Alas singko ng umaga,simula nanaman ng bagong araw ni Bon upang maghanda ng sarili papasok sa pinapasukang canteen.Si Bon,isang kusinero sa canteen ng isang pribadong eskwelahan.Sa edad niyang 21 naging bihasa na sya sa pagluluto ng ibat ibang klase ng lutuin,mapa lokal man at mapa ibang lahing pagkain.Bata pa lamang sya ay nahilig na sya sa pagluluto kaya mabilis syang naging bihasa sa mga lutuin.Ito ang dahilan kung bakit giliw na giliw sa kanya ang kanyang mga kasamahan sa trabaho,bukod sa mabilis na pagkilos ay masasarap din ang kanyang inihahandang pagkain.Meron itong payat na pangangatawan kaya sino man ang makakilala sa kanya ay hindi aakalain na isa itong kusinero na may maliksing kilos,kaya nitong makipagsabayan sa mga sinasabing chef o mga nag aral sa esklusibong paaralan ng culinary arts.
Nakarating sya sa canteen ng eskwelahan upang simulan ang kanyang trabaho.Pag pasok nya ng pinto papuntang kusina sinalubong sya ng kanyang manager na si Wendel "o Bon nandito ka na pala,tamang tama ang dating mo Nagpatawag kasi ako ng isang emergency meeting upang mapagusapan ang plano sa itinatayong bagong eskwelahan sa Cebu". Agad silang pumasok sa managers office kasama ng iba nyang kasamahan sa trabaho. Nang maupo sila nagsalita ang manager na si wendel,"Nais kong ipaalam sa inyo na magbubukas na sa susunod na buwan ang bagong tayong eskwelahan sa Cebu,nais ng may ari na si Mr. Canlas na dalawang kusinero mula sa atin ang ipapadala sa cebu upang magsanay sa mga bagong tauhan na magiging empleyado sa eskwelahan.
Skylark Academy isang kilalang pampribadong eskwelahan na mayroong walong branches sa luzon.Naisipan ng may ari na si Mr. Canlas na simulan na ang pagpapalawig nito sa Visayas at bilang panimula sa Centro ng kabisayaan ang kanyang unang itinayo upang mabilis itong makilala.
Si Wendel ay muling nagsalita" Dahil tayo ang Main Branch sa atin pinagkakatiwala ang pagsasanay ng mga bagong empleyado sa kanyang eskwelahan" sasagutin ni Mr.Canlas lahat ng gastusin at magbibigay ito ng malaking bonus sa mga ipapadala sa Cebu. Bon sayo ko pinagkakatiwala ang trabahong ito,pumili ka ng makakasama mo at bukas na bukas ipapahanda ko na ang mga kakailanganin niyo pati na ang tutuluyan nyo sa Cebu.