“TEKA, Doc, hindi ko maintindihan?” naiiyak nang tanong ni Ariyah. “Hindi ba kayo na rin ang nagsabi na six weeks na ‘kong pregnant? Paanong nangyari ngayon na hindi ako buntis?” “Yes, Ms. Medrano, and that was our mistake, and we are sorry for that. Kung gusto naman ninyo ay pwede kayong manghingi ng second opinion or we can have your beta hcg test para mas makasigurado. Pero upon reading your ultrasound, there are no trace of pregnancy.” “Pero paanong nangyari ‘yon, Doc? Hindi rin naman ako dinadatnan ng monthly period ko, nahihilo at nagsusuka ako?” “That was also a sign of stress, Ms. Medrano, kung masyadong mataas ang stress level mo nakakaapekto rin iyon sa hormones mo. At doon nagre-react ang body mo. We are willing to pay for the damages.” “Pay for the damages?” hindi makapaniw

