Sa nakatulalang si Bon sinabi ng kanyang lolo na.. "tanggapin mo ito bilang ikaw ang tagapagmana nitong mga kayamanang galing sa diyos ama dapat mo na itong pagsanayan at mas palakasin. Nasa iyong heneresyon ang pagbukas ng lagusan mula sa kabilang dimensiyon na pilit pinipigilan ng mga dalubhasang antingero upang maiwasang mapasok tayo ng mga masamang nilalang mula sa mundo ng mga engkantong kaanib ng dilim."
"Ngunit mayroon ng ilan sa mga ito ang mga nakapuslit at ngayon ay nagsisipagtago at nagpapalakas. At kapag sapat na ang kanilang naipong lakas sila at maghahasik ng kasamaan sa sangkatauhan."pagpapatuloy ng kanyang lolo Mario.
Pigil hininga pa rin si Bon sa mga naririnig nyang pagpapaliwanag ng kanyang lolo.Hindi nya lubos maintindihan ang mga tinuran nito na nagbigay sa kanya ng blangkong ekspresyon.
Nang tinignan nya ang maliit na kulay pulang libreta,laking pagtataka nya nang buklatin ito sa bawat pahina ng libreta na ni isang letra ay wala man lamang siyang nakita sa mga ito.
Bumaling ang tingin nya sa kanyang lolo Mario na parang nagtatanong na ekspresyon ang pagkakatingin nito.
Tumawa lang ng mahina ang matanda at nagtanong "ano ang nabasa mo apo?"
"Lo blangko naman po itong ibinigay mong libreta"sagot naman ni Bon.
"Oo dahil wala ka pang sapat na kakayahan upang makita ang mga nilalaman nito,sa takdang araw na ikaw ay ganap na na antingero saka lamang magpapakita sa iyo ang mga salitang nakapaloob dito"wika naman ng kanyang lolo Mario.
Kinuha naman nya ang medalyon na inabot ng kanyang lolo Mario. Napansin nya na bahagya itong umiinit ng mapadikit ito sa kanyang palad.at nang tignan nya ito mababasa ang salitang
SATOR
AREPO
TENET
OPERA
ROTAS
Habang binabaybay nya ang bawat salita kapansin pansing parepareho ang mga salitang ito kahit na balibaliktarin ang pagkakabasa mapa-pakanan, mapa-pakaliwa,pataas at pababa.
Tinitigang maigi ni Bon ang mga letra at napagtanto niya na ang mga unang pababang mga titik ay nakaukit ng palubog ngunit ang kalahatan ay nakaangat. Nangangahulugan na mayroong dapat na mailagay sa mga titik na ito upang magpantay