Kabanata 6

400 Words
Kinabukasan... Kasalukuyan syang nagluluto ng lumapit sa kanya ang manager na si wendel. "Bon kumusta?sino nga pala ang iyong napiling isama upang maging katuwang sa pagsasanay ng mga bagong tauhan sa Cebu?gagawin ko kasi ang susunod na schedule para maiayos ko ito." Bungad sa kanya ng kanyang manager na si Wendel. "Sir si Lester ang aking napili na maging kapartner sa Cebu. Nagkausap na din po kami tungkol dito at agad naman siyang pumayag" agad naman na sagot ni Bon. "Mabuti kung ganoon,aakyat ako mamaya sa Board room para sa meeting at ipapaayos ko na ang inyong mga kakailanganin sa inyong pag alis"sabi ni manager Wendel. Sa Board room kasalukuyang nagaganap ang pagpupulong... "Naayos na ba lahat ng kailangan para sa ipapadalang kusinero sa Cebu?"tanong ni Mr. Canlas "Narito na po sir ang mga papeles na kailangan niyong pirmahan at ayos na rin po ang lahat pati tutuluyan nila sa Cebu."agad namang sagot ni Wendel At agad na kinuha ang mga dokumento at pinirmahan.. Inabot ni Mr. Canlas ang kalahati ng bonus at kabuuang gastusin sa loob ng dalawang buwan,at agad na tinapos ang pagpupulong. Bumalik sa kanyang opisina si manager Wendel at agad pinatawag si Bon at Lester upang ma-finalize ang mga planong nakalatag. Inabot din ni manager Wendel ang paunang bonus at kabuuan ng pera para sa mga pangangailangan nila sa loob ng dalawang buwan kasama na ang ilang mga papeles na kakailanganin nila. Nagsalita si Manager Wendel "Plane ticket na lang ang kulang para sa inyong nakatakdang pag alis,sa susunod na araw aasikasuhin ko ito para maging plantsado na ang lahat..Ang Bahay na inyong tutuluyan ay isa sa mga rest house ni Mr. Canlas,naroon ang kanyang mga caretaker na aalalay sa inyo habang nandoon kayo.Kaya wala kayong dapat na alalahanin pa. Agad na nagpasalamat ang dalawa at lumabas ng opisina ni manager Wendel. Oras ng uwian nila ng mapagdesisyunan nilang magsabay at tumambay muna sa bahay nila Lester upang makapagusap sa mga bagay na posibleng mangyari sa kanilang pansamantalang paglipat ng lugar ng trabaho. Dumaan sila sa isang tindahan at bumili si Lester ng isang kwatro kantos,delata na tuna at ilang chichiria.. Nakasanayan naman na nila ang ganitong set up,minsan sa bahay nila Lester,kila Bon o minsan sa iba nilang kasamahan sa trabaho.hindi naman sila malalakas uminom,kadalasan ay sapat sa kanila ang isang bote ng kwatro kanto upang makapagpalipas ng oras at makapagrelax,saktong pampatulog ba ika nga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD