Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni King. Davis International Airport is a no joke. Oo, kaibigan ko siya. Pero wala sa hinagap ko na tutulungan niya ako. I mean, its possible. But I didn't expect na ganito kaaga. I'm a fresh graduate for crying out loud. Ang dami kong naririnig sa mga classmates ko na mahirap raw makapasok doon. Karamihan ng tinatanggap ay may experience na.
Kung sa working experience naman ay meron ako. Kaso, ano lang naman iyon? Anim na taon akong encoder at photocopy girl sa isang law firm. Wala namang koneksyon iyon sa pagiging stewardess.
I wore a high waist black skirt with formal blouse and a coat. King wants to pick me up pero tumanggi ako. Ayokong isipin ng mga employee doon na kaya lang ako matatanggap ay dahil kaibigan ko siya.
Screening, exam and initial interview would be my task today. Gusto kong dumaan sa proseso ng isang karaniwang aplikanteng nangangarap na mapabilang sa isa sa presterhiyosong kompanya rito sa Pilipinas.
The interview went smooth kahit mahaba ang pila ng applicants. Natanggap din ako sa screening. May isa lang ibinilin sa akin. Sa susunod daw na interview ay magsuot raw ako ng heels. Iniisip ko pa lang kung anong itsura niya sa paa ko kapag suot ko na ito ay napapangiwi na ako. Sigurado akong maghihimagsik ang mga ugat at laman ko sa paa. Hindi naman kasi ako sanay magsuot ng ganoon.
King texted me to wait at the restaurant near employees entrance. Hindi nagtagal ay dumating na siya. He is wearing a dark blue suit. Hindi ako sanay. Ngayon ko lang yata narealize na gwapo talaga siya.
"Hey," he snapped. Natulala yata ako.
"Gwapong gwapo ka sa aking ngayon no? You're drooling, my Queen," mayabang na sambit niya.
"Gago, hindi lang ako sanay." I rolled my eyes. Ang yabang talaga.
"I told you stop cussing." Pinandilatan niya pa ako ng mata.
"E, di ogag." Napailing iling siya. "Bakit mo ba ako pinapunta rito? Nagugutom na ako. Ang init init pati ng suot ko." Nilikom ko ang takas ng buhok sa aking mukha at inilagay ito sa likod ng aking tainga. Sa totoo lang ay kanina pa ako init na init. Nangangati na rin ang kili kili ko dahil sa coat na suot ko.
Pumunta siya sa gilid ko at dahan dahan niyang tinanggal ang aking coat.
"Kuya, huwag po," i joked.
"Okay lang 'yan, asa ka lang." Grabe, hangin talaga.
Sisikuhin ko sana siya pero nakailag ito. Tumawa pa ng nakakaloko. Siya na ang nagtupi ng coat ko. Ganoon naman kami palagi. We're comfortable in any gestures we're doing.
Napansin ko ang malisosyong tingin ng mga tao sa loob ng restaurant. Ulaga talaga ito. Bakit ba kasi rito niya naisipang magkita kami. E, konting kembot lang ay nasa employees entrance na kami.
"Tara na, doon na lang tayo sa kotse mo. Ang daming zombie dito. Baka mabali leeg nila kakatingin sa atin. Machismis ka pang jowa mo ako, swerte mo naman masyado noon."
"Wow, confident." He chuckled. Ang yummy ng tawa, parang siya.
"Talaga," I proudly said.
Hinila ko ang kanyang kamay para mabilis kaming makaalis. Slow motion pa kasi ang lakad. Nakakainis. Sarap bigwasan ng three.
"We're going to Divine house of models."
"Seryoso ka ba diyan King? Kailangan pa ba iyon? Nag-init na naman ang ulo ko. Naalala ko na naman iyong nangyari noong nakaraang gabi. Nag-iwas ako ng tingin at inabala na lang ang aking sarili sa pagtingin sa matatayog na building sa Edsa. I want to divert my attention. Ewan ko pero naiiyak ako.
I know that I'm not that demure, finesse or whatsoever. I am always clumsy and disoriented. Nakaka offend lang dahil nagpipilit siya. Pwede naman akong magtraining if ever I got hired. Bakit kailangan pati sa labas umarte ako na hindi naman ako. Flight attendant ang ina-apply-an ko hindi naman model. I am not comfortable.
