Kabanata 5

407 Words
Oo apo...tama ang pumapasok sa iyong isipan na kailangang punan ang mga unang titik ng bawat salita na nakapaloob sa medalyong iyan upang lumabas ang tunay na lakas nito sa oras na makumpleto mo iyan magagamit mo anumang oras ang buo nitong kakayahang makontrol ang mga elemento. Apoy,hangin,tubig at lupa yan ang unang apat na pangunahing elemento."wika ng kanyang lolo. Agad namang napaisip si Bon dahil alam nya at ninuman na apat lang naman talaga ang mga elemento na umiiral sa ating mundo.bakit ito naging lima?tanong nya sa kanyang isipan. kaya naman nagtanong agad sya na may pagtataka sa kanyang lolo Mario. "Lolo ngunit ito po ay lima,ano po ang isa?" "Hahahahaha ang ikalima ay isang espesyal na elemento na hindi kayang hawakan ng kahit na sinong ordinaryong nilalang. ito ay ang kidlat o kuryente" Sa oras na makuha mo ang bertud nito walang kahirap hirap mo mapapasunod ang elementong ito. "Lahat ay pinaghihirapan,pinagsusumikapan, magtiyaga at may mapapala. Maging mapagpakumbaba upang kasihan ka ng mga gabay at higit sa lahat ng ating ama na makapangyarihan sa lahat."dagdag pa ng kanyang lolo Mario. "Magsimula ka sa biyernes alas sais ng umaga at alas sais ng hapon gamit ang mga dasal na ito malilinis ang iyong sarili upang maging kalugod lugod sa mata ng Diyos,upang ihanda ang iyong sarili na tumanggap ng kanyang lihim na karunungan laban sa kampon ng kasamaan". ANIMA CHRISTI ito ang tinutukoy ng kanyang lolo Mario. "Apatnapung araw,yan ang nakatakdang pagdedebusyon upang ihanda ang iyong sarili.kapag natapos mo ito pumunta ka kinabukasan sa pinakamalapit na talon at doon umupo ka sa pinaka sentro ng bumabagsak na tubig habang pinakikiramdaman ang iyong sarili. Bago pa magbukang liwayway dapat ay naroon ka na hangang magtakip silim." Pagpapaliwanag ng kayang lolo at tinapos ang kanilang usapan ng iabot ang lumang kahon. Dumeretso sya sa kanyang silid upang itago ang kayamanang ibinigay ng kanyang lolo at isinuot ang medalyon na bigay nito. Humiga muna sya habang nagiisip sa mga sinabi ng kanyang lolo na hindi pa rin halos makapaniwala dahil ngayon lang sya nakarinig ng mga ganitong bagay. Unang una hindi ito sumagi sa kanyang isipan kailanman. Pangalawa ay di sya naniniwala sa mga kababalaghan dahil hindi pa nya nararanasan ang mga bagay na ito mula ng sya ay punanganak. Gaano ba ito katotoo? Tanong nya sa kanyang sarili at di maiwasang magduda,na kung malalaman ng iba ay baka pagkamalan pa siyang nababaliw o gumagamit ng pinagbabawal na gamot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD