Chapter 1

1228 Words
Maaga akong pumunta sa pad ni King ngayong umaga. Nagluto kasi ako ng paborito niyang laing. Hindi naman talaga ako marunong magluto nito, pinilit lang niya ako na pag-aralan kung paano gawin.  Natikman niya raw ito noong birthday ni Sir Nigel na ang nagluto ay si Aileen. Sayang nga lang at namatay ito ng maaga. Mabait pa naman iyon kahit krung krung. Nakasama ko siya dati noong hiniram ako ni Sir Drake sa AB's Supermarket noong kulang sila sa tao.  I knocked at the door three times but he didn't open it. Sigurado akong tulog pa iyon. Baka nagtampisaw na naman sa ka-imoralan kagabi. I decided to use my duplicate key. Mayroon akong susi dahil thrice a week akong maglinis dito. Siyempre, hindi iyon libre. He pay me every time I cleaned his place. Nakakadagdag iyon sa allowance ko at gamot ni Daddy.  I walked directly to his room. As usual, may katabi na naman siyang babae. Nakakadiri talaga siya. Hindi ba siya nauubusan ng semilya?  Pumunta ako ng banyo at hinanap ang paborito kong dilaw na maliit na timba. Pinuno ko ito ng tubig. Kung may kinatutuwa ako sa pagpunta ko rito, iyon ay ang palaging buhusan ng tubig sa mukha ang babaeng kinana niya nang nakaraang gabi.  "What the hell!?" the girl shouted. Gusto kong tumawa pero pinipigilan ko ang aking sarili. I need to be fierce in front of this woman.  "You may leave now," I told her. I gave her a death glare. She smirked at me. Dukutin ko kaya ang tonsil nito?  "And who are you?" tinaasan pa niya ako ng kilay.  "I'm his fiance, he's done with you. Nagawa na niya ang gusto niyang gawin sa'yo. Kaya mawalang galang na sa hindi kagalang-galang na katulad mo, umalis ka na," I said with a stern voice. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang ngisi ni King. Inirapan ko siya. Bumaling iyong babaeng lawlaw ang dede sa kanya at binigyan ng nagtatanong na tingin. Nagkibit balikat lang ang hudyo at isinubsob muli ang mukha sa unan. King ina talaga.  "Ahhhhh. I hate you Mikael!" The girl leave the room with frustration. Wala talagang patawad ang manyak na ito.  I go out of his room at pabalibag na isinara ang pinto. Kailan ba siya magbabago?  Sinimulan ko nang linisin ang mga nakakalat na bote ng beer, popcorn at iyong pizza box. Minsan, gusto ko na lang silaban itong unit niya. Ang kalat-kalat kasi.  Nang bumalik ako sa kwarto ay naabutan kong tulog na naman ito. Aba matindi. Binalibagan ko na ng pinto hindi pa rin nabuhayan ng ulirat.  "Lamaste, hoy, Lamaste! Gumising ka na riyan para malinis ko ang kwarto mong dugyot ka."  "Lamaste? What happened to Mahal na Hari?" "Iyon na ang tawag ko sa'yo kasi nilamas mo ang dede ko kahapon."  "Dede ba 'yon? Akala ko pantal," nakangising sabi nito kaya binato ko siya ng unan. Pagkatapos kong maglinis ay nag-aya siyang kumain sa labas. Mamayang dinner na lang raw niya kakainin iyong dala ko. Ayos lang naman kasi gusto ko ring lumabas. Day off ko ngayon at wala rin akong klase.  "May fish ball oh, tusok muna tayo," aya ko sa kanya. Napapangiti ako sa tuwing napapatitig ako sa kanya. Hindi ko kasi akalaing magiging malapit ako sa taong ito. Kung ikukumpara kasi ako sa mga kaibigan niya ay walang wala ako. Nahihiya ako kapag nakikita kami ng mga kaibigan niya na magkasama.  Minsan ay na-open ko sa kanya na nanliliit ako kapag kasama ko siya. Sino ba namang hindi? Hampas lupa ako tapos siya, hampas langit. Ang layo layo nang pagitan noon. Kaya simula noon kapag magkasama kami, palagi lang siyang nakapang harabas outfit. I remember what he told me before. "Kahit magsuot ako ng basahan huwag ka lang mailang sa akin gagawin ko," and that warmth my heart.  "Kain pa tayo, gutom pa ako." Ingos niya. Hinimas himas niya pa iyong tiyan niya. Naglakad kami patungong V-mall. Maraming kainan doon. "Burger at fries sa akin ha, at sundae," I told him. Sa isang chipipay na fast-food restaurant kami pumunta.  Simple lang si King kahit na mayaman siya. Madalas lang siyang naka tsinelas kapag lumalabas. Hindi rin siya parating nagdadala ng kotse. Nakilala ko siya noon sa isang beauty contest sa baranggay namin. Isa siya sa mga judge at ako ang pinalad na magwagi. Isa sa prizes ay ang maka date siya. Sa una ay nahihiya talaga ako dahil gwapo siya at mayaman. Pero dahil makulit siya at madaldal ay agad kaming nagkasundo.  Naaninaw ko si King na nakapila pa rin. Mahaba ito kaya siguradong matatagalan siya.  Nakakaantok maghintay. Inilagay ko ang magkabilang braso ko sa lamesa at sumubsob dito. Napangiwi ako nang may maramdamang matigas na bagay. At saka bakit malagkit?  Huli ko na na-realize na nadala ko pala iyong takip ng sauce ng fish ball. Nakakainis. Mamaya ko na lang isosoli.  Naghugas ako ng kamay tapos ay bumalik sa upuan. Nakapila pa rin si King. Sunday kasi ngayon, kaya maraming kumakain. Sumubsob ako ulit at mabilis na nakaidlip  Tumunghay ako nang marinig kong may umupo sa aking tabi. Dumukot agad ako ng fries na nasa supot. My eyes widened when I saw King standing in front of me with a tray in his hands. Biglang nagising ang diwa ko. Nilingon ko ang katabi ko at ganoon na lang ang hiya ko nang makitang ibang tao pala ang kinuhanan ko ng fries.  "Sorry po," I apologized. Masamang pangitain ito. Baka maghapon na naman akong ganito. Tumayo ito agad at dala na ang in-order niya. Kaya pala nasa brown supot iyon dahil take-out. Hindi ko naman napansin kasi malabo pa ang paningin ko mula sa pagkaka idlip.  "Ang tagal mo naman," reklamo ko. "Akala ko ikaw iyong katabi ko."  Tumawa lang siya at nagumpisa ng kumain.  "f**k, I forgot my phone," biglang sabi niya. Sabi ko ay kapa kapain sa kanyang bulsa pero wala talaga doon. Bakas sa mukha nito ang pag aalala. Alam ko na ang iniisip nito kapag ganoon ang kanyang itsura.  Nag aalala siya na baka mapagalitan siya nito. Ayaw na ayaw ng Daddy niya na hindi niya sinasagot ang tawag nito. Kahit nga sa pakikipagkaibigan sa akin ay ayaw din noon. In short, matapobre.  "May number ako noong nurse ng daddy mo. Iyon na lang ang i-text mo," I offered my phone to him pero hindi niya tinanggap. Mamantika kasi iyong kamay niya, kaya ako na lang daw ang mag text. "Pakisabi mo na lang na nakitext lang ako at nakalimutan ko ang phone ko. Kunwari ako ang nag text. Basta bahala ka na," saad niya.  Me: Rhia, this is Mikael. Pakisabi kay Daddy na nakalimutan ko ang phone ko. Lumabas lang ako sandali. Pupunta ako riyan mamaya.  Hindi naman nagtagal ay may reply na ito.  Rhia: Budol budol ka ano? Hindi ka si Sir! God! Ayaw pang maniwala. Napagkamalan pa akong budol budol.  Me: This is me Rhia. Just tell dad, okay? Rhia: Weh? Sinungaling! Hindi ikaw si Sir. Kapkeyk kaya ang tawag niya sa akin.  Bigla kong binatukan si Mikael kaya naibuga niya iyong pineapple juice na iniinom niya. Tinapunan niya ako ng nakakainis na tingin.  "Did you screw your father's nurse!?" I asked in disbelief. Bigla siyang ngumisi. Hindi ko na kailangan pang ulitin ang tanong ko. His evil smirk was enough to know the answer.  At sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng inis.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD