Kabanata 3

389 Words
Nakatingin si Bon sa kayang lolo Mario,May tumatakbo sa isip nya... Ano kayang sikreto ng aking lolo at kung bakit sa kanyang edad ay katangi tangi pa rin ito at napapanatili ang malakas na pangangatawan?bulong ni Bon sa kanyang isipan habang palihim na sumusulyap sa kanyang lolo Mario. Noong nakaraang araw,hindi sinasadyang mapagawi sya sa likod ng kanilang bahay upang kuhain ang mga kahoy na ginagawang uling ng kanyang lolo Mario upang maibilad sa araw. Sa di kalayuan napansin nya ang kanyang lolo na buhat sa kanyang balikat ang nagtatabaang katawan ng puno. Natulala sya at tila ba ay nakakita ng multo dahil di nya nagawang maalis ang kanyang paningin sa kanyang lolo na walang kahirap hirap na naglalakad habang pansan pasan ang Tatlong katawan ng puno ng ipil ipil. Agad sumagi sa kanyang isipan na paano ito naging posible?na ang matandang lalaki ay walang kahirap hirap na pasanin ito ng ganun ba lang habang pasipol sipol pa habang naglalakad. Na kung tutuusin ay kahit na dalawang matipunong lalaki pa ang magbuhat nito ay alam nya na mahihirapan dito. Ito lang ang kanyang naiisip kung saan galing ang ganoong pambihirang lakas ng kanyang lolo habang tinitignan itong humihigop ng kanyang kape. Nang biglang nagsalita ang kanyang lolo "Apo,siguro ay ito na ang tamang panahon para sa iyo ang malaman ang lahat ng bagay na kailangan mapapunta sa iyo" wika ng kanyang lolo na nakatingin ng seryoso sa kanya. "Ano po ang ibig ninyong sabihin lo?" Agad na sagot dito ni Bon. "Ang ating lahing pinagmulan ay nagtataglay ng mga karunungang hindi hayag sa normal na tao. At dahil ikaw ang panganay na apo at karapat dapat ka sa biyayang ito ng Diyos." Agad na tumayo ang kanyang lolo at sinabing "halika,sumunod ka sa akin" Dali dali namang tumayo sa kanyang kinauupuan si Bon upang sundan ang kanyang lolo. Dumeretso ito sa kanyang silid na nakasunod lang si Bon. Agad syang pinaupo ng matanda sa gilid ng kanyang katre. May kinuha ito sa loob ng kanyang aparador na isang di kalakihang kahon na kahoy. Ang sukat nito ay maihahalintulad sa isang box ng baterya ng sasakyan. Binuksan ito ng matanda at agad namang inilabas ang isang libretang kulay pula.kasunod nito ay isang hugis parisukat na medalyon na may mga nakaulit na letra na hindi naman mauunawaan ang mga nakasulat dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD