Chapter 2

1140 Words
"Ano? okay ba? Maganda ba?" nakanguso kong tanong kay Sally. I was wearing a white off shoulder na kinemeng dress. Loose long sleeve ito ni Daddy noong mataba pa siya. Tinahi ko lang para maging dress dahil maganda naman ang tela. Thanks to my mom's sewing machine. "Pak na pak, Ateng, pwede ka pa lang fashion designer. Ang ganda mo, Ate, congratulations." Niyakap niya ako.  Six months of hardwork and sleepless nights because of thesis and ojt are worth it. I will graduate with flying colors, I am a c*m Laude that most of the parents wished for their children.  Bumaba ako para silipin si Daddy sa kanyang silid. Pangatlong stroke na niya last year kaya hindi na maibabalik ang dati niyang lakas. May diabetes din siya.  "Daddy, ga-graduate na po ako. I'm a c*m Laude. I will be a successful stewardess someday. Are you happy?" I asked him. He nodded. I can't help but cry. Kung sana ay malakas pa siya ay siya kasama kong mag martsa ngayon ay siya ang magsasabit ng medalya ko.  Hindi naman ganito ang nakagisnan kong buhay noon. I used to be the Princess in a big house with a happy family. Simula noong nawala ang Mama ko ay naging malulungkutin si Daddy. Hanggang sa magkasakit siya. Samahan pa nang mga kapatid ko sa ina na gahaman sa pera. Para silang mga pokemon, bigla silang nag evolve into monsters. Napakasama nila. Sila ang dahilan kung bakit kami naghihirap ngayon. Kinamkam nila ang negosyo na pinayabong ng daddy ko.  Si Sally lang yata may busilak na puso sa kanilang lahat. She chose to live with us. Kung tutuusin ay hindi naman niya ako ka ano-ano. Ang tunay niyang mga pinsan ay iyong mga kapatid ko kay Mommy. Kinupkop siya ni Daddy, rebelde siya sa kanilang pamilya. Hindi ko naman siya masisisi dahil magulo talaga ang pamilyang mayroon siya.  Hindi ako nawalan ng pag-asa. Ginawa kong motivation ang lahat ng sinapit namin kaya ako nakarating kung nasaan ako ngayon.  Bilog naman ang mundo. Patuloy lang ang pag ikot nito. Darating din ang panahon na kami naman ang nasa itaas.  Gustuhin ko mang mag iwas ng tingin ay hindi ko magawa. All of the graduates are with their parents and siblings. Bagay na wala ako ngayon. I am alone and I will march with me, myself and I. Kahit nga kukuha ng litrato ay wala. Si Sally sana, kaso wala namang magbabantay kay Daddy. Iyong binabayaran ko kasing taga bantay niya ay umuwi ng probinsya. Gusto ni King na siya ang kasama ko ngunit hindi ako pumayag. Mamaya kasi ay may makakilala sa kanya na alagad ng Daddy niya at isumbong ito.  The ceremony went well. Maikli lang ang speech na ginawa ko para matapos na agad. Isa isa nang tinawag ang mga graduates to receive their diploma. Mabilis akong umakyat sa stage nang banggitin ang aking pangalan. “Milan, Queen Kisses B.” I walked alone. There's no one behind my back to accompany me in this very important day of my life. Tumakbo ako pababa ng stage. Hindi ako makahinga.  Getting out of here would be the best thing I could do to make myself feel better. Ang bigat bigat sa puso. Naiiyak ako sa inggit. Ang dami nila tapos ako lang mag isa.  Bumuhos ang aking luha nang makalabas ako ng gate. Ngayon ko naramdaman iyong "me against the world." May mainit na katawang kumabig sa akin. It's his smell. It's him. It will always be him.  "Hush now, my Queen, your King is here."  Nang tumahan ako ay iginiya niya ako sa kanyang sasakyan.  "Wow, totoo ito? Naka kotse tayo?" tanong ko sa kanya na may himig ng panunudyo.  Sa loob ng isang buwan kasi ay limang beses lang yata siyang magkotse. Nakikisakay lang siya sa shuttle ng airport niya. Mukha siyang gago doon na nakiki-feeling turista. Tamad na nga maglinis, tamad pa mag drive.  "Oo, kasi graduation mo e. Last mo na ito kaya namnamin mo na. Mag ji-jeep na tayo ulit bukas saka mag wa-one, two, three," saad niya. "Nakakahiya ka, King ina. Ang yaman yaman mo tapos nag wa-one, two, three ka."  "Isang beses lang iyon no. Nadukutan kasi ako ng wallet," katwiran niya.  Hindi nakaligtas sa kanya ang ginawa kong hindi pagsasabi na graduation ko ngayon. Kung sana raw ay sinabi ko ay siya ang nagsabit ng medal sa akin. Ipinaliwanag ko naman ang dahilan ko kaya kahit papaano ay nabawasan ang kanyang pagtatampo. Dumiretso kami sa isang mamahaling restaurant. He ordered food by course. Hindi ako sanay. Tinuruan niya rin akong kumain "with proper etiquette" kailangan ko raw iyon kung gusto kong maging stewardess. Maging mahinhin naman daw ako. I was torturing the shrimp on my plate, sa inis ko ay ibinaba ko ang aking kubyertos at kinamay ito. Bigla niyang tinampal ay kamay ko.  "Kisses, act like a lady. That's not the proper way of eating shrimp," inis na sabi niya.  "Bakit? Hindi ba ako lady? Wala naman akong t**i. Nireregla ako once a month. Paano akong hindi naging lady?" katwiran ko. Nakakainis siya. Gutom na gutom na ako tapos gusto niya pa akong maging demure sa harap ng hipon?  Tongue in a disc. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. Tila ba nauubusan siya ng pasensiya. Ano kayang drama nito ngayon?  "And one more thing, stop cussing," giit niya pa.  Hindi ko na siya pinansin at ipinagpatuloy na lang ang pagkain. Hipon is life ngayon, libre ito kaya lubus lubusin.  I was biting my nails while looking at him. Tinitignan ko kasi mabuti kung paano niya himayin ang pabebeng hipon. Naunahan ko tuloy siyang matapos kumain.  Nanlaki ang kanyang mata nang dumako ang tingin sa akin.  "Hey, stop biting your nails," saway niya. Napasimangot ako. Kanina pa siya ganyan.  Bakit ba ganoon siya sa akin, e, matagal naman na akong ganito.  Sa inis ko ay nag walk out ako. Kung kanina ay naiiyak ako sa inggit ngayon ay naiiyak ako sa inis. May ibibigat pa ba ang pakiramdam ko ngayong araw na ito? Hindi ko namalayang nasa likod ko na pala siya. Kung bumubuga lang ako ng apoy ay kanina ko pa siya binugahan at tinusta ang mukha niyang King ina siya.  Mabilis akong naglakad. Tinatawag niya ako pero hindi ko siya nililingon. Kung hindi pa siya tumakbo ay hindi niya ako maabutan. Hingal niya akong hinarangan.  "Sandali lang. I'm sorry. I just want you to learn on how to be finesse. Because I want you to be my stewardess, on Davis Airport."  Hindi ako agad nakagalaw. Biglang nag buffering iyong utak ko. Tama ba ang narinig ko? He want me to be a stewardess in a well known airport in this country? "Weh?" iyon lang ang nasabi ko.  "Yes, Kisses. And we will start your training the day after tomorrow."  Hinimatay ako.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD