Kabanata 11

472 Words
Tumayo ito sa harap nya... "Ako si Haring Rakim mula sa kaharian ng Luntasia." Luntasia....isang malaking kaharian ng mga engkanto na pinamumunuan ni Haring Rakim.mayroon itong kabuuan ng humigit kumulang sa sampung libong mga engkanto,magaganda at nagagwapuhan ang mga lahing ito ng engkanto na masasabi kong mataas na uri at mga maharlika. Mayroon naman itong isang libong kawal, Dalawang daang mandirigma na pinamumunuan ng limang Heneral at sampung Komandante. Ang kanyang asawa ay si Reyna Camina na nagtataglay ng di masusukat na kagandahan. Ang Luntasia ay napaliligiran ng naglalakihang mga diyamante,ginto at pilak. Mga matatayog na kabundukan,malulusog na mga puno at halaman. Ang mga kabahayan sa paligid ng palasyo ay gawa sa mamahaling mga materyales at nagkikinangan ang mga ito. Ang napakalaking palasyo naman ay halos mapuno ng ginto at pilak ang ppagkakayari. Mga sasakyang karwahe na gawa rin sa ginto at pilak na may ilang mga diamante. "Isa ako sa nakatakda mong maging gabay na tutulong sayo anumang oras sa sandaling kailanganin mo ako at nahaharap ka sa anumang piligro" wika ni Haring Rakim. "Nang isuot mo ang medalyon na yan nagliwanag ang aking suot na medalyon,na nangangahulugan na mayroon ng bagong tagapangalaga ang medalyon ng SATOR na tangan mo. Kaya bilang pangunahing gabay mo, nandito ako upang makipag isa sayo gaya ng nakatakda. Ang aking huling pinagsilbihan ay lolo ni Mario na si Roman. Hindi na ito ginamit ng kanyang anak at apo na si Mario,at ngayon nga ay sayo ito pinamana at ikaw ang nakatakdang gumamit. Nang dasalin mo sa iyong pagdedebusyon kaninang umaga ang mga salitang latin ito ang naging hudyat na muli ng gumising ang medalyon ng SATOR at kailangan na itong magsimulang lumakas para sa darating na araw ng pakikidigma laban sa kampon ng dilim." Ito ang mahabang paliwanag ni Haring Rakim kay Bon. "Kunin mo ito" Inalis ni Haring Rakim ang kanyang kuwintas at binuksan ito. Para itong isang compact at nasa loob nito ang isang kumikinang na bato na hugis S. "Ilagay mo ito sa unang letra ng iyong medalyon" sambit ni Haring Rakim Agad namang gumaan ang loob ni Bon matapos makapagpaliwanag ni Haring Rakim at kinuha ang inabot nitong bato. Kaagad namang naglaho ang nilalang na iyon pagkalagay ni Bon ng letra sa kanyang medalyon. Nakaramdam siya ng kakaibang sigla ng katawan sa mga oras na iyon. at mayroon siyang narinig na tinig mula sa kawalan at ito ay pumasok sa kanyang isipan. "Ako ang Lupa, lahat ng nasa lupa at nabubuhay ng dahil sa lupa ay nasa kapangyarihan ko." Sabi ng boses sa kanyang isipan. Doon lamang napagtanto ni Bon na yun ang bertud ng lupa. Mayroon na siyang isang letra na may kabuuan na Lima sa salitang SATOR. Ang pinagtataka lang niya ay kung paano nya ito gagamitin,paano at ano ang kanyang gagawin at kailangang pagsanayan upang magamit niya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD