Kabanata 9

326 Words
Kinabukasan araw ng biyernes.. Maagang gumising si Bon upang paghandaan ang unang araw ng kanyang pagdedebusyon. Naligo sya at nagsuot na puting malinis na damit,nagsindi ng dalawang puting kandila sa kanyang maliit na altar sa kwarto at saktong alas sais ng umaga nagsimula itong magdasal. Ang dasal na itinuro ng kanyang lolo Mario,Wikang tagalog na may ilang salitang latin.May kahabaan ito na aabot ng kalahating oras bago mo ito matapos. Natapos naman nya ng maayos at agad na lumabas ng kanyang silid upang mag agahan.Nadatnan nya ang kanyang Lolo sa lamesa at kasalukuyan itong kumakain din ng agahan. "magandang umaga po lo" bati naman nya dito "kumusta?" tanong ng kanyang lolo "Nagawa ko na po ang unang araw ng aking pagdedebusyon,medyo sumakit lang po ang aking ulo pero ayos lang naman po ako" agad na sagot ni Bon. "Normal yan apo,dahil sa mataas na antas ng buhay na salita ang iyong mga inuusal kaya ito nagkakaroon ng epekto sa iyong katawan. Sa umpisa lang yan kapag nakasanayan mo na ito balewala na lang yan." pagpapaliwanag ng kanyang lolo. Sabay silang kumain ng agahan at inutos ng matanda na manguha ng mga sanga ng kahoy na gagawing uling. Sa likod ng kanilang bahay ay maraming ibat ibang klase ng puno,mayroong namumunga at mayroong hindi,dito sila kumukuha ng mga sanga at katawan ng puno upang gawing uling na pinagkakakitaan ng kanyang lolo.Mayroon itong malawak na kalupaan na pagmamay ari pa mula sa sinauna nilang angkan. May kabuuan ito ng dalawampung ektarya na napapaligiran ng ibat ibang puno. Kayamanan para sa kanila ang mga ito,dahil dito sila nabuhay at tanging ito lamang ang pinagkakitaan ng kanyang lolo upang itaguyod sya hanggang sa makapagtapos ito. Maagang pumanaw ang kanyang ina dahil sa pagsilang niya dito.Wala naman siyang kinilalang ama sapagkat inilihim ito ng kanyang ina kung sino ang nakabuntis sa kanya.Tuwing tatanungin ito ng kanyang ama na si Mario tanging sagot lang nito ay tumakas na at huwag ng kilalanin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD