Chapter 4: Isang Uri ng Pagpapanggap

592 Words
--- Simula nang mabasa ni Ezperanza ang medikal na rekord at ang listahan ni Rafael, hindi na siya naging pareho. Ngunit hindi rin siya nagpabago. Hindi siya nagpahiwatig ng kahit anong nalaman. Hindi siya nagtanong, hindi siya nagpakita ng awa. Sa halip, pinili niyang magpanggap. Hindi dahil manhid siya, kundi dahil natatakot siyang bumigay. "Ayokong ako ang mahalin niya dahil ako lang ang nandito." "Ayokong mahalin siya dahil alam kong mawawala rin siya." Tuwing dumarating si Rafael mula sa kanyang trabaho sa lungsod, may dala itong pasalubong — minsang tahimik na iniwan sa lamesa ng kwarto niya: isang mainit na cinnamon bread mula sa paborito niyang bakery. Minsan ay isang handmade bracelet na may bato mula sa Baguio. Minsan ay librong nabanggit lang niya nang pahapyaw. At sa tuwing ginagawa ito ni Rafael, hindi siya nagsasalita. Wala ring paliwanag. Wala ring pilit. Isang simpleng "para sa'yo." Sabay alis. At sa tuwing aalis si Rafael, binabalewala ito ni Ezperanza. Pinipilit. “Hindi ko kailangan ‘to,” bulong niya, kahit pa maingat niyang itinatago ang mga bagay sa loob ng drawer. Ngunit sa gabi… iba ang kwento. Habang tulog si Rafael — pagod, nakahiga sa leather couch sa kanyang opisina, o minsan sa veranda na hindi na umabot sa sariling kama — tahimik siyang lumalapit. Pinagmamasdan niya ang mukha nito habang mahimbing. Mapayapa. Minsan ay tila masakit ang paghinga. Minsan ay nakakunot ang noo. At sa mga gabing iyon, kinakausap niya ito sa isip. "Bakit mo ginagawa ‘to sa akin? Bakit mo pinapadama ang mga bagay na hindi dapat iparamdam sa isang kasunduan lang?" Isang gabi, nahuli siya ni Aling Rosa sa may hallway, palabas mula sa kwarto ni Rafael. “Binibini…” ani ng matanda, may ngiting may alam. “Minsan, ang mga taong nagsasabing hindi sila naaapektuhan… ay ‘yung pinakaayaw masaktan.” Hindi siya sumagot. Hindi rin niya itinanggi. Nang gabing iyon, sa unang pagkakataon, hindi niya napigilang halikan ang noo ng lalaking tulog sa couch. Isang halik na mabilis, magaan, at puno ng takot. Pagbalik niya sa kwarto, humiga siya’t mariing pumikit. "Hindi ko siya mahal." "Pero bakit parang ayoko na siyang mawala?" --- Mahimbing ang tulog ni Rafael sa leather couch sa opisina sa kanyang kwarto, ang dibdib niya’y dahan-dahang umaahon at bumababa sa bawat hininga. Tahimik si Ezperanza, nakatayo sa gilid, pinagmamasdan ang mukha ng lalaking nagdulot ng mga magulong damdamin sa kanya—takot, galit, at unti-unting pag-ibig. Dahan-dahan niyang inilapit ang kamay, pinisil ang palad ni Rafael nang marahan. Napatingin siya sa kanyang sarili sa salamin, hinanap ang lakas ng loob. “Hindi ko siya mahal,” bulong niya sa sarili, “hindi ko siya mahal.” Ngunit hindi niya mapigilang ilapit ang mga labi niya sa noo ni Rafael, isang magaan, mahina, at puno ng pag-aalala na halik. Bigla, gumalaw ang katawan ni Rafael. Bumuka ang mga mata niya at tumingin kay Ezperanza, nahuli siya sa kanyang ginawa. “Ezperanza?” ang tinig niya, halong pagkalito at lambing. Nagulat si Ezperanza, pero pinilit niyang kumalma. “Ah i-inutusan lang ako ni Aling Rosa, may nais raw sabihin sayo,” ang boses ay malambing ngunit may hawig ng pagtatanggol. Kahit wala naman. Ngunit hindi niya ito pinaniniwalaan ni Rafael. Sa mga mata nito, nakita niya ang isang lalaking unti-unting bumibigay, naglalantad ng kahinaan na bihira niyang ipinapakita. “Ah sige,” wika ni Rafael, habang inaayos ang kanyang itsura at muka, nahiyang konti sa harap ni Ezperanza. Ngunit sa loob loob ay natutuwa sapagkat nahuli niya si Ezperanzang nakatingin sa kanya sa pagtulog niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD