Mga yabag ng paa na kung pakikiramdaman mo ay hindi lang ito nang gagaling sa isa,dalawa o tatlong tao. Na animo'y nagmamartsa ng pabalik balik sa kanilang bakuran..
Napagtanto ng mag lolo na tila ba ay may umaaligid sa kanilang bahay..
Nang biglang nagwika ang kanyang lolo Mario...
"Mukhang namalayan na ng mga kampon ni Satanas ang unang bahagi ng pagbubuo ng medalyon..kinakailangan mo na magpalakas apo,hindi madali ang tatahakin mong landas. Nakakabit dito ang pagiging lapitin mo ng mga elemento,mapa mabuti man o masama. Kinakailangan ng ibayong pag iingat,talas ng isipan,lakas at pag gamit ng tama ng iyong kakayahan."
mahabang paliwanag ng kanyang lolo Mario.
Hinintakutan naman si Bon sapagkat ngayon lang niya nararanasan ang mga kakaibang kaganapang ito.
Nang muling nagwika ang kanyang lolo at sinabing huwag siyang mag alala at siya na ang bahala sa mga nilalang na ito na nagpapabalik balik at umaaligid sa kanilang bahay.
Agad namang pumasok ng kanyang silid ang matanda at may kinuha sa sa kanyang ilalim ng katre. Nakalagay ito sa isang lumang kahon na yari sa kahoy. Bakas dito ang kalumaan at tila ba ay matagal na hindi nabuksan ang kahong ito.
Isang di kahabaan na latigo na kulay itim. Kung tatantiyahin ito ay may haba na tatlong talampakan.Mahigpit itong hinawakan ng kanyang lolo Mario at mayroon din itong itinaling tila ba isang balabal sa kanyang ulo. Ito ay kulay pulang tela na mayroong mga nakaguhit na larawan.Mayroon din itong mga salitang nakasulat sa di maintindihang lenguahe.
Agad itong lumabas ng bahay ng walang pag aatubiling kumilos na para itong susugod sa kanyang kaaway.Agad din namang sinara ng kanyang lolo ang pinto at nagbilin sa kanya na huwag na huwag lalabas.
Nakarinig siya ng isang pamilyar na boses na sumisigaw na tila ba buong lakas nitong binibigay ang kanyang paghataw sa kung anuman. Napagtanto niya na ito ay kanyang lolo,agad naman siyang nakaramdam ng kuryosidad na nagbigay sa kanya ng ideya na sumilip sa isang maliit na awang sa gilid ng bintana.
Nanlaki ang mga ni Bon sa hindi inaasahang masaksihan ng kanyang mga mata.Hindi siya halos kumurap sa tagpong nagaganap sa labas ng kanilang bahay...