinahong sabi pa rin ni Zac.
“Ano pa nga bang magagawa ko? Eh lagi ko namang pinalalampas ‘yang girlfriend mo. Let’s go at marami pa ‘kong gagawin!” Naiinis pa ring wika nito kaya pinaandar na ni Zac ang sasakyan. Hindi nga rin niya alam kung bakit pa ito sumama sa kanila samantalang engagement naman nila iyon ni Zac kaya dapat silang dalawa lang ang nag-aasikaso noon.
Tahimik lang silang lahat habang nasa biyahe malapit na ang engagement at ang kasal pero hindi pa rin at ease ang pakiramdam niya sa Mommy ni Zac. Hindi pa niya ito asawa pero katakot-takot nang masasakit na salita ang inabot niya rito. Pero dahil sa pagmamahal niya kay Zac ay handa niyang tiisin ang lahat ng iyon.
Pagdating nila sa boutique kung saan siya bibili ng damit para sa gaganaping engagement party ay nakaalalay pa rin sa kaniya si Zac, alam naman niyang sinabi rito ng Mama niya na masama ang pakiramdam niya.
“Love, pili ka na, then let’s decide kapag may nagustuhan ka,” malambing na wika ni Zac kaya naman nagsimula siyang mag-ikot at tingnan ang bawat damit na naka-display roon. Nakasunod at nakamasid lang sa kaniya ang binata pati na rin ang Mommy nito.
Isang dress ang nakakuha ng atensyon niya at agad niyang nilapitan iyon. Nakasuot kasi iyon sa isa sa mga mannequin naroon. It was a white long dress na-off shoulder pero loose ang sleeve hanggang sa wrist. Feeling niya kapag suot niya iyon para siyang diwata.
“Zac, this is what I want,” kumikinang ang mata na wika niya sa nobyo, nilapitan din naman iyon ni Zac at ng mommy nito. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya nang makitang hindi nito gusto ang napili niyang iyon.
“Can you try to choose another one, love?” tanong nito sa kaniya. “Hindi ko gusto ang gown na ‘yan para sa ‘yo at tingin ko marami pang mas maganda rito,” wika pa nito habang itinuturo ang mga gown na nasa bandang likuran nila.
“I agree with, Zac,” usal naman ng Mommy nito. “That dress was too simple, at para nga lang mabibili sa ukay-ukay,” walang preno na sabi nito kaya nagkatinginan din ang ilang staff ng boutique na naroon.
“Uhmm, sige, ikaw na lang ang pumili para sa ‘kin. Medyo nahihirapan kasi akong pumili dahil nga nahihilo pa ‘ko,” palusot na lang niya pero ang totoo ay nawalan na siya ng gana. Lagi lang naman kasing sinasabi ni Zac na ganoon, sige pumili siya or sige gawin niya lang kung anong gusto niya pero in the end ito naman lagi ang nasusunod at sanay na siya roon.
“Okay, sa tingin ko bagay sa ‘yo ang isang ‘yon,” wika nito sabay turo sa isa pang dress na nakasuot din sa mannequin na nasa kabilang part ng boutique.
Kulay light pink iyon na may v-neck line at ang sleeves ay hanggang siko lang. Lace ang tela at may may sequins na nagpapakinang sa gown.
“Sige, ‘yan na lang,” mabilis naman na pagpayag niya.
“Miss, pakikuha nga ‘yon para ma-fitting niya,” pakisuyo nito sa sales lady na nakatayo sa tabi nila. Hindi na rin naman tumutol ang Mommy ni Zac kaya isinukat na niya iyon. Tinulungan pa siya ng sales lady na isuot iyon dahil nasa likod ang zipper at ayaw naman siyang tulungan ng Mommy ni Zac.
“‘Yan!” nakangiting wika ni Zac nang lumabas na siya sa fitting room suot-suot ang gown na pinili nito para sa kaniya. “Mas maganda at mas bagay sa ‘yo.” Pagtapos ay bumaling ito sa sales lady. “Sige, Miss, kukunin na namin ‘yan.”
“Okay, sir,” tugon naman nito pagtapos ay sinamahan siya ulit na magbihis.
Nang maikahon na nito ang gown ay lumabas na sila roon para naman bumili ng sapatos niya.
“Mamaya na tayo bumili ng sapatos, kumain na muna tayo dahil nagugutom na rin naman ako,” wika ng Mommy ni Zac at bago pa sila makasagot ay pumasok na agad ito sa unang restaurant na nadaanan nila.
Pagpasok pa lang ay hindi na niya gusto ang amoy at parang mas lalong umiikot ang paningin niya dahil sa amoy na iyon. Mahigpit naman siyang napahawak sa kamay ni Zac.
Nang makaupo sila ay nilapitan sila agad ng waiter. Pinipilit niyang kalmahin ang sarili para hindi siya masuka. Abala si Zac at ang Mommy nito sa pagtingin sa menu.
“Love, anong gusto mong order?” tanong sa kaniya ng binata habang nakatingin pa rin sa menu.
“Ikaw na lang ang bahalang pumili, love, pero parang gusto ko ‘yong may sabaw dahil masakit ang lalamunan ko,” tugon naman niya.
“Okay,” usal nito pagtapos ay bumaling sa waiter. “One order of heat seeker shrimp and slow barbeque pork with fried rice then one order of salmon soup and Szechuan ribs for her. Sa ‘yo, Mom, anong order mo?” baling naman nito sa ina.
“One Thai peanut chicken and spicy cucumbers for me. Please paki-serve agad dahil gutom na ‘ko.”
“Okay, Ma’am, for a while,” paalam ng waiter sa kanila.
Dahil masama talaga ang pakiramdam niya ay hindi na siya makapagsalita. Lalong nakasama sa pakiramdam niya ang kakaibang amoy sa loob ng restaurant na iyon.
Ilang saglit lang ay nai-serve na rin naman agad sa kanila ang pagkain nila. At nang mailapag na sa harapan niya ang pagkain niya ay hindi niya napigilang mapaduwal. Salubong ang kilay na napatingin sa kaniya ang Mommy ni Zac.
“Love, are you okay?” nag-aalalang tanong nito sa kaniya pero hindi pa siya nakakasagot at naduwal na naman siya. Mabilis siyang tumayo para pumunta ng restroom at hindi na niya nagawang magpaalam dahil hindi na niya kayang pigilan iyong duwal niya. Very uncommon sa kaniya iyon kaya naninibago rin siya.
Nang makalma na niya ang sarili ay naghilamos lang siya. Kahit paano medyo gumaan ang pakiramdam niya nang makasuka siya. Paglabas niya ay nag-aabang sa kaniya si Zac sa labas ng rest room.
“Okay ka lang ba talaga?” nag-aalala pa ring tanong nito.
“Oo, okay lang ako, hindi lang siguro ako natunawan,” wika naman niya. Inalalayan pa rin siya nito hanggang sa makabalik sila sa table nila. Salubong pa rin ang kilay ng Mommy ni Zac at hindi maganda ang tingin nito sa kaniya.
“Are you pregnant, Ariyah?” pareho naman silang nagulat ni Zac sa tanong nito.
“What, Mom? That’s impossible dahil hindi pa naman namin ginagawa ‘yang iniisip mo,” mabilis namang sagot ni Zac.
“Well, tinatanong ko lang dahil ganiyan na ganiyan ako nang magbuntis ako sa ‘yo,” taas-kilay pa ring sabi nito habang parang sinusuri pa rin siya nito. “Kaya ako na ang nagsasabi sa ‘yo, Zac, alamin mo kung anong nangyayari diyan sa girlfriend mo.” Naiiling pang wika nito.
Bahagya siyang kinabahan sa sinabi nito, natatakot siya na baka malaman nito kung ano ba talaga ang nangyari sa kaniya.