Tumigil kami sa isang building along Julia Vargas. Huminga siya ng malalim. Kinuha niya ang kamay ko pero pinalis ko ito. Akma kong bubuksan ang pinto pero bigla niya akong iniharap sa kanya.
"Listen, my Queen," he started. "I am doing this for you. Pangarap mo ito 'diba? Ayaw mong ipasok kita through my position. This was the least I could do para makapasa ka sa training. Huwag ka ng magalit please. I don't want you get mad at me." He pouted. May kung anong kumiliti sa balunbalunan ko. He's too close. Ano ba itong nararamdaman ko.
Nag-isip ako sandali. May point naman siya. Malaki nga ang maitutulong nito sa akin. He gave me his signature puppy eyes. Hindi ko talaga matiis ang ugok na ito.
"Fine. Pero huwag mo akong pagbawalan kapag nasa labas ng airport. Don't make me the person I am not, King. Nabuhay akong ganito, mamamatay din akong ganito," mariing sabi ko.
His face softened. Kinalas niya ang seatbelt ko at pinagbuksan ako ng pinto.
Sinalubong kami ng isang matangkad na babae. Familiar siya sa akin. She's the Miss Universe 2013. Sa tantya ko ay magkasing tangkad lang kami. She's wearing a white croptop, beige palazo and a five f*****g high heel.
"It's been a while, Mister Davis," she said in a seductive voice. Nalukot ang aking mukha. Alam ko na ang mga ganoong galawan. Nagpapa cute siya kay King ina. Akala ko pa naman mahinhin ang isang ito. Wala talaga ako tiwala sa mga mahihindutin na iyan.
The girl kissed his cheek. Ngiting tagumpay naman ang animal. Gusto kong sumigaw ng "Darna" para mabasag iyong pagteteleserye nila. Walang pasintabi sa virgin.
We entered an empty studio. Samantha Mahihindutin introduced me to Hershey. Bet ko ang name niya. Matangkad lang siya sa akin ng kaunti. She's a professional proper etiquette mentor.
Nagsalubong ang aking kilay nang bigyan niya ako ng five inches high heel shoes. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa ni King. What am I going to do with this shoes? Ipupukpok ko ba ito sa ulo ni Samantha? Kasi kung iyon ang gagawin, I am very willing.
"Wear it, Kisses. I'll just take this call, excuse me," she politely said.
Bumaling ako kay King. "Seriously?" i asked annoyingly. Ilang beses pa ba akong maiinis ngayong araw?
Wala naman akong choice kung hindi ang sumunod na lang. Hershey taught me how to walk properly with heels. Bakit kasi kailangan pa ng heels. Feeling ko isa ako sa kandidata ng Binibining Pilipinas. Kung si Shamsey Supsup may tsunami walk, iyong akin kinemeng walk. Ilang beses pa akong natapilok. Hindi pa man ako nakakainom ng alak ay susuray suray na ako. Ang sakit sakit na ng paa at binti ko. Pati iyong pag ngiti ay inaral ko rin. May kagat akong pencil habang nagkikinemeng walk.
Napapalakpak si Hershey when I perfectly done the walk.
"Good job, Kisses, you did great," she happily told me. Napangiti ako.
Hinubad ko iyong heels at nagtungo sa may girls room para magbihis. Nakakapawis pa lang maging beauty queen.
Napatigil ako sa paghuhubad nang may marinig impit na ungol. Idinikit ko ang aking tainga sa dingding. Looks like someone's making out. Napailing na lang ako. Hindi naman ako inosente sa ganoong bahay dahil simula noong maging kaibigan ko si King ay naging corrupted na ang utak ko.
"f**k, I'm coming. Give me your mouth," a familiar voice groaned. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya iyon. Inayos ko ang aking gamit at mabilis na lumabas ng cubicle.
I am aware that he's having some s****l activity with random girls. Pero itong ganito, hindi ko kaya. Parang may tumutusok sa dibdib ko. I hate this feeling, dapat immune na ako.
I'm about to go out of the cubicle nang may bumunggo sa akin. It was Samantha, and she is wiping her mouth. Tang ina, nakakadiri siya. Bakit di na lang siya lumaklak ng clorox. Magkaamoy din naman iyon. Kasunod noon si King na ngingisi ngisi pa. Ngunit nang makita niya ako ay bigla siyang namutla.
I hurriedly went out. Hindi ko sila kayang makita.
"Kisses, wait." Malalaki ang hakbang niya kaya naabutan niya ako. I keep on walking, hindi ko siya pinapansin.
