Si Renato ay umupo ng bigyan ito ng isang tagay upang makipagkamustan sa pamangkin nitong si Lester..
Ipinakilala naman ni Lester ang kanyang kaibigan na si Bon na kanyang kasamahang kusinero sa kanilang pinapasukang eskwelahan.
"Kumusta po kayo?" magalang na tugon ni Bon sa kanyang tito Renato.
At agad namang nabaling ang tingin nito sa kanyang suot na kwintas at sinabing
"Ang medalyon ng SATOR.. Saan mo nakuha iyang suot mong Medalyon iho?"
"Bigay po ito sakin ng aking lolo Mario" ang simpleng sagot ni Bon dito.
"Oo sya nga,si ingkong Mario ang nangangalaga sa medalyon na yan. Nagkakilala na kami ng iyong lolo matagal na panahon na ang nakalipas. Masasabi ko napakalakas ng taglay na abilidad ng iyong lolo..Minsan na kaming nagkasama sa isang mahalagang misyon sa probinsiya ng Samar. Siya ang namuno sa aming pakikipag digmang esperituwal sa mga mangkukulam at mambabarang noong ako ay 24 anyos pa lamang. Sobrang lakas na Espirituwal na kapangyarihan ang kanyang ipinamalas upang magapi namin ang mga kampon ng masama. Hindi ko akalain na muli kaming pagtatagpuin sa pamamagitan mo iho. Sadyang napaka liit ng ating mundo. O sadyang pinahintulutan ng Diyos Ama ang tagpong ito..." Ito ang mahabang pagpapaliwanag ni Renato.
Nanatili naman nakatulala ang dalawa sa kanilang mga narinig na kwento ni Renato. Patuloy silang nagkwentuhan hanggang sa maubos nila ang isang kwatro kantos na inumin.
Agad namang nagpaalam si Bon sa magtiyo upang umuwi at makapagpahinga. At nagbilin dito si Renato ang sinabing sabihan ang kanyang lolo na nagkakilala sila at isang araw ay sasadyain niya ang kanyang lolo Mario. At nagpatuloy na itong naglakad papalayo sa kanila.
Pag dating niya ng kanilang bahay nadatnan niya ang kanyang lolo na naghahapunan at agad na binida sa matanda ang kanyang mga nalaman at bilin ng tito ni Lester na si Renato.
"Siya nga apo? Nagkita kayo ni Reneboy?Hahahahaha..."gulat na sinabi ng kanyang lolo Mario sabay tawa.
"Hindi ko malilimutan ang batang yun,sapagkat siya ang pinaka bata sa amin ng lusubin namin ang barrio ng mga mangkukulam at mambabarang sa isang tagong lugar sa Samar" kaya ang tawag ko sa kanya ay Reneboy Hahahaha" Dagdag pa ng kanyang lolo.
"Sa kabila ng kanyang edad noong panahon na yun,nagpamalas din ito ng kanyang tapang kahit na hindi pa ganoong karami ang kanyang nalalaman sa Lihin na Karunungan,sapagkat ilang taon niya pa lang itong sinasanay. Mainaman at kami ay muling magtatagpo,mula noong naghiwa hiwalay kami pagkatapos ng aming misyon na yun ay hindi na kami muli pang nagkatagpo.