Agad naman siyang umuwi ng kanilang bahay upang makwento sa lolo Mario niya ang mga nangyari. Sabik itong naglalakad papasok ng kanilang bahay nang biglang may narinig siyang kaluskos mula sa malaking puno ng mangga sa gilid ng kanilang bahay.
Agad naman siyang napatingin sa puno at tinitignan kung ano at saan galing ang kaluskos na iyon. Ngunit wala siyang nakita at agad na binuksan ang pinto upang agad na pumasok.
Dumiretso siya sa silid ng kanyang lolo Mario upang magkwento ukol sa mga naganap kani kanina lang sa gitna ng pangunguha niya ng mga sanga ng puno upang gawing uling.
Ngunit wala ang kanyang lolo Mario.
Pumunta siya sa sala upang maupo at magpahinga. Sa kalagitnaan ng kanyang pamamahinga maroon siyang narinig na mga yabag ng paa mula sa labas ng bahay,ang pinagtataka niya ay parang maraming naglalakad na pabalik balik. Bigla siyang nakarinig ng malakas na sigaw,kilala niya ang tinig na ito. Galing ito sa kanyang lolo Mario na tila ba ay galit na kinakausap ito sa labas ng bahay. Napabalikwas siya at agad na naglakad palabas upang tignan ang kaganapan at kung bakit parang may kaaway ang kanyang lolo.
Paglabas niya nakita niya ang kanyang lolo na parang may hinahabol sa di kalayuan at hawak ang kanyang itak.
"Lo bakit?sino yun?bakit kayo nakikipg away? Sunod na sunod na tanong niya sa kanyang lolo.
At sinundan niya ito ng biglang nakasalubong niya ang kanyang lolo na pabalik na naglalakad..
"Pesteng mga yan ang aga aga pa at mataas pa ang araw ay gusto ng makaperwisyo." Galit na sambit ng kanyang lolo Mario.
"May naganap sa medalyon na suot mo?tama ba ako?" Tanong ng kanyang lolo.
"O..o..opo lo,paano nyo nalaman ang bagay na ito?" nauutal at nagtatakang tanong niya sa kanyang lolo.
"Dahil nagpakita na ang ilang mga maligno,nadatnan ko silang paligid ligid sa ating bahay. At nais nilang makuha ito malamang." Sagot ni lolo Mario
Agad namang kinilabutan sa takot si Bon sa kanyang narinig.Hindi pa siya nakarinig at nakaranas ng anumang bagay na gawa ng maligno. At lalong hindi pa siya nakakita nito..
"Lo a..ano ang dapat natin gawin?" Tanong niya dito.
"Nasaan ang libreta apo?" Tanong ng matanda
"Nasa silid ko po lo" pero wala naman nakasulat kaya itinabi ko na lang" sambit ni Bon.
"Hindi...Ngayong nagpakita na ang iyong Gabay ng lupa at nasa iyo na ang bertud nito. may kakayahan ka ng makita at mabasa ang unang bahagi nito. Lalabas na rito ang mga salitang latin at pamamaraan kung paano ito gamitin. Simulan mo ng magsanay at kabisaduhin ang mga buhay na salita na magagamit mo sa oras ng kagipitan.
Nang biglang may..........