Kabanata 7

350 Words
Sa bahay nina Lester,nakapwesto sila sa labas na may isang bilog lamesa at apat na upuan ang nakaikot dito habang napapaligiran sila ng mga halamang nakapaso. Habang nasa ibabaw naman ng lamesa ang kanilang iniinom na kwatro kantos at delatang tuna na nilagyan ng biscuit na skyflakes at ilang kutkuting chichiria.. Kalahati pa lang ang kanilang naiinom ng madako ang kanilang usapan sa kababalaghang mga bagay. "Tol okay lang kaya tayo sa Cebu?makabalik pa kaya tayo ng buhay?" Biro ni Bon na habang tumatawa ng malakas... "Hahahaha....sabay tawa rin ni Lester at sabi ng loko ka tol,syempre naman,tayo pa ba? "Diba may mga aswang doon tol?" seryosong tanong ni Bon kay Lester "Ano ka ba naman tol?sa panahon natin ngayon walang mga ganoong aswang aswang."Ang agad naman sagot ni Lester "Hayaan mo tol Hihingi tayo ng pangontra sa tito ko,may mga agi-agimat kasi yun kaya tiyak ko mayroon syang maibibigay sa atin." dagdag pang wika ni Lester "Talaga?meron din mga agimat ang tito mo? kasi yung lolo ko meron din,sa totoo lang ito oh" (sabay pakita ng nakakwintas sa kanyang medalyon na bigay ng kanyang lolo mario) ito ay binigay sakin ng aking lolo kahapon lang,kaso parang napaka kumplikado naman ang magtaglay ng ganito...marami ka palang kailangan gawin. Pagpapaliwanag ni Bon. Sa di kalayuan mayroong isang hindi katandaang lalaki ang paparating. Nang masipat ito ni Lester papasok sa kanilang bakuran,agad naman niya itong namukhaan.. "Aba si tito Renato yung paparating ah...kita mo nga naman ang pagkakataon,ngayon lang natin sya pinguusapan ay nandyan na kaagad" ang sabi Lester. Agad naman itong lumapit sa kanila nang makita silang nagiinuman at nagkamustahan.. Itong si Renato ay kasalukuyang naninirahan sa Batangas kaya nagtaka naman si Lester kung nandito siya ngayon sa Laguna. ito ang tinutukoy nya na may mga agimat. At kapansin pansin ang matikas nitong pangangatawan. Siya ay may tangan ng isang trespikong tanso, ito ay medalyon na mayroong tatong letrang A sa bawat sulok nito at mayroong nakaukit na mata sa gitna. maryoon din itong mga nakabaong mutya sa kanyang kanang braso at mayroong din itong mga tatto na puro salitang latin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD