Kabanata 2

359 Words
Natahimik at napanganga na lang si Bon sa sinabi ni manager Wendel. Pinagiisipan nyang mabuti kung sino ang tamang tao para maisama nya. Samantala..si Lester,katrabaho ni Bon at isang maasahan na kitchen assistant.Agad na bumalik sa trabaho upang magbalat ng mga gulay na kakailanganin sa pagluluto.Sya ang napipisil ni Bon na maging partner sa Cebu,bukod sa masipag at mabilis din kumilos alam nyang maaasahan ito sa mga gawaing kusina.Bukod sa malapit sila sa isat isa,ang probinsya nitong si Lester ay Leyte kaya naisip ni Bon na sanay ito sa kabisayaan at ito ang aalalay sa kanya sa bagay bagay na dapat nyang malaman pag dating sa lugar na iyon. Agad na nilapitan ni Bon si Lester habang nagbabalat ito ng mga gulay."Tol ayos lang ba sayo kung ikaw ang makasama ko sa Cebu?" wika ni Bon habang papalapit na naglalakad. "Aba'y oo naman tol" mabilis na sagot ni Lester. Magiging maayos ito kung tayo ang magiging partner dahil sa 6 na taon na tayo magkasama sa trabaho at pareho natin kabisado ang galaw ng isat isa' mabilis na sabi ni Bon. Lumipas ang maghapon ng pagtatrabaho at dumating sa bahay si Bon.Nadatnan nya ang kanyang lolo na nagkakapeng nakaupo sa gilid ng puno na ginawan lang ng lamesitaAgad naman nya itong binati at nagmano. Umupo sya sa tapat nito at nagsimulang magkwento tungkol sa nangyari sa kanyang trabaho at ang pagpili sa kanya upang pamunuan ang pagsasanay ng mga bagong empleyado sa kusina na magbubukas sa susunod na buwan. "Apo magiingat ka sa kabisayaan" wika ng kanyang lolo sabay higop sa kanyang iniinom na kape. "Oo naman po lo,tsaka dalawang buwan lang naman ang aming itatagal doon" mabilis na sabi ni Bon. "Alam mo apo maraming bagay pa ang dapat mong malaman sa iyong mundong ginagalawan,ito ay puno ng hiwaga at misteryo. Maraming bagay bagay na na nangyayari na mahirap ipaliwanag" tugon ng kanyang lolo na si Mario. Ang kanyang lolo na si Mario ay edad 85 na ngunit nanatiling malakas at matikas ang pangangatawan. Hindi mo ito makikitaan ng kahit kaunting kahinaan. Hindi rin ito gumagamit ng tungkod sa kanyang paglalakad at may liksi pa rin itong kumilos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD