PAGPASOK ni Ariyah ng kuwarto niya ay hawak ni Chase ang picture frame na nasa gilid ng kama niya. “Hindi ka pa uuwi?” tanong niya sa binata. Napatingin naman ito sa kaniya saka ibinalik ang hawak niyang picture frame sa bed side table niya. “Uuwi na, hinintay lang talaga kita,” usal naman nito saka humakbang palapit sa kaniya. Buong akala niya ay lalampasan siya nito kaya ibinaba niya muna ang tubig sa cabinet na nasa gilid ng pintuan ng kuwarto niya. Pero nagulat siya nang bigla siyang higitin ni Chase at marahang isinandal sa pader. “Chase!” Gulat na gulat na tawag niya sa pangalan nito. At nang magtama ang mga mata nila ay kitang-kita niya ang kakaibang pagnanasa sa mga mata nito. “Paano kaya kung dito na lang ako matulog?” tanong nito habang ikinakawit ang ilang buhok niya sa li