"Sandali nga," hinatak niya ang braso ko. Lalong nag init ang aking ulo.
"Don't touch me, Mikael, nakakadiri iyang kamay mo. Kung saan saan mo na iyan naihawak." Tinalikuran ko siya ay nagpatuloy sa paglalakad.
"Look, Kisses, I'm sorry."
"You should be. Dinala mo ako rito para lang makipag yugyugan sa Samantha Mahihindutin na iyon? Sanay naman ako na ganyan ka. Matagal ka nang malibog alam ko iyon. Pero huwag naman kung saan ka abutin," inis na sambit ko. Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko.
Hindi ko na siya hinintay na magsalitang muli. I turned my back on him.
"K-Kisses, wait." Sigaw niya.
I raised my right hand and gave him a dirty finger.
Atleast, I didn't cursed.
Napalitan naman ng galak ang inis na idinulot sa akin ni King ina ngayong araw na ito. Miss Lina - the hr texted me dahil bukas na ang final interview ko. Pagkarating ng bahay ay masaya kong ibinalita kay Sally iyon pati na din kay Daddy. Hindi man siya makapagsalita ay alam kong proud siya. He's been always proud of me since when I was a child. Kahit maliliit na achievement lang ay tuwang tuwa na siya. Naalala ko pa nga noon, nagpakain siya ng pancit malabon dahil mataas ang exam ko.
I woke up early the next morning. Like what the interviewer told me yesterday, naka heels na ako. Same skirt and coat ang suot ko. Iyong panloob lang ang pinalitan ko.
Miss Lina accompany me to the security building. Nandoon daw kasi ang mag i-interview sa akin kaya doon niya ako dinala.
"Sige, Ma'am pasok ka na. Goodluck."
Nangininginig ang mga kamay kong pinihit ang doorknob. Ang kaninang kaba ay napalitan ng inis nang makita ko kung sinong mag i-interview sa akin. Padaskol akong umupo sa visitors chair.
"Alam mo ikaw gago ka. Ikaw lang ba ang pwedeng mag interview sa akin?"
"What? Bakit ba ang init ng ulo mo? Ako na nga ang interviewer mo, ayaw mo pa?" tinaasan niya ako ng kilay.
Bigla akong tumayo.
"Tawagan mo na lang ako kapag may iba nang naka assign na mag i-interview sa akin. I am being professional here, Mikael. Maglolokohan lang tayo kung ikaw mismo ang mag ha-hire sa akin."
"You're still mad." That's not a question, that's a statement. Alam naman niya pala bakit pa niya ako pinapunta dito?
Inirapan ko lang siya at mabilis na tumalikod.
"Hindi ko na uulitin. I promise." Napatigil ako sa paglakad. "What do you want me to do para mapatawad mo ako?" tanong niya.
I grinned at him. Anything pala ha?
"Nakikita mo iyang mic na 'yan? Para saan iyan?"
"Huh? Ginagamit iyan kapag may nawawalang bata or pinapatawag na employee sa department."
It's payback time. Nagtungo ako sa likod niya kung saan naroon ang pakay ko.
Ini-on ko iyong mic. Tinest ko iyon at laking tuwa ko nang mapatunayang naririnig nga iyon sa buong airport.
"Gusto mong makabawi diba?" I asked him. Tumango siya. Halatang nalilito siya sa gusto kong mangyari.
I instructed him to repeat what I am going say. Para siyang tanga, nag ehem ehem pa siya.
"Angti." I started.
"Angti," ulit niya.
"Tikopala'yju"
"Tikopala'yju" ulit niya ulit.
"Tay," sambit ko na nagpipigil ng tawa.
"Tay."
Paulit ulit lang iyon. Hindi ko na napigilang magpakawala ng tawa.
"Why are you laughing?" ungot niya. "Para kang baliw."
"Okay, sige last na. Bilisan mo kasi." Pinaikutan niya ako ng mata. Halatang naiinis na siya dahil kanina pa siya pa ulit ulit.
Mahigpit akong humawak sa aking bag dahil kapag narealize na niya ang ibig sabihin nang kanina niya pa pa ulit ulit na sinasambit ay siguradong mayayari ako.
"Ang t**i ko.....pala'y....jutay," bigla siyang natigilan. "You witch," he hissed at me.
Nanlaki ang kanyang mga mata. Tumakbo na ako palabas bago pa niya ako masakal.