Kabanata 10

388 Words
Sa probinsiya ng Laguna lumaki si Bon na tanging ang kanyang lolo Mario ang kanyang nakasama at kinilala nitong magulang.Sa kabila ng lahat masaya pa rin ang naging takbo ng kanilang pamumuhay. Habang nangunguha ng mga tuyong sanga ng puno... Nakaramdam sya ng pagtaasan ng kanyang balahibo at malamig na pakiramdam. Kahit mataas ang sikat ng araw nakaramdam si Bon ng kakaibang takot luminga linga siya sa kanyang kapaligiran ng biglang mayroon siyang nakitang di matukoy na nilalang sa di kalayuan na natitig sa kanya. Ramdam niya sa kanyang sarili na napalaka lakas ng prisensiya nitong kakaibang nilalang. Nakatayo ito sa tabi ng malaking puno ng acacia, Ginintuang buhok na mahaba, abot ito hanggang baywang walang pang itaas na kauotan kaya makikita mo ang matikas na pangangatawan nito.Hindi pangkaraniwang taas dahil kung tatantiyahin may taas ito na aabot sa walong talampakan.Nakakasilaw na kaputian ang balat nito,bughaw na mga mata,mahaba at matutulis na mga tainga. May nakaputong na koronang gawa sa dahon ngunit kulay pilak ito. Nakasuot ito ng pantalon na may anim na bulsa at boots na sapatos. Kapansin pansin din ang kulay gintong espada na nakasukbit sa kaliwang baywang. Nagtataglay din ito ng may kahabaang mga kuko na hindi naman aabot ng isang pulgada. Agad na natulala sa Bon na nanginginig sa takot ng madako ang kanyang paningin sa nilalang na ito. A...ano ang kailangan mo? S...sino ka? Mautal utal na sambit ni Bon Isang matamis na ngiti ang sinukli ng nilalang at humakbang papalapit sa kanya. Tatakbo na san si Bon ngunit nanigas ang kanyang katawan at di makagalaw. "Hanggat nakatungtong ka sa lupa at mga buhay na bagay galing sa lupa ay nasa ilalim ka ng aking kapangyarihan,magagawa ko ang ang nais ko sa iyo. Hindi ka makakagalaw hanggat nakakapit sa iyo ang mga ugat na gawa ko" "Anong pinagsasabi mo?Maligno ka....... Nagsisigaw si Bon sa takot at humihingi ng tulong" "Sa palagay mo ba talaga mayroong makakarinig sa iyo?naniniwala ka ba na may tutulong sa iyo? Paano? Napatingin siya sa kanyang paa kung bakit di nya ito maigalaw,nagulat siya nang makitang mayroon itong maliliit na ugat na nakapulupot. Nahintakutan siya sa mga nangyayari dahil baka kung anong masamang gawin ang nilalang na ito sa kanya. "Huwag kang matakot, isa akong kaibigan mula kabilang mundo. Mayroon lamang ako nais sabihin sa iyo."sambit nitong kakaibang nilalang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD