“OH, anong nangyari?” salubong ang kilay na tanong ni Zoey kay Zac nang papasok na ito ng opisina nito. Naghintay talaga siya roon dahil alam naman niyang hindi ito magtatagal. Nang sabihin kasi nitong kausap na nito si Ariyah ay tinawagan niya agad si Chase para makita nito sa akto ang pag-uusap ng dalawa. “Ayon! Muntik lang naman akong mabalian dahil sa kagaguhan mo!” bulyaw nito sa kaniya habang hinihilot ang braso nito. “Bakit? Ano bang nangyari?” salubong ang kilay na tanong niya. “Nang makita ‘ko ni Chase na hawak ang noo ni Ariyah, halos baliin lang naman niya ang kamay ko!” Galit na sigaw nito sa kaniya habang nakataas pa ang isang kamay nito. “Hindi siya kay Ariyah nagalit? Sa ‘yo siya nagalit?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Oo at si Ariyah pa ang nakaawat sa kaniya s

